CHAPTER 13

57 1 2
                                        

Napatanong ako sa sarili ko kung nasaan ako ngayon. Puro kulay puti lang ang aking nakikita sa paligid. Inilibot ko ang aking mata sa paligid at pagtingin ko sa tabi ko ay mayroong lalaking nakayuko.

"Duke?" tanong ko, dahil sa aking natandaan si Duke yung tanging na kausap ko bago ako nawalan ng malay.

Itinaas niya ang kanyang ulo mula sa pagkayuko pero nagulat ako dahil hindi ito si Duke. Lumapit ito sa akin at hinawakan ang kamay ko.

"Oh thanks god, gising kana. Are you okay?" tanong nito sa akin. Bakas sa kanyang mukha ang pagka-alala.

"I'm fine now, Winston. No need to worry" I smiled at him.

Tinanong ko siya kung nasaan ako ngayon, ang sagot niya naman ay nasa hospital ako ngayon.

"Paano mo nalaman na nandito ako?" nagtataka kong tanong sakanya. Hindi ko rin alam kung sino ang nagdala sa akin dito sa hospital after I fainted last night.

"Because I am the one who sent you here"

"How?" Kunot noo kong tanong sakanya.

"I saw you running last night habang umuulan then I saw Duke hinahabol ka niya. That's why I thought something happened kaya sinundan ko kayo. I heard everything. Nagulat nalang ako dahil bigla mong hinawakan ang ulo mo tsaka sumigaw ka at natumba sa sahig. Hindi ko natiis ang sarili ko kaya dali dali akong lumapit and I pushed Duke away. You're about to say something pero bigla ka nalang nawalan ng malay. Kaya dali dali kitang binuhat at tumakbo papuntang hospital"

So he was the man I saw who pushed Duke away last night. Nagpasalamat ako kay Winston sa pagdala sa akin dito. He rescued me for a countless times already. He also informed me na pumunta dito yung parents ko pero pinauwi niya muna para magpahinga kaya siya ang bumabantay sa akin dito.

Lumabas muna si Winston para bilhan ako ng pagkain.

While I was alone in the room, may bumabagabag sa aking mga ala-ala sa nakita ko kagabi. Bakit ito bigla bigla nalang nagpapakita sa ala-ala ko. I can't even remember kung nangyari ba talaga ito sa akin noon. Everytime the unknown memory shows, why I always saw my Mom kneeling and also that old woman. Natandaan ko ring may nagpakita sa akin pamilyar na magandang babae pero di ko matandaan kung saan ko ito nakita noon.

Nakatulala ako habang iniisip kung saan ko nakita ang pamilyar na magandang babae na iyon. Maya-maya ay nagulat nalang ako ng may kumatok sa pinto.

"Buksan mo nalang ka agad yung pinto Winston, bakit kailangan mo pang kumatok eh hindi naman naka lock yan" sabi ko pa.

Binuksan na nito ang pinto. Napangiti ako dahil akala ko'y nakabalik na agad si Winston galing sa pagbili ng pagkain at saktong gutom na rin ako. Pero nagulat ako dahil hindi si Winston ang pumasok galing sa pinto kundi si Duke.

"Why are you here?" I ask him, coldly.

"Letisha, let's talk"

Napapikit ako sa aking mata at napabuntong hininga.

"Tapos na tayong mag-usap kagabi. Kaya wala na tayong pag-uusapan pa Duke. I don't have time to hear your lies and excuses anymore. Makakalabas kana" sabi ko habang hindi nakatingin sa kanya.

"Letisha ple-"

"Ang sabi ko ay makakalabas ka na!" I exclaimed. "Pwede ba Duke?! tumigil kana please lubayan mo na ako. You have Nataly already, ayoko na ng gulo. Umalis kana bago pa malaman ni Nataly na nandito ka at baka sasabunutan niya nanaman ako"

Bumukas ang pinto at pumasok kaagad si Winstom habang may bitbit na plaatic bag. When he saw Duke's presence, he was glaring at him while clenching his fist.

Sleeping UglyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon