CHAPTER 6

66 2 1
                                        



Tatlong araw  na ang nakalipas at pareho parin ang mga nangyayari sa akin tuwing pasukan. Syempre papasok sa paaralan, nakikinig sa discussion, di rin mawawala ang pangbubully ni Nataly at ng mga kaibigan niya sa akin at pagkatapos naman ng klase ay didiretso agad ako sa library para maglinis . Medyo nasanay narin ako sa mga gawain ko dito lalo na sa library after class. 

At nasanay narin akong palaging  hinahatid ni Winston pauwi. 

Oo tama kayo palagi akong hinahatid ni Winston pero close lang kami kapag nasa library  at sa tuwing hinahatid niya ako pauwi. 

Hindi naman niya ako pinapansin tuwing class hours, pinapansin niya lang ako if related ito sa klase namin,  ewan ko ba sa kanya. May saltik talaga ata yun sa ulo. 

Today is Friday means weekend na bukas ,walang pasok. Nasa kalagitnaan na kami ng discussion sa last subject namin with Prof Velasco. Our lesson was all about Gods and Goddesses.  

"Okay for your assignment, I want you to pick your partner first" sabi ni Prof sa amin kaya nagsipilian na ang mga tao ng kanya kanyang partner. 

Maraming nagyaya na mga babae kay Winston na  makipagpartner sa kanya.

Balak ko sanang ayain si Duke na makipagpartner sa akin kasi siya naman talaga ang pinakaclose ko dito pero naunahan na ako ni Nataly kaya di ko na alam kong sino ang maging kapares ko.

"May partner na ba ang lahat?" 

Itinaas ko ang kamay ko kay Prof Velasco. 

"Sir I don't have a partner yet" 

"Me too sir" 

Nagulat ako sa sinabi ni Winston. Sa dinami-naming babaeng gustong makipagpartner sa kanya, tinanggahan niya lahat? Ang choosy.

"Okay Mr. Winston and Ms. Letisha, partner kayong dalawa" 

Tumango ako kay Prof saka umupo uli. Narinig ko namang patawa-tawa  tong lalaki na nasa likod ko. Baliw talaga tong mokong nato.

"So for your homework, I want you guys to research one story of any God's and Goddesses and you will present it on Monday" 

Tapos na ang klase kaya nagsiuwian na ang mga estudyante sa Hudgens High.

Bago pa ako lumabas ay nagligpit muna ako sa mga gamit ko at inilagay ito sa bag ko. Nang  lumapit si Duke sa akin. 

"Letisha" 

"Bakit Duke?" 

"Sorry ha hindi ako naging partner mo nauhan kasi ako ni Nataly bago kita ayain"

Aayain niya din pala sana akong makipagpartner. Sayang naman makakasama ko sana siya bukas . Ningitian ko nalang  siya. 

"It's fine Duke ano ka ba? It's not a big deal for me" 

"Talaga? akala ko kasi ..." 

"Kasi ano?"

"Nevermind" he  only gave me a big smile and tap my head  "Mauna na ako ha, Ingat ka pag-uwi mo" tsaka  ginulo niya naman ang buhok ko.

"Opo" hindi ko maitago ang sobrang kilig na nararamdaman ko. 

Naglakad na ako papunta sa library nang bigla akong inakbayan ni Winston di ko namalayan na nakasunod lang pala siya sakin. 

"Hi partner" 

Inalis ko ang kamay niya sa pagka-akbay sakin baka may makakita pang mga clowns niya, baka masabunutan pa ako ng walang oras. Pansin ko lang may pagkamakulit din tong si Winston kapag nasa library kami pero kapag school hours sobrang cold naman ng aura niya.

Sleeping UglyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon