14

183 7 0
                                    

Binibilang ni Mina ang mga araw bago sumapit ang kapaskuhan. Araw araw ring pinapadalhan ng litrato ni Tzu Yu ang dalaga, ang pamamasyal nito sa Taiwan.

Christmas Eve na at naghahanda na sila para magsimba at para na rin salubungin ang kapaskuhan sa harap ng simbahan.

Mina: Ma, nandyan na daw po yung tricycle.
Nayeon: Sige anak, isasaro ko lang itong bahay.

Lumabas na si Mina at naghintay sa kanilang gate. Binigyan niya ng ultimatum ang sarili niya. Kapag nagpakita sa pasko si Tzu Yu, sasagutin na niya ito. Pero kapag hindi, ibabalik niya ang bracelet.

Napatingin siya sa suot niya silver bracelet. Ang mga pendants nitong lock and butterfly. Ayaw na niyang mabaliw sa kakaisip kung dadating ba siya. She's slowly getting insane of thinking about him. Pakiramdam niya ay nagsisimula na ang mga sintomas ng OLD niya.

Obsessive thoughts about him..

Nang dumating na ang kanyang mama ay nagpunta na sila sa simbahan. Tahimik itong nananalanging tulungan siyang pigilan ang OLD niya. Ayaw niyang masaktan muli sa parehong dahilan.

Nayeon: Merry Christmas Anak!!!
Mina: Merry Christmas Ma!!

Nagsimula na ang fireworks show sa labas ng simbahan. Nagsigawan ang mga tao, siya naman ay tahimik na nanonood. Gaya ng fireworks na sasabog kapag sinindihan, ang puso niya'y unti unti nang nagkakaapoy dahil sa pagmamahal na ibinubuhos ng binta sa kanya.

Nang makauwi sila. Hindi muna siya kumain. Nilapitan niya ang mama niya at niyakap sa likod.

Nayeon: Naglalambing ang dalaga ko.
Mina: Ma, may sasabihin ako...
Nayeon: may problema ka ba? Halika doon tayo sa sala.

Nagtungo sila sa sala at niyakap ang mama niya. Pakoramdam niya kasi ay iiyak siya.

Mina: Ma..mayroon kasing lalaki..na nanliligaw sa akin.
Nayeon: Anak..humarap ka kaya sa akin..
Mina: ( umiling) Ayoko Ma, iiyak ako...
Nayeon:( niyakap ang anak) Anak... sige sabihin mo lang kay Mama ang problema mo.
Mina: Pakiramdam ko Ma, mahal ko na siya..pero natatakot ako..
Nayeon: Anak..alam ba niya na--
Mina: Opo. Sinabi ko sa kanya, pero okay lang sa kanya.
Nayeon: Anak, wag kang matakot. Handa ka na ba ulit?
Mina: hindi ko pa alam. Ayoko siyang mawala..pero ayoko rin siyang masaktan. Nararamdaman ko na lumalabas na yung symptoms ng sakit ko.
Nayeon:.......

Hindi nalang umimik ang ina niya. Nagsimula na silang mag iyakan. Bilang ina, nahihirapan siyang makitang umiiyak at nasasaktan ang anak niya, nararamdaman niya ang takot sa pagmamahal ng kanyang anak.

Nayeon: saka mo na sagutin ang manliligaw mo, kung handa ka na..wag mong pwersahin ang sarili mo anak, kung ayaw mo siyang masaktan, magpagamot ka. Humingi ka ng konsulta sa propesyunal. Iyon lang ang tanging paraan...
Mina: Salamat Ma..
Nayeon: Hindi ba't doctor si Russel?

Humarap si Mina sa ina niya.

Mina: opo, pero hindi naman niya ako tinulungan noon. Pinabayaan niya lang ako.
Nayeon: Anak, matagal na yun. Kahit ayaw mo man, kung yun lang talaga ang paraan para hindi mawala sayo yung manliligaw mo, gagawin mo.
Mina: Paano kung maattach na naman ako sa kanya?
Nayeon: Mahal mo pa ba siya?
Mina: H-hindi na..
Nayeon: yun naman pala.. wag kang magpapadala sa emosyong iyon. Magfocus ka sa pagpapagaling. Andito lang kami ng papa't kuya mo para sayo.

Napangiti si Mina at niyakap muli ang mama niya. Sakto naman ang pagdating ng kuya't papa niya.

Kuya: Ay sali!!!!

Nagtakbuhan ang dalawa para sumali sa yakapan. Mina's heart is full of contentment because of her family's unending love. Wala na siyang mahihiling pa, maliban sa matapos ang sakit niya.

Kumain na sila ng Noche Buena. December 25... 2:47 AM na. Matapos kumain, nagvideo call silang magkakaibigan.

