Ginising ako ni Mommy dahil tanghali na. Pero sobrang antok ko pa dahil hating gabi na akong nakauwi kagabi dahil sa celebration namin ni Winston kahapon sa perya. Sobrang napagod ata ako kagabi. Kaya sinabihan ko si Mommy na matutulog muna ako ng ilang oras pero sinabihan niya ako na naghihintay si Duke sa akin sa baba.
Napatayo ako bigla sa pagkahiga ko, nawala yung antok ko pagkasabi ni Mommy na naghihintay si Duke sa akin sa baba. Tinanong si Mommy kung bakit pumunta si Duke dito pero hindi niya daw alam kung bakit. Kaya nagmamadali akong naghilamos at nagmouthwash at agad bumuba. Nakita ko si Duke na nakaupo sa sala.
Wow Duke looks so dashing with his clothes although its just a casual attire. Mas lalo akong nafafall sa kanya. OMG.
I face him with a big and genuine smile.
"Duke bakit ka nandito?" tanong ko sakanya. Tumayo ito at lumapit sa akin saka niya ako ningitian din. "Are you free today?" he suddenly ask me.
Of course Duke when it comes to you my time is always free.
"Oo naman, I don't have any plans today" sagot ko naman sakanya.
Mas lalong lumawak yung pag ngiti ni Duke sa akin. O my god, is he asking me to hang out with him today?
"Then let's watch some movies today. Punta tayo sa sine babawi lang ako dahil hindi ko nagawang ihatid ka pauwi dahil kasama natin Winston that time. That's why I am here asking you to hang out with me. Tayong dalawa lang"
Di ko mapigilang kiligin sa sinabi niya sa akin. Makakasama ko si Duke ulit yung kaming dalawa lang. Tapos manonood pa kami ng sine. This is super romantic. I can't hold myself to blush. Sumang-ayon ako sa pagaaya niya, kaya dali dali na akong naligo dahil nakakahiyang pinaghihintay ko si Duke sa amin but he said that there's no need to rush and I should talk my time raw. But still, nakakahiya sa kanya kaya nagmamadali akong maligo at mag-ayos.
Pagkatapos kung mag ayos ay pumunta na ako agad kay Duke at umalis na sa bahay pagkatapos naming magpaalam kay Mommy.
"Sinabi ko naman sayo na wag kang magmadali diba? You can take your time Letisha and I can wait for you" he said.
"Nakakahiya kasi, kanina kapa naghihintay sakin kung hindi ako ginising ni Mommy edi mabobored ka sa kakahintay sa akin" sagot ko naman but that's only one of the reason why I was in a rush. The truth is I am so excited because today must be a special day to me. Because I am with Duke today at manonood kami ng sine together. For me, it was just like he was asking me on a date.
"Wait, did you just put some make up on your face?" nagtataka naman niyang tanong sa akin. Halata bang naglagay ako ng make up sa mukha ko? baka napasobra kong maglagay ng blush on sa cheeks ko. Bigla niya nalang pinitik yung noo.
"Why did you put some make up on your face diba allergic ka sa cosmetic products? You're so hard headed Letisha don't make me worry will you?"
I just give him a smile, hindi na ako makikipagtalo sa kanya because all I know is he will just nag me and I don't want to ruin this special day.
BINABASA MO ANG
Sleeping Ugly
AcakAng pamilya Hermosa ay kilala sa kanilang lugar bilang mga pamilya na may angking ganda at gwapong lahi. Ngunit si Letisha Madison Hermosa ay isinumpa ng isang matanda na maging pangit dahil sa kagagawan ng kanyang ama. Sa pagdating ng kanyang ikala...
