CHAPTER 8

63 2 3
                                    

Napag-usapan namin ni Winston kahapon na maaga kaming papasok sa paaralan para kunin yung frame na nasa hideout place nilang magkakaibigan. Hindi na ako nag almusal dahil baka malalate pa ako lalong lalo na't mabagal akong kumain. Dumiretso agad ako papunta sa Hudgens High.


Pagkadating ko naman ay agad kong nakasalubong si Winston at dumiretso na kami sa room kung saan nakatago yung picture frame na nakita namin noong unang pasukan.


"Nahanap ko na yung frame Winston" agad ko itong kinuha at nilinisan muna dahil napapalibutan ito ng makakapal na alikabok. 


Parang kakaiba talaga ang pakiramdam ko tuwing nakikita ko itong picture frame na ito. Hindi ko alam kung bakit pero sa tuwing nakikita ko 'to ay bumibigat ang pakiramdam ko. 


Habang pinagmasdan ko ang litrato na nasa picture frame na hinahawakan ko. Bigla nalang sumakit ang aking ulo. 

Napapikit ako sa sobrang sakit  ng aking ulo. 

"Ahhh" habang nakapikit ako  ay may mga pangyayari na nagpapakita sa isipan ko. 


Nakita ko ang Mommy ko na lumuluhod na parang nagmamaka-awa habang may bitbit na babaeng sanggol si Daddy. Maya-maya'y may nagpakita namang isang matandang babae na kinaladkad ng mga gwardya palabas ng gate. Nakita ko ang mga mata ng matanda, may bakas ito ng galit at parang may tinitigan itong tao.


"Letisha, okay ka lang ba?" pagdilat ko sa aking mga mata ay nakita ko si Winston sa aking tabi.


"Anong nangyari sayo? bakit ka namumutla at pinagpawisan?" 


"Okay lang ako" agad akong tumayo at lumabas na sa lugar na ito. 


Habang naglalakad kami ni Winston ay bigla nalang  nanghina ang mga paa ko at napatumba ako sa sahig. 


"Letisha!" 


Dali dali akong binuhat ni Winston,sobrang tamlay at nanghihina ako. Nakakapit ang mga kamay ko sa balikat ni Winston na tumatakbo habang buhat-buhat ako. 


"Make way everyone!" sigaw niya sa mga obang estudyante na nakapaligid sa daanan. 


"O my god anong nangyari sa kanya, bakit buhat buhat siya ni Winston?" 


"What's happening? Si Winston yan diba? Is that his girlfriend?"


Nakita ko ang mga tao na gulat na gulat at nagtataka kung ano ang nangyayari. 


"Winston okay lang ako, ibaba mo na ako. Kaya kong maglakad mag-isa" mahina kong sabi sakanya 


"No, you're not okay Letisha. You're sick, ihahatid kita sa clinic" 


Pagkarating namin sa clinic ay agad niya akong pinahiga sa bed ng clinic  at agad lumapit ang school nurse sa akin at ichineck ako.  Maya- maya ay bigla nalang akong nakatulog. 

Sleeping UglyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon