KABANATA 4

52 4 14
                                    


***

(Note: Bigyan naman natin ng P.O.V si Arexon. Tingnan natin kung ano ang mga hinaing niya :D )

***

Arexon's P.O.V

Iika-ika akong tumayo para sundan ang maingay na babaeng iyon kahit sobrang sama ng pakiramdam ko at masakit yung bahaging nasaksak. Peste lang talaga, naka ganti pa ang mga hinayupak na yun. Akala ko umalis na yun dito sa lugar na to eh. Bumalik pa pala.

Hindi pa ako nakalabas sa kwarto ay nakarinig na ako ng malakas na mga putok. Kung di ako nagkakamali ay putok yun ng baril.

Pansamantalang nalimutan ko yung sugat at sakit ko at nagmamadaling makalabas.

Naabutan ko lang na kinaladkad si Bea ng dalawang tanod na may hawak na baril.

"Hoy!! Saan niyo dadalhin ang babaeng yan?"
Tanong ko kaya natigil sila at humarap sa akin. Binitawan din nila si Bea na ngayon ay walang imik habang nakatulala sa apat na lalaking nakahandusay sa kahoy na sahig ng kubo at naliligo sa sariling dugo.

"Oh, may kasama ka pala dito eneng. Hijo, kaano-ano mo ba ang babaeng to? Bakit mo siya pinabayaan?"
Hindi ako nakasagot sa tanong nung tanod. Bakit parang showbiz sila kung makatanong.

"Kung wala kang sasabihin eh mas mabuti pang dalhin na namin itong babae. Mukhang may trauma pa yata eh."
Sabay nila itong binuhat kaya natataranta na ako.

"Ahh.. a-asawa ko ho yan. May sakit kasi ako kaya hindi ko siya naipagtanggol."
Nagkatinginan naman yung dalawang tanod at sabay na ngumisi.

"Oh sya. Pasensya na kayo sa abala. Tatawag lang kami ng kasama para linisin ang kalat dito. At salamat na din, nahuli na rin ang mga nanggugulo dito sa Isla Ligaya. Matagal na naming hinahanap ang apat na yan."

Pagkasabi ay nilisan na nila ang kubo kaya nilapitan ko si Bea na nanginginig pa.

"Hoy babae! Tumayo ka dyan."
Wala siyang imik. Nanatili parin siyang nakatulala kaya hinila ko siya palabas ng kubo at dinala sa may duyan doon sa bakuran at pinaupo.

"P-patay na y-yung apat diba?"
Maya-maya ay tanong niya. Napahinga naman ako ng malalim.

"Oh.. Nagsalita ka rin sa wakas."

Sa loob ng halos isang buwan na paninirahan ko ng mag-isa dito ay nasanay na akong walang kausap. Pero minsan talaga nakakabaliw. May mga pagkakataon na kinakausap ko yung mga nadaang palaka, kuliglig, kulisap at mga insekto.

Hindi ko alam kung anong gustong mangyari ni papa sa akin. Balak niya ba akong baliwin?

Kung wala siguro akong natagpuan na seedlings ay baka nabaliw na ako sa sobrang boredom.

Ang daming mga bagay na nakasanayan ko na di ko na nagawa. Na-miss ko na din yung dati kong buhay na puro kalokohan ang ginagawa ko. Sa sobrang tagal ko ding di nakikipaglaban, ayun nasaksak pa ako. Punyeta!

At talagang hindi ko alam anong ginagawa dito ng babaeng yun. I mean, I don't know what's going on on that old man's mind na talagang bumili pa siya ng babae para maging kasama ko.

"Hoy! Kumusta na ang pakiramdam mo? Yung sugat mo? Masakit pa ba?"
Nilingon ko si Bea na mula sa pagkabigla ay napalitan ng pag-aalala ang mukha.

Hindi ko na siya sinagot. Pumasok na ako sa kubo dahil umiikot na naman yung paningin ko.

Mas sumama pa yung pakiramdam ko ng masilayan ang bangkay sa loob.
Damn!

Bago pa ako natumba ay may umalalay na sa akin.

Sold to a Poor GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon