Hinatid na ako pauwi ni Duke dahil maghahating gabi na. Madami kaming napag-usapan na kung ano anong bagay sa plaza kanina. Naglaro din kami sa playground doon na parang mga bata. Sobrang saya sa pakiramdam ang mga nangyari sa akin ngayon di lang dahil nakasama ko si Duke kundi napalakas din niya ang loob ko sa mga advice na ibinigay niya sa akin.
Nandito na kami sa entrance gate ng aming subdivision. Bago pa kami makapasok ay bumungad na agad sa amin si Nataly.
"D-duke" sabi nito
"Hey Nataly saan ka papunta? Maghahating gabi na lumalabas ka parin?" tanong naman ni Duke sa kanya habang ako naman dito ay tahimik lang baka ano pang gawin ni Nataly sa akin.
"Ah kasi hinahanap namin si Letisha tapos ngayon nakita ko kayong magkasama" hinila ako ni Nataly sa tabi niya.
"Cuz kanina ka pa namin hinahanap ng mga parents mo, sige Duke makakauwi kana ako na ang maghahatid sa pinsan ko, mag-ingat ka ha?"
"Ganun ba? oh sige mag ingat din kayo ha" ningitian ako ni Duke
"Goodnight Letisha" sabi naman nito habang nakatingin sa akin, kaya di mapakali itong puso ko sa sobrang bilis ng pagtibok. "Goodnight din sayo Nataly, una nako bye"
Nang maka-alis na si Duke ay bigla nalang akong sinabunutan at kinaladkad ni Nataly papunta sa madilim na lugar. Sobrang sakit ng pagsabunot niya sakin.
"Ikaw pangit ka! Dahil sayo nasira ang beauty rest ko dahil diyan sa kalandian mo!"
Sinampal niya naman ako ng napakalakas. Sobrang hapdi ng mukha ko.
"Ang landi landi mo. Hindi ka ba nahiya sa pagmumukha mo ha at si Duke pa talaga? Akala mo magugustuhan ni Duke ang isang katulad mo? NAPAKALANDI MONG PANGIT KA!" sinampal niya ako ulit sa kabilang mukha.
"Tama na Nataly!" sigaw ko sakanya.
Bigla nalang pumatak ang mga luha sa mga mata ko papunta sa aking mukha. Sobrang sakit ng mga sinabi ni Nataly sa akin. Sobrang nasaktan ako sa mga sinabi niyang hindi naman totoo, hindi niya alam ang buong nangyari kaya wala siyang karapatan na sabihan akong malandi.
Alam kong impossible na magustuhan din ako ni Duke pero bakit ipagmukha pa ni Nataly sa akin to?
"Sinisigawan mo na ako ngayon? Matapang ka na ha?"
"Tama na please, Nataly tama na. Ayoko ng gulo" patuloy parin ang pagbuhos ng aking mga luha. Nang bigla may sumilaw na ilaw ng flashlight sa direksyon namin.
"Letisha, Nataly anong ginagawa niyo dito?" rinig kong boses ni Daddy.
"Tito kasi may pinagusapan lang po kasi kami ni Letisha, heart to heart talk po." kinurot niya ang tagiliran ko. "Diba cuz?"
Umiwas muna ako kay Daddy at pinunasan ko ang mga luha ko at humarap ulit.
"Kayong mga bata talaga, hating gabi na lumalabas pa kayo. Nataly umuwi kana sa inyo. Ikaw naman Letisha tara na umuwi na tayo" tsaka umuwi na kami ni Daddy.
Alas 10 na ng umaga ng magising ako, pagkatingin ko sa salamin ay namamaga pa yung mga mata dahil sa nangyari sa amin kay Nataly kagabi. 1 pm kaming magmemeet ni Winston sa isang cafe sa mall ngayon. Habang maaga pa ay inihanda ko muna ang mga libro na hiniram namin kahapon sa library at inilagay ko ito sa maliit na backpack, maliliit lang naman din tong mga libro na nahiram namin.
Tanghali na kaya nagsimula na akong maligo at nag ayos. Naka white v-neck shirt lang ako tsaka high waist na maong shorts tsaka naka nike benassi duo slippers lang ako. Sa mall lang naman kami kaya masyadong casual lang yung sinusuot ko. Pagkatapos kong mag-ayos ay dumiretso na ako sa kusina para mananghalian.
BINABASA MO ANG
Sleeping Ugly
RandomAng pamilya Hermosa ay kilala sa kanilang lugar bilang mga pamilya na may angking ganda at gwapong lahi. Ngunit si Letisha Madison Hermosa ay isinumpa ng isang matanda na maging pangit dahil sa kagagawan ng kanyang ama. Sa pagdating ng kanyang ikala...
