Letisha
Sa wakas naman ay dumating na ang pinakahihintay kong araw. Today is the day na papasok ako sa paaralan.
Maaga akong nagising dahil hindi ako mapakali. Sobrang excited ko ngayon. Abot langit yung saya ko lalong lalo na at makakasama ko sa parehong paaralan ang pinsan kong si Nataly.
Naligo na ako saka nagpalit ng damit since wala pang uniform eh naka casual attire lang ako. Pagkatapos naman ay humarap ako sa salamin.
Medyo naglaho ang ngiti ko nang makita ko ang mukha ko sa salamin. Paano ba naman kasi,lahat ng nasa pamilya ko puro magaganda at gwapo samantalang ako may ganitong mukha.
Ibang-iba ako sa pamilya Hermosa.
Yung kilay ko sobrang makalat at makapal. Itong ilong ko parang ewan. Itong mata ko parang tulog kahit gising na gising nako. Tsaka itong mukhang 'to tinitigyawat.
Hayst... But at least pinagpala naman ako sa katawan. Kahit papano naman ay may maganda akong height at katawan.
Naka color white high-waisted jeans ako ngayon tsaka pinaresan ko ng floral croptop na off shoulder then doll shoes. Pagkatapos kong mag-ayos agad naman akong bumaba para kumain ng almusal.
"Oh wag masyadong excited anak, kumain ka muna bago pumasok"
"Goodmorning Mommy, hindi lang po kasi ako mapakali. First time ko to eh" sabi ko kay Mommy tsaka kinain ko agad yung almusal ko.
Pagkatapos kong kumain ay lumabas na ako sa bahay at sumakay sa sasakyan papuntang school.
Pagkadating ko sa paaralan ay agad bumungad sakin ang malaking pangalan ng HUDGENS HIGH ACADEMY.
Sa ibaba ng pangalan ng school ay bubungad sayo ang malaking kulay royal blue na gate. Para kang nasa isang palasyo dahil sa ganda at laki ng paaralan na ito.
Kaya pumasok na ako saka hinanap si Nataly. Naglakad-lakad ako sa malaking paaralan para hanapin ang pinsan ko pero baka mahirapan ako sa pagnahanap sa kanya dahil sa sobrang laki ng paaralan.
Habang naglalakad medyo naiiling ako dahil ang mga tao ay tumitingin sa akin. Naririnig ko rin ang mga bulong-bulongan nila.
"Who's that cheap girl?"
BINABASA MO ANG
Sleeping Ugly
AcakAng pamilya Hermosa ay kilala sa kanilang lugar bilang mga pamilya na may angking ganda at gwapong lahi. Ngunit si Letisha Madison Hermosa ay isinumpa ng isang matanda na maging pangit dahil sa kagagawan ng kanyang ama. Sa pagdating ng kanyang ikala...