CHAPTER 1

138 21 3
                                        

Isang napakaganda at masayang araw ang nagaganap ngayon sa labas ng mansion ng mga Hermosa. Sila ay nagdiwang sa unang kaarawan ng anak nila na si Letisha.


Si Letisha ay isang napakagandang bata.


A lot of people giggles for her cuteness and also compliments to her beauty.


"Naku Alison ang ganda ganda talaga ng anak mo manang mana sayo" pagpupuri ng isang bisita kay Letisha.


Hindi naman ito nakakagulat sa mga Hermosa tungkol sa angking ganda na nakuha ng bata.


Ang mga Hermosa ay kilala sa kanilang lugar dahil ni kahit isa ay walang pangit sa kanilang pamilya, lahat ng mga kadugo nila ay magaganda at gwapo. It's in their bloodline having a such wonderful beauty. Kaya palagi silang pinupuri ng mga tao.


Maraming tao ang dumayo sa selebrasyon. Lahat ng mga bisita ay mayayaman kagaya nila. Kaya napakasosyal din ng selebrayson.


Habang abala si Alison sa pagaasikaso sa mga bisita. Si Letisha naman ay hawak-hawak ng kanyang ama na si Eduard.


"Happy birthday to my one and only beautiful baby" sabi nito tsaka hinilakan ang noo ng bata, nang biglang lumapit ang isang guard sa kanya.


"Sir may matanda sa labas ng gate, nagmamaka-awang papasukin siya at manghingi ng pagkain" sabi nito.


"Manang!" tawag ni Eduard sa isang katulong "Pakihawak muna ang bata may aasikasuhin lang ako"


Naglakad na ito patungo sa gate para kausapin ang tinutukoy ng gwardya sa kanya.


"Iho papasukin niyo ako, gutom na gutom na ako, parang awa niyo na tatlong araw na akong walang kain" pagmamakaawa ng matanda sa gwardyang nakabantay sa gate.


Sobrang mabaho at maduming madumi ang matanda. May malaking nunal pa ito sa kanyang ilong. Magulo ang buhok, may maruming kuko at punit na punit na ang damit na isinusuot nito.


"Sir siya po yung tinutukoy ko" sabi naman ng isang gwardya.


"Iho ikaw ba ang nagpagawa sa selebrasyong ito? Nagmamakaawa akong sana'y bigyan mo man lang ako ng makakain o tubig, ako'y gutom na gutom na" pagmakakaawa ulit nito.


"Kumuha ka ng pagkain at tubig para sa matandang ito" utos naman ni Eduard sa gwardya.


Malaking bakas na ngiti ang ipinakita sa matanda ng marinig niya ang sinabi ni Eduard.


"Maraming salamat sa iyong kabaitan iho,tatlong araw na akong walang kain ngayo'y sa wakas ay makakakain na ako ulit salamat, maraming salamat" masayang sabi ng matanda.


Hindi parin mawala ang ngiti ng matanda.


Sleeping UglyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon