Beatrice's POV.
...
"BEATRICE! BILISAN MO AT BUMABA KA DITONG DE PUTA KA!"
Bago pa man mag-apoy ang nanay ay bumaba na agad ako mula sa ikalawang palapag ng bahay namin na isang ihip nalang yata, matutumba na."Nay? Bakit po?"
Tanong ko ng matanawan ko siyang nakatanghod sa pinto.
Malaki ang ngiti nito sa akin ng mabungaran ako."Tingnan mo ito.." binigyang pansin ko ang bag na inilahad niya sa harap ko.
"P-pera po ba yan? Na totoo? Saan kayo galing niyan nay?"
Nahihintakutang sabi ko.
Hindi ko kasi alam kung saan niya galing ang pera dahil wala naman siyang hanap-buhay. Palagi pa ngang nagsusugal eh at likas na talunan talaga ang nanay kaya ako ang napagbuntunan palagi."Sa wakas ay may pakinabang ka din sa akin. Sige na. Umalis ka na rito. Dalhin mo yung mga gamit mo."
"Po?"
Nagtataka akong napatingin sa kanya."Aba! Bayad ka na kaya lumayas ka na dito. May nagmamay-ari na sa iyo Beatrice."
Hindi makapaniwalang napatingin ako sa kanya."Nay? B-binenta niyo ako?"
Naluluhang sabi ko pero parang wala lamang siyang pakealam."Aba! Nakakapagod kang palamunin Bea. Kaya mas maiging mawala ka nalang dito. Tutal mayaman naman ang nakabili sayo kaya dapat wag mo na itong palampasin."
Minsan naisip ko na baka hindi nila ako tunay na anak kasi ganito nila ako tinatrato.
"Nay, alam mo kung sino ang palamunin? Ikaw yun!" Tutal lalayas naman na ako kaya susumbatan ko nalang siya.
"Nag-aaral ako pero hindi ako umuungot sa inyo. Nagsisikap ako sa sarili ko. Pati pagkain dito sa bahay ako ang namomoblema. Kayo? Nasaan kayo? Doon! Sa sugalan. Minsan hinuthutan niyo pa yung kakarampot kong pera na pambayad sana ng tuition para lang may pansugal ka."
Nilabas ko na lahat ng hinanakit, tutal naman, binenta niya na ako. Kaya hindi na ako nagulat ng sinampal niya ako."Wala kang utang na loob. Lumayas ka sa harap ko Beatrice. Tama lang na ibenta kita. Hindi naman kita tunay na anak."
That explains everything. Lahat ng masamang dinanas ko sa pamilya na ito ay nabigyan na ng kasagutan.
Hindi ako anak ng kinilala kong magulang.
Hanggang ngayon ay yun parin ang nasa isip ko. Masakit.
Binenta na nga ako, nalaman ko pang di pala nila ako tunay na anak."Are you okay miss Bea?"
Nilingon ko ang nasa mid 30s na lalaki na nagmamaneho ng ngayong sinasakyan kong kotse."Tingin mo okay lang ako? Ikaw kaya ang ibenta? Try natin kung magiging okay ka ba."
Natahimik naman siya pero maya maya ay ngumiti ito sa akin."Hindi mo ba tatanungin kung sino ang bumili sayo?"
"Bakit ko pa tatanungin eh malalaman ko rin naman."
Umiling lang siya at natatawa na sumulyap sa akin."Bagay talaga kayo ni Master. Maattitude."
Narinig kong bulong niya kaya na-curious ako."Sinong master?"
Tanong ko sa kanya. Tinapunan niya ako ng tingin at nag smirk.Gwapo siya. Pero matanda na. Ayoko ng sugar daddy.
"Bakit ka pa magtatanong? Malalaman mo rin naman."
Napakagat nalang ako sa sariling dila dahil sa inis.
Waaah! Naisahan ako dun."Wag kang mag-alala miss Beatrice. Spoiled lang yun si master pero hindi naman yun masamang tao."
Sa sobrang tahimik ay di ko namalayang nakatulog na ako. Nagising nalang ako nung kinalabit ako nung mama.
BINABASA MO ANG
Sold to a Poor Gangster
RomanceA prodigal, spoiled, gangster son. That's how Arexon Vergara's father describe him. And afraid that his son will die being a spoiled brat, he took everything from him. He want his son to learn how to live on his own so he throw him in a place where...