Arexon's P.O.V
Naalimpungatan ako dahil pakiramdam ko mainit na yung mukha ko na parang nasusunog.
Pagmulat ko ng mata ay nasilaw ako sa liwanag ng araw. I stretch my body.. Ninanamnam ang sarap ng umaga. Kita mula sa silid na kinaroroonan ko ang dagat na kumikinang.
"Aaaah!! This house is really awesome. Hihingin ko to kay papà."
Pipikit sana ulit ako nang biglang bumukas ang pinto at iniluwa nun si papà na nakakunot ang noo.
"Good morning pa."
Bati ko sa kanya pero hindi siya sumagot. Umikot lang siya sa silid na parang may hinahanap.Sinundan ko siya ng tingin. Maya maya ay kinuha niya ang kumot ko. Tapos biglang yumuko at tiningnan ang ilalim ng kama.
"Papà? Anong ginagawa mo?"
Napakamot naman siya sa ulo niya at may binubulong."Wala rin dito.."
"Anong wala? Ano bang hinahanap mo?"
Tanong ko. Tumingin naman siya sakin ng matagal bago nagsalita."Si Beatrice. Wala sa silid niya. Kanina ko pa din hinahanap. Akala ko nandito sa kwarto mo."
Agad akong napatayo at muntik pa akong matalisod sa kumot."Shit!"
"Oh? Saan ka pupunta anak?"
Sumunod naman siya sa akin palabas."Hinahanap na niya panigurado yung magulang niya. I must follow her."
Nagmadali na akong bumaba at nagtungo sa mga kabahayan na nakikita ko. Hindi ako kabisado sa lugar kaya minsan pabalik-balik na ako ng napagtanungan."Arexon.."
Napahinto ako ng may humawak sa balikat ko."Papà?"
"Bat ka ba nang-iiwan? At parang tarantang-taranta ka?"
Naglakad na ako uli at patuloy na nagtatanong sa kung sinong makakasalubong."Ahh.. Manang.."
Tawag pansin ko sa ginang na dumaan sa harap namin. Huminto naman to at tumingin sa amin."Bakit?"
Tanong niya at palipat-lipat ang tingin sa aming dalawa ni papà."May nakita ba kayong babae na kaedaran ko lang? Mga hanggang dibdib ko ang tangkad at mahaba yung buhok.."
Tumango-tango siya ibig sabihin may nakita siya."Umm.. Oo kanina. Nagtatanong din yun sa akin at may hinahanap eh. Bakit?"
Nakahinga naman ako ng maluwag sa narinig. Ang totoo, kanina pa ako kinakabahan. Hindi ko din alam kung bakit."Saan po siya pumunta?"
Tanong ni papà dito."Ahh.. Hinahanap niya kasi yung mag-asawa tapos tinuro ko kung saan ang bahay. Andun sa dulo ng isla.."
Napakunot ang noo ko kaya mas lumapit pa ako sa kanya. Nabigla pa nga sya."Sinong mag-asawa?"
"Si Icio at Ikang.. Ewan ko nga dahil ang daming naghahanap sa mag-asawa na yun."
Nagkatinginan kami ni papà at agad tinunton ang bahay na sinabi ng ale pagkatapos naming magpasalamat dito."Sigurado akong si Patricio at Bianca ang tinutukoy niya. Baka ngayon ay magkasama na sila ng anak niya."
Tumango ako sa sinabi ni papà. Siguro nga magkasama na sila ngayon. At alam kong masaya si Bea.Pero iniisip ko kung paano na nga kung nagkita na sila. Siguro maghihiwalay na kami dahil isasama na siya ng kanyang mga magulang.
Then me, babalik na ako sa dating buhay. Probably gonna be back as a gangster. Malamang ay hinahanap na ako ng gang ko. Wala akong paalam nung umalis ako.
BINABASA MO ANG
Sold to a Poor Gangster
RomanceA prodigal, spoiled, gangster son. That's how Arexon Vergara's father describe him. And afraid that his son will die being a spoiled brat, he took everything from him. He want his son to learn how to live on his own so he throw him in a place where...