"Letisha mamili ka kung kanino ka sasama pauwi" sabi ni Winston sa akin.
"Ako o si Duke?"
Hindi ako makapagdecide kung kanino ako sasama.
Gusto kong sumama kay Duke pauwi pero ang unfair din naman nito para kay Winston dahil siya ang kasama ko buong hapon. Hindi ko talaga alam kong kanino ako sasama pauwi.
Biglang nagring ang cellphone ni Duke.
"Excuse me for a while, sasagutin ko muna tong tawag ko"
Dumistansya muna papalayo si Duke sa amin para sagutin yung tawag.
Hinawakan ni Winston ang kamay ko sabay hila sakin.
"Letisha, let's go sa akin sa sasama dahil ako ang nag-aya sayo dito"
"Pero Wins-"
"Guys" tawag ni Duke sa amin. Medyo seryoso yung mukha niya, sino kaya yung kausap niya sa cellphone?
Hiniwakan ni Duke ang aking magkabilang balikat.
"I'm sorry Letisha hindi muna kita mahahatid pauwi. Something urgent came up and I need to go quickly. Sumama ka nalang kay Winston. I'm so sorry"
Balak ko na sanang sumama sa kanya pero medyo late na akong nakapagdecide. Ngumisi ako tsaka tinapik yung balikat niya.
"Sige okay lang sa akin yun Duke. Sige punta kana sa pupuntahan mo emergency yan diba. Mag-ingat ka ha"
"Ikaw rin mag-ingat ka"
"Eh wala kanaman pala pre eh" pagsasabat naman ni Winston.
"Maswerte ka lang ngayon dahil may emergency ako. Ingatan mo pauwi tong kaibigan ko. Kung may mangyayaring masama kay Letisha lagot ka sakin" pagbabanta ni Duke habang si Winston naman ay nagpapanggap na takot siya.
"Nakakatakot ka naman pre? Kung makapagbanta ah. Ano ako personal guard ni Letisha? Isa pa sinisigurado kong walang mangyayaring masama kay Letisha"
Pagkatapos ay naglakad na palayo si Duke at kami naman ni Winston ay pumunta papunta sa parking area ng mall kung saan naka park yung kotse niya.
Habang nasa kotse kami ay hindi ko na kinausap si Winston dahil wala ako sa mood makipag-usap. Medyo disappointed ako sa nangyari kanina kahit wala namang kailangang ikaka-disappoint dahil emergency naman yung pupuntahan ni Duke.
Ewan ko ba bakit ako nadismaya? Ganito ba talaga kapag gusto mo yung tao? Nakaharap lang ako sa window side ng kotse ni Winston, tumitingin sa mga lugar na dinadaan namin.
"Oh bakit nakasimangot ka diyan?" pagpuputol ni Winston sa katahimikan.
BINABASA MO ANG
Sleeping Ugly
AcakAng pamilya Hermosa ay kilala sa kanilang lugar bilang mga pamilya na may angking ganda at gwapong lahi. Ngunit si Letisha Madison Hermosa ay isinumpa ng isang matanda na maging pangit dahil sa kagagawan ng kanyang ama. Sa pagdating ng kanyang ikala...