CHAPTER 20

82 2 0
                                    

Duke

Walong taong gulang palamang ako noong una kong nakilala si Letisha.


Nasa labas ako ng bahay noon habang naglalaro sa aking bagong bike na binili ng aking Daddy, nang may nakita akong batang babae sa napakadungis ng mukha habang naglalaro luto-lutoan. Akala ko nga ay isa siyang batang kalye. Kaya hindi ako nagdalawang isip na lapitan siya at binigyan ko ito ng panyo. Ngunit hindi niya tinanggap ang panyo na ibinigay ko, kaya ako nalang yung pumunas ng mga dumi sa mukha niya.


Nang tumagal ay pinansin na niya ako, pinasakay ko rin siya sa biskleta ko at tinuruan ko siya kung paano ito gamitin. Habang tinupi ko yung panyo ko ay di ko namalayan na mag-isang nagmamaneho si Letisha sa biskleta ko at sa kasamaang palad ay natumba ito at nasagasa sa isang malaking punong kahoy. Dali dali akong lumapit sa kanya at pagkalapit ko ay duguan na ang kanyang noo kaya natakot ako dahil hindi ko alam kung ano ang aking gagawin. Maya-maya ay may dumating na isang katulong na tumatakbo papunta sa aming direksyon  at dali-dali itong binuhat at ipinasok sa malaking mansyon. Doon ako nagulat at hindi makapaniwala na ang inakala kong batang kalye ay isa palang anak ng mga Hermosa dito sa lugar namin. Pumasok din ako sa kanilang bahay at humingi ng tawad sa kanyang mga magulang.


Kaya araw-araw ko siyang binisita sa bahay niya dahil responsibilidad kong alagaan siya kahit bata palamang ako noon ay tinuruan na ako ng mga magulang ko na magmalasakit sa ibang tao.


At dahil sa insidenteng iyon, ay doon nagsimula ang aming pagkakaibigan.


Araw-araw akong pumupunta sa bahay nila para makipaglaro kay Letisha. Pagkatapos ng pagkatapos ng klase ko sa paaralan ay didiretso agad ako sa kanila.


Hanggang sa naglabing-isang taong gulang na kami ay patuloy parin ang aming pagkakaibigan.


"Gusto kong kumain ng ice cream" nakasimangot nitong sabi sa akin.


Gabi na noong araw na iyon at nasa bahay parin ako nila dahil naglalaro kami ng monopoly. Palagi niyang sinasabi sa akin na gusto niyang kumain ng ice cream pero noong pumunta kami sa kusina at binuksan ang ref nila ay wala na itong ice cream.


Kaya may naisip akong paraan.


Lahat ng mga tao sa baha nila ay tulog na kaya napagisipan kong tumakas kami. Bawal rin kasing lumabas si Letisha sa bahay nila noon. Kaya doon kami dumaan sa slide window ng kanyang kwarto. Una akong tumalon at sumunod naman si Letisha sa akin. Pero nagdadalawang isip siya kung tatalon ba siya o hindi dahil natatakot siyang mauntog nanaman ang ulo niya. Kaya pinilit ko siyang tumalon at noong makatalon na siya ay agad ko din itong sinalo. Nagsimula na kaming tumakbo ay dumiretso papuntang plaza para bumili ng ice cream. Naglalaro din kami sa playground ng plaza sa ilalim ng gabi.


Simula noong araw na iyon ay palagi na kaming tumatakas tuwing biyernes ng gabi at pupunta sa plaza sa kumain ng ice cream at maglaro. Minsan ay naguusap-usap din kami sa mga problema namin. Palagi ko siyang binibigyan ng lakas na loob na maniwalang maganda siya dahil ang baba ng tingin niya sa sarili niya. Palagi niyang tinatanong kung bakit iba siya sa pamilya nila at baka ampon lang daw siya. Kaya binibigyan ko siya ng mga advice para tumibay ang loob niya.


Simula pa noong bata pa kami ay gusto ko na si Letisha. Gusto ko siya dahil sa kanyang kabaitan at sa kanyang magandang puso pero itinago ko lang ang nararamdaman ko sakanya dahil alam kong hindi siya maniniwala kapag sinabi kong gusto ko siya.

Sleeping UglyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon