KABANATA 13

40 3 0
                                    


KABANATA 13

Beatrice’s P.O.V.

Ilang minuto na ang lumipas mula ng lumabas si Rex pero hindi pa rin kumibo itong kaharap ko. Nakatitig lamang sa akin na ewan mo kung anong nais sabihin.

“Ahh.. s-sir, amm.. Ano po yung pag-uusapan natin? Ano pong tungkol sa mga magulang ko?”
Pagbasag ko sa katahimikan kaya tumikhim naman siya at nilahad yung palad sa harap ko.

“First of all, I’m Nixxon Vergara. Arexon’s father. And I am glad to finally meet you hija.”
Tinanggap ko yung kamay niya at ginantihan yung ngiti niya ng awkward smile. 

“Same to you sir. Kamukha mo po si Arexon.”
I said as a matter of fact. Ano kayang technique para maging photocopy mo yung anak mo no?
Este, di pala yan ang issue dito.

“Yeah.. I’ve heard that a lot of times. And you as well look like your mom and dad.. Hating-hati mo yung mukha nila.”
Nakangiti pa rin niyang sabi tapos niyakap ako ng mahigpit.

“I fail to keep you as I’ve promised. Pero ngayon ay gagawin ko na dahil nahanap na rin kita sa wakas.”
Naguguluhan ako sa mga sinabi niya kaya agad akong kumalas sa pagkakayakap niya at itanong ang mga bagay na noon pa tumakbo sa isip ko.

“Nitong bago ko lang po nalaman na yung kinalakihan kong magulang ay hindi ko pala tunay na kadugo. Tapos bigla nalang may sumundo sa akin, dinala ako dito hanggang sa natanggap ko yung sulat na galing sa inyo. Ano po bang kaugnayan ninyo sa akin?”
Umayos na rin siya ng upo at mula sa dala niyang case ay may kinuha siyang brown na envelope na nilapag sa kahoy na mesa. Tinulak pa niya ito palapit sa akin pero nananatiling nakatingin lang ako dito.

“Your parents are friends of mine. Mula nung college, kaming tatlo na ang magkasama.”
Panimula niya kaya niyakap ko ang aking sarili dahil mukhang kakailanganin ko to ngayon.

“Until we graduated and find a stable job, magkaibigan pa rin kami. But I know ahead na yung mama at papa mo ay higit na sa pagkakaibigan ang relasyon. Hindi naman nila yun tinatago sa akin dahil bukod pa sa akin, wala nang nakakaalam sa kung ano mang meron sila.”

“Ibig po ba sabihin, hindi legal yung relasyon nila? Bakit po?”
Tanong ko kasi anong klase ba naman yun? Tatlo lang silang may alam about that? Pwede ba yun?

“Sad to say but yes. Your mom belongs to upper class society. She’s an Ayala afterall, isang tagapagmana. Meanhwile, your father is just an ordinary guy. Nung araw na ipapakilala na sana ni Bianca si Patricio sa mga magulang nito ay parehong araw na in-announce din nila yung arrange marriage namin ni Bianca.”
Natutop ko ang aking bibig dahil sa narinig.

“Pero bilang kaibigan nila, I tried convincing both parties na e cancel yung engagement pero wala akong nagawa. Instead, Bianca and me pretended na nagkamabutihan na kami without our parents knowing that I’m helping both of my friends para maipagpatuloy yung relasyon nila. Kaya kapag nagka-problema yung dalawa, sa akin agad tatakbo.”
Napangiti siya habang nagkukukwento at pati ako ay napangiti na rin. I should thank this man for helping my parents a lot.

“Sometime between, dumating sa buhay ko si Aleeyah. Arexon’s mom. Syempre naiinggit ako dun sa dalawa kaya humanap na rin ako nang love life… Eventually nagbunga yung pagmamahalan namin at nung nalaman ng magulang ko, they became furious. I succeeded in breaking the engagement with Bianca at napilitan na pumayag ang magulang ko na maikasal kay Alee. I was the happiest man when our first born, Alexa came to my life. Naging masaya na rin sa amin si papa at mama. “
Huminto siya at mula sa nakangiting mukha ay napalitan ang ekspresyon niya.

“But Bianca and Patricio didn’t experience the same thing. Talagang tutol sa kanilang dalawa ang mga magulang ni Bianca. Kaya nga nung na cancel ang engagement namin, pina arrange na naman nila ito sa iba. That day, they came rushing to me, and ask for my help. I help them to escape. I don’t know what happen after they stake out pero bumalik sila sa akin makalipas ang dalawang taon dala ang isang sanggol, at ikaw iyon. 

Sold to a Poor GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon