KABANATA 20

58 5 2
                                    


Beatrice's POV.

SMALL word indeed!

In that span of time, we were reunited unexpectedly.

It's been two months and it took few negotiations after napapayag ni Lola si papa at mama na sumama kami sa kanila. Kaya nandito na kami ngayon sa Camiguin. The place where they said that they grow.

Huminto ang sinakyan naming van sa harap ng malaking bahay na may puting pintura. Mataas ang bakod nito na yari sa bakal na kinulayan ng chocolate brown.

Mula sa espasyo ng bakod ay makikita ang loob ng bahay na napapalibutan ng mga tanim na hindi namumulaklak.

"Let's go inside?"
Naantala ang ginawa kong paghanga sa bahay ng ayain kami ni Lola Annie na pumasok sa loob.

Tumingin ako kina papa at mama at tumango lang sila tsaka sumunod na kay Lola Annie papasok sa kabahayan.

"Mama, gusto ko lang linawin na kaya kami sumama dito dahil gusto naming marinig ang nais mong sabihin. You wouldn't tell us back when we were still in Valencia despite everything. But we won't stay long."

Sabi agad ni mama ng makapasok kami sa loob at makaupo sa sofa set na nasa salas ng bahay.

"I know, Bianca." Lola said. Malungkot ang mga mata nito pero ngumiti parin siya sa amin. "I know the mistakes me and your father did. At gusto kong ipaliwanag sa inyo ang lahat."

Tumayo siya habang nakapaskil parin ang ngiti sa labi.

"But before everything, ipaghahanda ko muna kayo ng makakain. Meanwhile,-" humarap ito kay mama. "-you can tour them around our house. And I know you miss your old room."
Sabi pa nito bago kami iniwan na tatlo.

...

"Well, I don't know where to start. Kaya magtanong nalang kayo kung anong nais niyong malaman."
Nasa hardin kami ng mansyon at kakatapos lang namin mananghalian after mama show us around.

"Umm, pwede po bang maglibot-libot muna ako? I mean, kung okay lang na hindi na ako sumali sa usapan?"
I ask out habang tumingin isa-isa sa kanila. I know this is a family talk pero mas mabuti siguro kung sila nalang muna ang mag-uusap. Hindi rin naman ako makakarelate.

And I also can't seem to focus. Masyado akong namangha sa paligid lalo na sa likod na parte ng mansyon.

"Okay, hija. Just call anyone around if you need something."
Ngumiti ako sa kanilang tatlo bago sila iniwan.

Agad akong bumalik sa likod ng bahay kung saan may bakal na duyan na napapalibutan ng mga bulaklak.

The place is like a paradise. Well trimmed ang mga santan na nagsisilbing bakod sa pinaka garden. Sa loob naman niyon ay may mga pots na may ibat-ibang bulaklak na nakahanay at naka arrange ng may desinyo.

Naaalala ko tuloy ang kubo kung saan may mga tanim ring bulaklak.
At hindi mapigilang sumagi sa isip ko si Rex.

Kumusta na kaya yun?

Kinahapunan ay nagtungo kami sa hospital kung saan naka-confine si lolo. Naabutan naman namin ito na nanonood ng TV.

"Greg.."
Tawag ni lola dito. Lumingon naman ito at ng makita si mama ay agad itong bumangon kahit may nakakabit pa na aparatu sa katawan niya.

Inalalayan naman ito ni lola. Pati si mama ay lumapit din. Kami naman ni papa ay magkatabi na nakatingin sa kanila.

"A-anak. Bumalik ka."
Madamdaming sabi ni lolo at mahigpit na yumakap kay mama.

Sold to a Poor GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon