CHAPTER 11

62 1 0
                                    

Mag o-over time kaming mga drama club members ngayon sa school dahil bukas na ang presentation at dapat nang eh finalize lahat ng designs at costumes. Tsaka final rehearsal din nila Duke ngayon sa stage.

Mag-isang nagpa-practice si Duke sa script niya dahil hindi pa dumating si Nataly. Kaya lumapit ako papalapit sa pinag e-ensayohan ni Duke at nakinig sa script niya, ngunit di ko matiis na sabayan siya sa page-ensayo at gulat siyang nakatingin sa akin. 


"Wow alam mo pala yung script Letisha?" tanong niya sa akin. 


Napakamot ako sa ulo ko dahil sa hiya nang nakita niyang sinabayan ko siya sa script niya. "Ah oo naman, kasi ilang weeks ko na kayong naririnig na nagprapractice sa script niyo hanggang sa na memorize ko nalang din" pagpaliwanag ko naman sa kanya. 

Malawak na napangiti si Duke sa sinabi ko at nilapitan niya ako. 


"Kung ganon, edi sabayan mo muna akong mag practice sa lines ko habang wala pa si Nataly ikaw muna si Belle sa ngayon" 


Masaya akong tumango sa sinabi niya sa akin at nagsimula na kaming mag ensayo. Ginawa namin yung scene kung saan nagconfess yung Beast kay Beauty. 


Lumuhod si Duke sa harap ko at hinawakan niya ang kamay ko.


"Beauty, I love you. Will you marry me?"


Naga-act ako na parang nagulat ako sa sinabi niya at inilayo ang kamay ko sa pagkakapit ng kamay niya. 


"Beast, you are my best friend,"  sabi ko  "But please understand, I do not want you to marry you."  at naglakad ako papalayo sa kanya. 


Sabay kaming nagtawanan ni Duke pagkatapos naming ginawa yung scene na iyon. Pero di ko mapigilang mapaisip yung sa scene na iyon, dahil para na rin yung ako at si Duke. Ako yung Beast at si Duke yung Beauty. He can't love me back because I am his best friend. How sad right?  

Napagtanto naman naming gawin yung ending scene ng story. 


"Beauty, you have come back!" he said while lying on the ground and acting like he was going to die.


"I'm so sorry that I am late!"


"I could not bear the idea that you may not come back to me. I am afraid it is too late for me now." His eyes closed.


"No!" umiyak ako at niyakap si Duke na nakahiga sa sahig "Do not leave me!" it was written on the script that Beauty already realized her feelings towards the Beast. 


"I LOVE YOU! Please come back! If you only come back, I will be your wife."


After that the Beast finally changed to a handsome prince. 


"Beauty you did it, you broke my spell" Duke hugged me tightly then he grabs my hand. 

Sleeping UglyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon