Tzu Yu: Mina…..
Unti unting humarap si Mina sa kanyang lingunin ang may ari ng boses na yun, at ang nagsend ng kanyang larawang nakatalikod.
Mina: Tzu Yu!
Patakbo itong niyakap ang lalaki dahil sa tuwa.
Tzu Yu: Merry Christmas Mina..
Mina: Merry Christmas..
Tzu Yu: Sorry nalate ako..
Mina: Akala ko ba hindi ka makakauwi?
Tzu Yu: Pwede ba yun? Ito ang unang pasko ko mula ng makilala kita. There’s no way I’ll spend this special day without you.
Mina: akala ko hindi ka na darating…Biglang bumilis nag tibok ng puso ni Tzu Yu..niyakap sya ni Mina!
Tzu Yu: Mina?
Mina: Hmm?
Tzu Yu: Did you just hug me?Bumitaw siya sa pagkakayakap at nginitian si Tzu Yu. Without words, he hugged Mina because of happiness.
Tzu Yu: This is the best gift for me… thank you Mina.. Pero, ibig bang sabihin nito tayo?
Mina: oo, sinasagot na kita.
Tzu Yu: YES!!!!!!Niyakap niya muli ito. Ngunit naudlot ang kanilang masayang selebrasyon nang isang malakas na sigaw ang umalingawngaw sa buong sementeryo. Ganun na lamang ang gulat ni Mina ang makita niya ama nito.
Papa ni Mina: ANONG IBIG SABIHIN NITO MINA!?
Nako po! Masyadong protective ang ama niya at mukhang mahihirapan si Tzu Yu na suyuin ang ginoo.
~pagkauwi~
Nakaluhod ang dalawa sa harapan ng magulang ni Mina.
Tzu Yu: Bakit tayo nakaluhod?
Mina: Kasi nakita niya tayong magkayakap, ayaw niyang may lalaking dumidikit dikit sa akin, ganun siya kaprotective.
Papa ni Mina: TUMIGIL KAYO SA BULUNGAN NIYO. PARA KAYONG MGA BUBUYOG!
Mama ni Mina: Wag mong sigawan ang mga bata, ano ka ba naman.
Papa ni Mina: mga bata!? e nagyayakapan nga sa sementeryo! Sa harapan pa ng kaibigan niya
Mina: Papa naman, wala naman kaming ginagawang masama
Papa ni Mina: Kahit na, paano kung may nakakita pa sa inyo ha?
Tzu Yu: Sorry po..
Papa ni Mina: At sino ba itong lalaking ‘to?
Tzu Yu: Ako po ang boyfriend ni Mina..
Magulang ni Mina: BOYFRIEND!?Naculture shock si Tzu Yu nang pag igibin siya ng tatay ni Mina.
Mina: Pa, bat niyo pinag iigib yan e may tubig naman tayo!
Papa ni Mina: Doon ka sa nanay mo, titingnan ko kung gaano kalakas tong lalaking to. Hindi ako papayag na magiging kayo ng hindi dumadaan sa akin.Nagpapadyak na umalis si Mina sa labas at pumasok sa kusina.
Papa ni Mina: Ikaw ba’y sigurado sa anak ko? Baka naman paglaruan mo lang ang nag iisa kong anak na babae? Ako ang makakaharap mo!
Tzu Yu: Malinis po ang intensyon ko kay Mina. Mahal ko po siya.
Papa ni Mina: Mahal mahal! Nako kababata niyo pa pag ibig na ang inaatupag niyo.
Tzu Yu: Bakit po ba ako nag iigib ng tubig?
Papa ni Mina: Bakit hindi mo kaya!?
Tzu Yu: Kaya naman po..
Papa ni Mina: Kulang pa yan sa hirap ko noong niligawan ko ang asawa ko. Akala niyo ganyan ganyan lang ang pag ibig. Sa mga edad niyo, puro puso ang pinapairal niyo. Wala pa kayong sapat na kaalaman sa mundong ito.
Tzu Yu: Hindi ko po sasaktan ang anak niyo, pangako po yun.
Papa ni Mina: Alam mo ba ang sakit ng anak ko? Paano ako makakasiguradong hindi mo paiiyakin ang anak ko tulad ng mga naging karelasyon niya noon?
Tzu Yu: alam ko po na may OLD si Mina, pero wala po sa akin yun. Mahal na mahal ko po siya.
Papa ni Mina: Mapapakain ba ng pagmamahal mo ang anak ko?
Tzu Yu: Kung bibigyan niyo po ako ng permiso na makasama pa ang anak niyo, kayang kaya ko po syang buhayin. Hindi ko po kayo bibiguin.
Papa ni Mina: Bakit? Mayaman ka ba?
Tzu Yu: H-hindi naman po
Papa ni Mina: hindi naman pala!Napapamura sa isip si Tzu Yu dahil sa usapan nila ng papa ni Mina. Hindi niya maintindihan kung bakit kailangan niyang gawin ito pero ginagawa niya pa rin dahil paraan daw ito ng panliligaw sa mga Pilipino.
