Last subject na ng morning schedule namin. Kahit kakastart lang ng pasukan eh naglelesson na agad si Prof. Lahat ay nakikinig sa dinidiscuss ni Mr. Velasco samantalang ako ay hindi makapag focus sa discussion dahil sa sobrang ginaw ng aircon sa classroom.
Bakit ba kasi naka off shoulder ako? Kung alam ko namang ganito ka ginaw ang classroom edi nag jacket nalang sana ako.
Bigla akong kinalabit ni Duke, pagharap ko naman ay hinubad niya yung suot niyang denim jacket niya tsaka binigay sakin.
"Thank you" pasasalamat ko naman sa kanya.
Namalayan niya ata na giniginaw ako dito. Halos magiging yelo na ata ako sa sobrang ginaw dito sa classroom.
Buti nalang may savior ako. Thanks to Duke.
Sa wakas nag ring na yung bell, lunch time na kaya nagsilabasan na ang lahat.
"Ahh Duke saan ka kakain?" tanong ko sa kanya. Balak ko sanang mag-aya sa kanyang sabay kami kumain.
"Sorry Letisha hindi muna kita masasamahan, may pupuntahan lang ako. Okay lang ba sayo mag-isa?" sabi naman nito.
"o-okay lang naman"
kahit hindi naman talaga
"sige ingat ka tsaka itong jacket mo oh salamat sa pagpahiram ah" hinubad ko yung denim jacket tsaka sinauli sa kanya.
Pero di niya tinanggap ang denim jacket niya.
"Nah" he insist. " suotin mo muna yan may klase pa tayo ngayong hapon, giginawin ka nanaman. Bakit ba kasi ganyan ang sinuot mo? sige aalis na ako ha mag ingat ka rin, pakabusog ka" bago pa siya makaalis ay ginulo niya yung buhok ko.
Bago ako pumunta sa canteen ay pumunta muna ako sa comfort room syempre para umihi dahil kanina pa akong ihing-ihi sa classroom. Kasalanan to ng aircon ehh.
Pumasok ako sa isang vacant cubicle. Bago pa ako makalabas ay may narinig akong mga babae na pumasok sa CR kaya hindi muna ako lumabas di ako sanay sa ganitong senaryo , hintayin ko nalang na umalis sila.
"Nakakainis talaga yung babae na yun, kumukulo yung dugo ko sa kanya tuwing nakikita ko siya" pagsasalita ng isang babae.
Teka alam ko kung kaninong boses to ah. Boses ni Nataly. Inilapit ko ang tenga ko malapit sa pintuan para mas marinig ko ang pinag-uusapan nila.
"Nakita niyo ba siya sa classroom kanina? Ang galing umakting kunware giniginaw, para pahiramin ng jacket ni Duke" rinig ko namang boses ni Cheska.
Ako ba ang pinag-uusapan nila?
"Talaga? My god, so pathetic" kumento naman ni Andrea.
"Wait, so you mean pinahiram ni Duke yung suot niyang denim jacket kay Letisha?" gulat na tonong tanong ni Nataly sa mga kaibigan niya.
"You're right"
"WOW! Ang kapal ng mukha ng babaeng yun ha, nakakainis ka talaga Letisha bruha!" dahil sa lakas na pagsigaw ni Nataly sa CR ay natulak ko ang pintuan na tinataguan ko.
Nagulat silang tatlo nang makita nila akong lumabas.
"Speaking of the devil" Nataly gave me a death glare and then she chuckles. "Nice timing Letisha" she raised her right eyebrow and smiles bitterly towards me.
Lumapit ito sakin tsaka itinulak niya ako pabalik sa cubicle na ginamit ko kanina. Isinara nila ang pinto. Sinubukan kong itulak ang pinto ngunit hindi ito mabuksan mukhang hinarangan nila ito sa labas.
"Nataly buksan mo tong pinto please. May nagawa ba akong masama sayo? Bakit galit na galit ka sakin? Nataly please pag-usapan natin to nagmamakaawa ako ayoko ng gulo"
BINABASA MO ANG
Sleeping Ugly
De TodoAng pamilya Hermosa ay kilala sa kanilang lugar bilang mga pamilya na may angking ganda at gwapong lahi. Ngunit si Letisha Madison Hermosa ay isinumpa ng isang matanda na maging pangit dahil sa kagagawan ng kanyang ama. Sa pagdating ng kanyang ikala...