Hindi mawala-wala sa pag-iisip ng mag-asawa ang nangyari sa kanila noong ika unang kaarawan ni Letisha.
Naging trauma ito sa kanila, kaya noong ika dalawang taong kaarawan ng bata ay hindi muna sila nagkaroon ng malaking selebrayson.
Ngunit ang nakapagtataka ay walang nag-iba sa mukha ng bata. Napakaganda pa rin nito na parang manika.
"Parang hindi naman pala totoo yung sumpa na ginawa ng dyosa sa anak natin mahal kaya wala na tayong ipag alala" sabi ni Eduard habang hinihimas ang likod ng kanyang asawa.
"Paano ako hindi mag-aalala ha? Paano kung sa susunod na taon mangyayari na ang sumpa na sinabi ng dyosa na iyon? Kung binigyan mo nalang ng pagkain yung matanda edi sana'y hindi ito mangyayari sa atin" umiiyak na si Alison dahil sa pag-aalala niya sa kung ano ang mangyayari sa kanyang anak.
"Kasalanan ko na ngayon? Yun ba ang ibig mong sabihin? Ginawa ko lang naman yun dahil sagabal yun sa mga bisita natin Alison nakakahiya sa mga bisita natin na magpapasok at magpapakain tayo ng taong grasa" rason naman ni Eduard sa kanyang asawa.
"Hindi talaga kita patatawarin kung may masamang mangyayari man sa anak natin. Hinding hindi kita mapapatawad".
-
Pagkalipas ng apat na taon, anim na taong gulang na si Letisha at nangyari na ang hindi nila inaasahang mangyayari sa anak nila.
"Ahhhhhhh" biglang sumigaw ang bata sa nakita niyan repleksyon ng kanyang mukha sa salamin.
Agad namang lumapit ang mag-asawa patungo sa kanilang anak at laking gulat nila sa kanilang nasilayan.
Dahil ang napakagandang mata ng bata ay unti-unting nagbago kung noon ay may double eyelid ito, ngayon ay naglaho na.
Ang makapal at mahabang pilok naman nito ay nagbago narin. Naging manipis at maiksi na ito.
Naglaho ang magandang porma ng kilay ng bata at naging mas makapal at makalat pa ito.
"Oh my god Eduard! Look what happened to our daughter at sasabihin mong hindi yun totoo dahil walang nangyari sa anak natin. Tingnan mo ngayon si Letisha"
Hindi nakapagsalita si Eduard sa kanyang nakita. Hindi niya akalain na maging totoo pala ang sumpa sa anak niya.
"Mommy what happen to my face?" Tanong ng bata sa Mommy niya.
"Nothing baby, maybe it's just an allergy that's why your face become like that"
Alison lied to her daughter para hindi mag-alala ang bata.
-
After 11 years...
BINABASA MO ANG
Sleeping Ugly
RandomAng pamilya Hermosa ay kilala sa kanilang lugar bilang mga pamilya na may angking ganda at gwapong lahi. Ngunit si Letisha Madison Hermosa ay isinumpa ng isang matanda na maging pangit dahil sa kagagawan ng kanyang ama. Sa pagdating ng kanyang ikala...