Mama ni Mina: Tama na yan at kakain na tayo.
Pinunasan ni Mina ang pawis ni Tzu Yu. Pagod na pagod ito sa mga mabibigat na trabahong ni kailan ay hindi niya nagawa.
Papa ni Mina: Ako walang magpupunas ng pawis ko?
Mama ni Mina: Hay nako ikaw talaga.Napangiti naman ang dalawa nang punasan ng ina niya ang pawis ng ama niya. Nakikita niya ang kislap ng mga mata nila, naroon pa rin ang pagmamahal ng dalawa kahit pa mag tatatlong dekada na silang mag asawa.
Sa hapag, tahimik na kumakain si Tzu Yu dahil nakatitig sa kanya ang kuya’t papa ng dalaga. Hindi siya komportable sa mga titig nila.
Mina: Ano ba naman kayo! Hayst
Kuya: Ikaw ba hindi babaero? Baka paiyakin mo ang kapatid ko?
Tzu Yu: Hindi po! Loyal po ako…
Mina: tama na yan, pakainin niyo naman.Iyon na yata ang pinakamatagal na dinner ang naexperience ni Tzu Yu. Para siyang ngumunguya ng bato sa tagal niyang kumain.
Mina: Hindi ka ba uuwi sa inyo?
Tzu Yu: Uuwi na din ako maya maya, tsaka wala naman akong kasama sa bahay.
Mina: Nasan parents mo?
Tzu Yu: Nasa Taiwan pa sila. Mag isa ko lang umuwi.
Mina: Ha? Bakit mag isa ka lang e paskong pasko.
Tzu Yu: Sa amin, ordinaryong araw ang pasko. Hindi ito holiday kaya naman may trabaho pa rin ang mga ito. Umuwi ako para tuparin ang pangako ko.
Mina: Salamat sa pagpunta..naappreciate ko.
Tzu Yu: Nga pala, nabuksan mo na ba ang regalo ko?Oo nga pala! Nawala sa isipan niya ang bagay na yun.
Mina: Nakalimutan kong buksan, teka kunin ko.
Tzu Yu: wag na muna. Pag nakauwi na ako, saka mo nalang buksan. Regalo ko nga pala sayo.
Mina: May regalo ko na sa akin… sobra na
Tzu Yu: Nah.. magkaiba yan.Kinuha niya ang maliit na paper bag at kinuha ang laman nun. Isang perfume.
Mina: Aerin Ikat Jasmine? ( TWICE's Mina Fave perfume)
Tzu Yu: Binili ko yan sa store sa Taiwan. Nagustuhan mo ba?Naalala niya ang sinabi ni Jihyo noong nagvideo call sila. Perfume store ang pinuntahan niya, at ang binili niya noon ay ang hawak na niya ngayon.
Mina: Salamat….
Tzu Yu: Merry Christmas ulit. Thank you for being my girlfriend Mina..
Mina: Binigyan ko ng ultimatum ang sarili ko..
Tzu Yu: What ultimatum?
Mina: Sasagutin kita kapag dumating ka ngayong pasko. Kapag hindi, reject ka ulit sa akin.
Tzu Yu: I’m glad I came!
Mina: Tzu Yu…
Tzu Yu: Yes?
Mina: Handa ka na ba talagang maging girl friend ako? I think, I will become obsess again…I might ruin your everyday life..
Tzu Yu: Nah..I’m cool with it. Mina being obsess with me means so much to me.
Mina: Hindi lang basta obsession ‘to. Natatakot akong masaktan ka.
Tzu Yu: Wag ka ng mag alala, di ba sabi ko naman sayo, I will take care of my own heart?
Mina: Sana…sana hindi ka mawala sa akin.. Don’t be hurt okay?
Tzu Yu: Yes Ma’am ( sumaludo ito) Uuwi na ako…
Mina: Mag iingat ka ha?
Tzu Yu: Opo…Niyakap muli ni Tzu Yu ang babae at saka hinalikan sa noo. Kusa namang pumikit ang mata ni Mina at dinamdam ang puso niyang sasabog na sa sobrang saya. Parang may fireworks display sa katawan niya.
Umalis na si Tzu Yu at nagtungo siya sa kanyang kwarto. Agad niyang hinanap ang regalo sa kanya. Medium size lang ito na box na may pulang ribbon. She opened it and smiled as she saw the message.
“The best thing I ever did was that I met you” ( A line from “the best thing I ever did” by TWICE)
Mayroong necklace doon na mukhang mamahalin. Isang dyamanteng kwintas. Pero napakunot nag noo niya nang makita ang gitnang pendant. A heart shaped flash drive. Agad niya itong tinanggal. Inopen niya ang kanyang laptop at ikinonek ang flash drive.
FILE NAME: HELLO MYOUI MINA :)