Pagkatapos naming nagpahula kay lola ay umalis na kami sa kanyang bahay. Napagdesisyonan ko rin na uuwi na ako sa bahay namin. Gusto ko ring humingi ng tawas sa mga magulang ko dahil sa nasabi ko sakanila noong nakaraang gabi. Nadal lang talaga ako sa emosyon ko kaya nagawa kong pagsalitaan sila at hindi ako umuwi sa bahay ng walang paalam. Alam kong nag-aalala sila sa akin ngayon lalong lalo na si Mommy.
Pagkarating ko sa bahay namin ay nakita ko si Mommy na nakayuko habang nakaupo sa sofa ng sala habang si Daddy naman ay may kausap sa kanyang telepono.
"Okay, just call us if you already found her" sabi ni Daddy sa kausap niya sa telepono.
"Mommy...Daddy" tawag ko sa kanila
Pagtingin nila sa akin ay agad lumapit si Mommy sa kinatatayuan ko at agad niya akong niyakap.
"O my god Letisha, where have you been?" bakas sa mukha ni Mommy ang pagkaalala niya sa akin.
I saw my Dad calling someone again on his phone.
"Hello? There's no need to worry already, nandito na ang anak namin. Thank you for your cooperation"
Pagkatapos niyang ibaba ang kanyang telepono ay agad din itong lumapit sa akin.
"I'm so sorry about what I've said yesterday" panimula kong sabi sa kanila "I didn't intend to talk to you like that, I was just got carried away to my emotions and I'm sorry if I didn't come back home yesterday and make you both worried about me."
Hinaplos ni Mommy ang aking buhok at habang ginagawa niya ito ay may namumuong mga luha sa kanyang mga mata.
"Hindi mo kailangang mag sorry sa amin anak dahil kami dapat ang humingi ng tawad sayo. Kasalanan naming inilihim sayo ang sumpa po at naiintindihan namin kung bakit mo iyon nagawa"
"Anak..." biglang yumakap si Daddy sa akin.
"I'm so sorry, this is all my fault sana mapatawad mo ako. Hindi ka magkakaganito kung hindi dahil sa maling nagawa ko noon. I already regret on what I have done and I finally learned my mistake. Forgive me please"
I cried.
Sobrang nakakasakit sa damdamin ang marinig mo ang mga magulang mo na humihingi ng tawad sa iyo.
Tinapik ko ang likod ni Daddy at bumitaw sa pagkayak sa kanya.
"It's fine Dad, I understand" I sincerely smiled at him "Everyone has a past and we need to let go from it, atleast you already learned your mistake. Wala akong karapatan para hindi kayo patawarin dahil mga magulang ko kayo. Kung wala kayo, wala rin ako ngayon. Dahil sa inyo naging mabuti akong anak at kaibigan. Dahil sa inyo, natutunan kong magmalasakit sa aking kapwa tao"
Alam kong may dahilan sila kung bakit nila inilihim sakin ang sumpa. Kaya naiintidihan ko sila.
I love my parents and I can't hate them because they are the one who shapes me to become a better person. Kahit ibaliktad ko pa ang mundo, magulang ko parin sila.
***
Habang wala pa ang adviser namin ay nakaupo lang muna ako sa aking upuan habang nagsusulat ng notes sa ibang subjects.
Maya-maya ay dumating si Nataly at ang kanyang dalawa pang kaibigan.
Bigla itong lumapit sa aking kinauupuan at hinarap niya ako.
Sinipa niya ang paa ko gamit ang kanyang sapatos na may takong . Binalewala ko lang siya at nagpatuloy sa pagsusulat dahil ayoko ng gulo.
BINABASA MO ANG
Sleeping Ugly
RandomAng pamilya Hermosa ay kilala sa kanilang lugar bilang mga pamilya na may angking ganda at gwapong lahi. Ngunit si Letisha Madison Hermosa ay isinumpa ng isang matanda na maging pangit dahil sa kagagawan ng kanyang ama. Sa pagdating ng kanyang ikala...