Ngayon ay ang huling araw na maglilinis kami ni Winston dito sa library. Noong una ay gustong-gusto ko na talagang matapos to kaparusahan na 'to pero nang magtagal medyo na enjoy ko naman lalong lalo na sa kulitan namin ni Winston.
Ewan ko lang talaga sa lalaking yun kapag nasa classroom kami or during class hours, hindi niya talaga ako pinapansin pero kapag nasa library kami sobrang kulit naman nito.
Nasa labas kami ng library ni Winston ngayon. Kakatapos lang namin maglinis. Ewan ko ba kung bakit nalulungkot ako ngayon wala ako masyado sa mood para makipagkulitan kanina pa nga di ko masyadong pinapansin si Duke.
"Hey Letisha, okay ka lang ba? Ba't parang malungkot ka? Nalulungkot ka kasi mamimiss mo ko noh? Hindi mo na ako makakasama, hindi mo na masusolo ang isang Winston Andrew Sebastian" nagpogi sign pa ito sa harap ko.
"Wala na bang mas makapal pa diyan sa mukha mo?" Inirapan ko lang ito tsaka naglakad na ako palabas ngunit bigla niya nalang akong pinigilan sabay hawak sa kamay ko.
"Since it's our last day why don't we have a little celebration, we need to have fun after those two weeks of cleaning that damn library"
"Magcelebrate tayo? Tayong dalawa lang? Wag na tsaka maggagabi na oh baka hanapin ako ng Mommy at Daddy ko"
"Don't worry, ihahatid naman kita pauwi at isa pa kilala na ako ng Mommy at Daddy mo"
"Edi punta tayo sa peryahan"
"Okay I'm in" sagot nito sabay kindat sakin.
Hinila niya ako at kinaladkad at naglakad papuntang peryahan. Sobrang excited ni Winston ngayon, nakikita ko nanaman yung ngiti niya na minsan mo lang masilayan dahil palagi itong nakabusangot sa paaralan.
Nang makadating na kami sa peryahan ay bumili muna kami ng choco shake tsaka sumakay na kami ng ferris wheel. Mahina lang ang pag-ikot nito hindi pareho sa ibang ferris wheel na halos masusuka kana dahil sa bilis ng pag-ikot. Etong sinasakyan namin ay mahina lang, nang nasa taas na kami ay makikita mo ang napakaganda ng buong tanawin. Ang gaganda tingnan ng mga ilaw at puno.
"Wow ang ganda!" Nakakamangha talaga ang ganda na mga gawa ng Diyos noh?
"Ang ganda mo nga" komento naman ni Winston.
"Pinagsasabi mo Winston"
"Ang sabi ko ang ganda mo"
Napa-ilang dilat ako sa sinabi niya at mabilis ko ring ininom yung choco shake ko at napatawa ako bigla.
"Loko loko ka talaga noh"
"Do you really like him?" he asked out of nowhere and I know who is he referring to.
"Oo naman, hindi ko na nga ata siya gusto eh mahal ko na ata siya. Pero impossible namang magkakagusto din siya sa akin diba? Baka kung sasabihin ko yung nararamdaman ko sakanya, iiwasan niya lang ako. That's why I just keep it as a secret. Ayokong masaktan and I can't also lose our friendship" mapakla akong ngumiti habang tumingin sa tanawin.
BINABASA MO ANG
Sleeping Ugly
RandomAng pamilya Hermosa ay kilala sa kanilang lugar bilang mga pamilya na may angking ganda at gwapong lahi. Ngunit si Letisha Madison Hermosa ay isinumpa ng isang matanda na maging pangit dahil sa kagagawan ng kanyang ama. Sa pagdating ng kanyang ikala...
