CHAPTER 5

68 1 0
                                        

"Letisha, kiss me"  

"Nababaliw kana ba Winston? bitiwan mo nga ako, if you want to put on a pranks huwag sakin, hindi ito nakakatuwa" 

Sobrang higpit ng paghawak niya sa balikat ko. Napa-iyak nalang ako dahil hindi ko alam kung ano ang gagawin ko sa sobrang higpit ng pagkahawak niya, halos hindi na ako makakilos. 

"Wala ka bang utang na loob Letisha? Binigyan kita ng pagkain kahapon kaya halikan mo na ako bilang kapalit ng tulong ko sayo" 

"Ano ba? ang sakit na Winston! ano ba bitawan mo ako! Baliw ka ba?  Sa dinami-daming babae na gustong hahalik sayo bakit ako? Kung pinagloloko mo lang ako,please bitawan mo na ako bago pa kita isumbong" pinilit kong makawala sa paghawak niya sakin pero mas malakas talaga ang pagkahawak ni Winston sakin. 

"Kung ayaw mo akong halikan pwes ako na ang hahalik sayo" 

Bago pa makalapit ang mukha niya sa akin ay ginawa ko ang lahat ng makakaya ko para makawala sa pagkahawak niya sa mga braso ko tsaka ko siya itinulak.

Then, I slap him as hard as I can and hit his private part. 

"Manyak!" tumakbo na ako papalayo sa kanya. 

Nagsimula na ang first subject namin pero hindi pa pumasok si Winston baka hindi na yun nakakalakad dahil sa sobrang lakas ng pagsipa ko sa private part niya.

Hindi ako makapagfocus sa leksyon habang nagdidiscuss si Prof. Paano ba kasi nagrereplay sa utak ko yung nangyari sakin kanina. Baliw ba talaga si Winston? Eh marami namang babae nagkakagusto sa kanya. Kahapon sa vacant room palagi siyang tumatawa sa mga tanong ko tapos ngayon gusto niyang halikan ko siya? 

Psychopath ata yung manyak na yun. 

Natauhan ako bigla nang tinawag ako ni Prof.

"Ms. Letisha the guidance councilor wants to see you at the guidance office right now." 

Guidance? bakit ako papapuntahin sa guidance office? 

"Hoy may ginawa ka bang masama? bakit ka pinapunta sa guidance?" gulat na tanong naman ni Duke sakin.

Hindi ko siya sinagot at dumiretso ako papunta sa guidance office. Alam ko na kung bakit baka nireport ako ng manyak na yun. 

Ang lakas pa talaga ng loob niyang magsumbong eh siya naman yung namilit sakin. Nandito na ako sa guidance office at tama nga ako, nagsumbong talaga siya. 

Nagpaliwanag ako sa nangyari kanina sa aming guidance councilor pero hindi ito naniwala sa rason ko. That's why I was punished for accusing him that he was taking an advantage to me. And also for hitting his private part. Deserve niyang masipa sa kamanyakan niya noh.

Napagbuntong hinanga nalang ako at sumunod nalang sa kabayaran ng pagsipa ko sakanya. Papalinisin ako sa library for 2 weeks after class.

Habang naglalakad ako papunta sa canteen, ang mga tao lalong lalo na sa mga babae ay nagsisitinginan sa akin. Narinig ko pa ang mga bulong-bulongan nila. 

"Ang kapal ng mukha ,pinilit daw siya ni Winston na halikan siya kaninang umaga. Akala niya naman maganda siya eh halos hindi na nga ma eh drawing yang mukha na yan" 

"No one would believe her. Si Winston pa talaga ang pumilit sa kanya na halikan siya?  Baka siya yung pumilit kay Winston hahaha pathetic bitch" 

"She even dare to slap at kick Winston's private part mygod baka ako na ang sasampal sa kanya bilang ganti para kay Winston baby ko"

Sleeping UglyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon