KABANATA 21

12 3 5
                                    

Sorry for the very very very looooooooooong wait. Hopefully this day and forward, I'll be able to make updateS. In God's will. Until then, enjoy and thank you for waiting. 💚

***

BEATRICE'S POV.

Maaga akong nagising kesa nakasanayan ko na alas sais. Alas singko pa kasi at mulat na mulat na ako. Medyo excited na kabado sa unang araw ko sa bagong unibersidad. Shet!! Sana magkaroon na ako agad ng kaibigan.

Ayoko maging loner. At sana walang bully.

"Hija! Come here and eat your breakfast. Ngayon na ang pasok mo diba?"

I greeted mama a good morning bago dumulog sa hapag. Alas sais na ng matapos ako sa paghahanda kasama na ang paliligo at bihis.
"Si papa po at Tito? Tsaka sina lolo at lola?"

Si mama lang kasi ang nandito sa dining. Usually naman, sabay kaming lahat na kakain.

"Ayun tulog pa. Puyat yata kagabi dahil magdamag na nagkwentuhan."

Sagot ni mama habang ipanagsandok ako ng kanin at ulam.

"Eh? Masama po kina lolo ang magpuyat. Bakit niyo po pinayagan?"

"Hayaan mo na. Minsan lang naman yun. Anyway, ihahatid ka pa ba namin?"

Umiling ako at nilunok muna ang laman ng bibig bago nagsalita.

"Hindi na po mama. I can manage."
I said and smiled.

After eating my meal, nagpaalam na ako kay mama na aalis. Still, tulog pa yung ibang tao sa bahay.

Napailing nalang ako.
Nang makalabas sa village na kinaroroonan ng mansiyon nina lola ay nag-abang na ako ng masasakyan patungo sa university.

Tama namang may humintong jeep kaya agad akong sumakay. Kaso nga lang sobrang siksik na.

Kakasimula palang ng araw, parang maghapon na akong nakipagbakbakan dahil nagusot at napawisan na yung uniporme ko. Ngayon pa ba ako mag inarte? Eh gantong-ganto din naman ang sistema ko noon bago ko natagpuan sila mama. Mas malala pa nga eh.

Mabilis ang takbo ng jeep kaya wala pang kinse minutos ay nasa tapat na ako ng unibersidad.

"Manong bababa po!"
Pucha lumagpas pa ng ilang metro. Kanda busangot tuloy ang mukha ko ng bumaba.

"ID miss.."
Pinakita ko agad yung ID ko sa nakaabang sa gate. Hindi siya guard, student yata. Hinuha ko ay isa to sa student council at naatasang mag check sa mga estudyante na papasok.

"Cute mo, Beatrice. Transferee ka?"
Alanganing ngumiti at tumango lang ako.

"Ako nga pala si Russel. P.I.O ng SSC."

"Ahhh.. Okay."

Tanging sagot ko nalang at mahinang hinablot na yung ID ko na hawak niya parin. Mukha naman siyang mabait. Mabait sa lahat ng babae.

Tsk.

Nagmartsa na ako para tunguhin ang una kong klase na may kalayuan pa ang building.

Tamang dating ko ay kakapasok lang din ng guro. Halos magkasabay lang kami kaya napansin niya ako.

"Hello miss.. "

"Gonzales po, mam."

"Oh.. Hi dear! Ngayon lang kita nakita sa campus. Bago ka ba?"

Tumango lang ako at ngumiti.

"Nice. May mga transferee pala tayo. Okay, take your seat. We are going to start our lesson."

Sold to a Poor GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon