KABANATA 10
Kasalukuyang nagre-review si Nixxon ng mga pipirmahang papeles para sa bagong project na inilunsad ng kompanya ng pumasok si Henry. Hindi pa niya ito napansin kaya tumikhim ito dahilan para mabaling doon ang atensyon niya.
"Oh, Henry? What brought you here?"
Huminga ito ng malalim bago nagsalita."Sir, wala ka pa bang balak na pabalikin si master Arexon sa mansion?"
Naging atentibo siya sa sinabi nito at binitawan ang kaninang hawak na fountain pen."At bakit ko naman gagawin yan?"
"Sa tingin ko nagbago na si master."
Tumayo siya at lumipat sa harap ng kanyang glass table kaya magkaharap sila ngayon ni Henry."I was there the past week. And he screwed."
Walang buhay na sabi niya.
He was disappointed of what happened. Ang inaakala niya ay hindi kayang tagalan ng kanyang anak na may kasamang babae sa isang lugar pero mali pala ang pagkakakilala niya sa anak.After what happened sa mag-ina niya ay hindi na niya kilala ang anak na lalaki dahil naging malayo ang loob nila sa isa't isa.
"Anong ibig mong sabihin?"
Tanong nito pero hindi na niya nais na sagutin."Basta, hangga't wala siyang mapapatunayan sa akin, mananatili siya sa isla. For the meantime, check him and Bea every now and then. Hindi natin sigurado kung ligtas sila sa lugar na iyon kahit nakasarado yun.
Ayaw kong mangyari muli ang nangyari noon. Keep an eye on them."
BINABASA MO ANG
Sold to a Poor Gangster
RomanceA prodigal, spoiled, gangster son. That's how Arexon Vergara's father describe him. And afraid that his son will die being a spoiled brat, he took everything from him. He want his son to learn how to live on his own so he throw him in a place where...