Beatrice's POV.
...
Pakiramdam ko nasa isa akong fairy tale. Yun bang inaalila ako tapos darating yung Knight in shining armour ko.
Kaibahan lang eh piko yung hawak niya na may kalawang pa at tuyong lupa.
"Waaaah! Arexon... Buti dumating ka!"
Mangiyak-ngiyak na sabi ko at agad tumayo tsaka nagtago sa likod ni Rex.Ugh! Haba ng Arexon, ayan Rex nalang. TeREX. RAWR!!
"Bata, ipaubaya mo na sa amin ang magandang binibini na iyan."
Napahigpit yung kapit ko sa damit niya nung nagsalita yung isa sa apat na mga manyakol na tigang na manong."Walang magandang binibini dito mga manong kaya umalis na kayo."
Mahinahong sabi ni Rex habang pilit tinatanggal yung kamay ko na nakahawak sa pantalon niyang malapit ng mahubad.Shit! Wala pala siyang shirt. Pantalon pala nahawakan ko.
Pero ano daw? Walang maganda? Ibig niya ba sabihin nun eh panget ako?
"Anong wala?! Eh magandang binibini yang nasa likod mo."
Sabi pa nung isa at agad naman akong naka realized."Lah.. Arexon, tama kaya si manong. Magandang binibini ako."
Nilingon niya ako at sinamaan ng tingin. Tapos maya maya ay umalis siya sa harap ko."Sige manong. Tangayin niyo na yan. Di ko naman yan kilala."
What the fuck!!
"Anong.. Hoy!! Baka nakalimutan mong pag-aari mo ako Arexon."
Wait.. Tama ba yung sinabi ko?
Peste! Hindi niya man lang ako nilingon.Natulos nalang ako sa kinatatayuan habang tinatanaw ang likod ni Arexon na papalayo.
Waaaah!! Noooo!
"Ano miss... Tara na.."
Bago pa man ako mahawakan nung manong ay may humila na sa akin at the next thing I know is like a movie."Owwww! Ang sakit nyan manong. Sapol sa tiyan."
Komento ko ng tadyakan ni Arexon yung bungal na manong sa tiyan kaya napahiga ito sa damuhan."Gago kang bata ka!"
Nanlaki ang mata ko ng tumakbo palapit kay Rex yung isang manong na kalbo na may hawak na sanga ng kahoy at ipupokpok kay Rex pero walang hirap na sinangga niya lang ito. Napunta to sa kamay niya at siya ang pumokpok dun sa kalbo kaya nawalan ito ng malay.Waaaah! Ang galing niya!
Parang sina Jet Li lang. Ang galing makipaglaban.Napapalakpak pa ako pero natakot ako ng sabay na umatake yung dalawang naiwan na may hawak na patalim.
"Halaaaa... Arexon... Mag-iingat ka."
Sabi ko pero ako lang yata nakakarinig nun.Gaya ng nauna ay sinalag niya lang ang atake ng dalawa at tinadyakan at pinagsusuntok niya sa mukha ang mga ito hanggang sa nawalan din ng malay.
"Idiots. Stupid sons of bitches."
Mura niya at naglakad na palagpas sakin. Ni di manlang ako tinapunan ng tingin.Sumunod na agad ako sa kanya pagkatapos bibigyan yung nakabulagtang manong ng tig-iisang tadyak.
"HA! KALA NIYO AH! SALAMAT SA PAPURI PERO DI NIYO MAKUKUHA AKING PURI."
Madamdamin kong pagmo-monologue at patakbong sumunod kay Arexon sa kubo."Hoy!! Hintayin mo ako my knight in kinakalawang na piko."
Tumigil naman siya ng makarating siya sa gate at humarap sa akin tsaka ako sinamaan ng tingin. Napaurong nalang ako at hindi agad tumuloy na lumapit sa kanya.
BINABASA MO ANG
Sold to a Poor Gangster
RomantizmA prodigal, spoiled, gangster son. That's how Arexon Vergara's father describe him. And afraid that his son will die being a spoiled brat, he took everything from him. He want his son to learn how to live on his own so he throw him in a place where...