Mina: Merry Christmas Jihyo! Momo!
Momo/Jihyo: Merry Christmas!
Mina: Kumusta ang pasko niyo?
Jihyo: Nako parang fiesta samin! Nasa labas kaming lahat magkakapitbahay!
Mina: Kasaya naman niyan!
Momo: Oo nga, kami family related lang.
Jihyo: Bakit hindi online si Tzu Yu? Di pa yun bumabati ah
Momo: oo nga noh? Siya nalang hindi active
Mina: Pati ako hindi pa niya nababati

Ngayon niya lang iyon napansin. Hindi pa nga pala siya nababati ni Tzu Yu.

Jihyo: baka nambabae na yun sa Taiwan! Hahah
Momo: Kasaya naman nun haha..may kasama sa malig na pasko witwiw!

Natahimik siya. Hindi naman siguro? Pagkukumbinse niya sa sarili.

Jihyo: Nga pala, may nabalitaan ako kahapon, may girlfriend na pala siya?
Momo: talaga?
Mina: Sinabi niya yun?
Jihyo: Nakita ko lang sa isang post. Sikat pala siya kahit sa Taiwan. May pinuntahan siya na store for girls. E may nagpicture.
Mina: Baka naman sa mommy niya?
Jihyo: Hindi ah, pang early 20's ang store ng perfume na yun.
Momo: Naks ! Nagbibinata ang Tzu Yu natin!
Jihyo: Sana ipakilala niya satin no?
Momo: Right! Diba Mina?

Hindi niya alam kung sasagutin niya ba yun. Paano kung may girl friend nga iyon sa ibang bansa? Paano kung hindi na niya tuparin ang pangako nito? Paano kung hindi na niya agad kaya ang ihandle siya? She's having doubts and overthinking again!

Momo: Mina?
Mina: Ah oo..sana nga e..
Jihyo: Bye bye na! May palaro sa amin, sasali ako!
Momo: nakikibagets ka naman. Sige na. Bye girls!!!!

Natapos ang video call ng puno ang isipan ni Mina. Hindi niya mapigilang mag isip. Hanggang sa pagtulog ay dala dala niya ang tanong na "May girl friend na kaya siya dun?.

Mag aala una na ng hapon nang magising si Mina. Pasko pa rin pero hindi pa rin bumabati si Tzu Yu.

Mina: Did you change your mind? Hindi ka pa bumabati. Hindi ka na nagsend ng picture. Hindi ka pa nag oonline. Nasan ka na ba?

Para siyang ewan na kinakausap ang phone number ng lalaki. Bumangon siya at sinilip ang mga batang naglalaro sa kalsada habang pinapatunog ang kanilang mga torotot.

Mina: Nasan si Mama?
Papa: Nandun naghatid ng pagkain sa tita mo. Magmemeryenda na naman ngayon ka lang nagising
Mina: 4 na kasi ako nakatulog e.
Papa: Bat lagi mong hinahanap Mama mo? Andito lang naman lagi yun
Mina: Hahaha diko din alam Pa. Diko kasi siya nakikita kaya hinanap ko. Nagtampo ka naman agad
Papa: Ako yata hindi mo pa hinanap e
Mina: lagi naman kitang nakikita e

Natatawang umalis sa kusina si Mina at lumabas para panoorin ang masayang mga bata, laman pa rin ng isipan ang Tzu Yu na hindi nagpaparamdam.

Habang nanonood ay nakita niya ang mama ni Jane.

Mina: Tita! Merry Christmas!
Mama ni Jane: Oh Mina nandyan ka pala. Merry Christmas rin!
Mina: San po kayo pupunta?
Mama ni Jane: Pupuntahan ko ang kaibigan mo. Dadalhan ko ng handa namin. Gusto mong sumama?
Mina: Okay lang po ba?
Mama ni Jane: Okay lang ano ka ba, anak na din kita kaya okay na okay.

Kahit hindi pa naliligo ay sumama sya sa private cemetery kung nasaan si Jane.

Mina: Merry Christmas Jane! Miss na miss na kita.

Natahimik si Mina nang umiiyak ang mama ni Jane. Niyakap niya ito, mahal na mahal niya talaga ang kanyang unica iha. Masaklap ang pagkamatay nito, dahil mag isa niya lang sa hospital bed na yun nang namaalam siya.

She died alone 😔

Makalipas ang dalawang oras ay umalis na ang mama ni Jane. Napaiwan siya para makausap pa ang kaibigan. Hinaplos niya ang lapida nito.

Mina: Jane..may ultimatum ako. Sana dumating siya.

3:45 PM....

Mina: 8 hours nalang... kapag wala ka pa... I won't give you a chance..

Biglang tumunog ang cellphone niya. Message galing kay Tzu Yu! Napanganga siya sa kanyang nakitang litrato.

Her picture.... Nakatalikod ito sa camera!

: Mina....

SECRET: My GirlfriendWhere stories live. Discover now