KABANATA 22

19 1 0
                                    

Hello guys! It's been a reaaaaallly looooong while. Grabeng pag hiatus ginawa ko. I was always hoping to get back on tracks but sad to say, I still have a lot of school works to do first. And since bakasyon na, HOPEFULLY, matutuloy na ang updates. Thank you so much to those who waited and I am very sorry for keeping you waited..

***

KABANATA 22

Beatrice's POV.

Wala sa sariling umuwi ako sa araw na iyon. Naabutan ko si Tito Nixxon sa hardin na malalim ang iniisip at bakas parin sa mukha nito ang lungkot.

Gusto ko sana siyang lapitan pero baka kailangan niya ng oras para mapag-isa kaya hinayaan ko nalang.

Sa kwarto ko lang ako namalagi habang hinihintay na dumating sila mama at papa galing sa office.

I did my assignments and it took an hour to finished it. Pagbaba ko, madilim na sa labas pero wala parin sila mama.

Paglabas ko ay nandoon parin si tito. Tulala at nakatingin lang sa kawalan.

"Tito..."
Mahinang sambit ko ng malapitan siya. Naisipan kong kausapin na muna sya baka sakaling ma divert yung attention niya.

"Oh.. Bea, nandito ka na pala."
Maliit na ngiting tugon niya sa akin. Umupo ako sa tabi niya.

"Ah... Opo, kaninang hapon pa po. Di pa po kayo papasok sa loob, tito? Malamig na dito sa labas baka po sipunin kayo."

Umiling lang sya at nagbuntong-hininga. Napagaya na din ako sa kanya sa di malamang kadahilanan.

"I miss my son... I miss my family."

Wala akong maapuhap na sasabihin kaya tinapik ko nalang ang balikat niya.

"Ako na yata ang pinaka malas sa mundong ito. I couldn't protect my family. Kahit isa sa kanila, wala akong naisalba. Lahat sila, nawala sa akin."

Walang bakas ng luha ang mata niya pero dama ko kung gaano siya nasasaktan sa mga nangyari. Kahit sino naman siguro, pag mawala ang pamilya mo at wala ka man lang magawa para pigilan yun, di mo talaga maiwasang sobrang masaktan.

"I wish, I could save them. Sana nandito pa sila ngayon. Kung bakit kasi hindi ko man lang sila nasagip. I am very worthless."

Niyakap ko agad si tito ng sabihin niya iyon.

"Tito, hindi... Hindi mo kasalanan kung bakit nawala sila. It's the bad people who wanted to ruin you. Sila yung may kasalanan. Dahil sa inggit nila kaya nila nagawa yun. Hindi mo po kasalanan tito."

Umiling-iling lamang sya at panay ang kanyang sisi sa sarili.

I felt utmost sympathy for him. I lost for words. Kahit anong sasabihin ko, alam kong hindi nun mapapawi ang sakit na naramdaman niya ngayon.

Suddenly, Yuseph's face cross my mind.

What if... what if Arexon is really alive? What if Yuseph is Arexon? Paano kung siya nga ang anak ni tito at nagkataon lang na wala syang maalala?

What if after the incident, he survived instead and was sent to this place?

"Tito... May sasabihin sana ako..."

I came to realize that tito Nixxon should know this. He's the father of Arexon at mas higit na kilala niya ito.

If ever Yuseph and tito meet, there could be a posibility for them to recognize each other.

Akmang magsasalita na ako ng dumating sina mama at papa. They have both a bothered expression.

"Nixxon, we need to talk to you about your company. It's urgent."

Sold to a Poor GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon