Arexon's POV.SINALUBONG ko ng tingin si papà nang pumasok ito. Laglag ang balikat nito at parang hapong-hapo.
"Hey son." Aniya na bakas ang lungkot sa mukha.
"Hey.. Nakaalis na sila?"
Tanong ko kahit alam ko naman na yung sagot. Tumango lang siya at tumabi ng upo sa akin.Ganun lang kami ng ilang minuto. Tahimik at wari nagpapakiramdaman. Walang nais magsalita marahil ay nahuhulog sa kanya-kanyang iniisip.
"Let's go back to the mansion."
Wala sa sariling anas ni papà na nakatingin lang sa kawalan."How about your plan about me?"
Nagpakawala siya ng buntong-hininga bago humarap sa akin."Well, mukhang magiging maayos ka na naman. At nakapag-usap na din tayo ng masinsinan about you being rebellious."
Napatango-tango ako.
Kahit papaano ay nabigyan na ng linaw ang naging lamat ng relasyon namin mula ng nakapag-usap kami."Okay.. But I can't guarantee you that I'll be leaving the gang. Naging parte na rin yun ng buhay ko."
Nakita ko siyang napahilot sa kanyang sentido. He face me again and hold my shoulders then intently look at me."Wala na ako magagawa dun. Basta wag kang uuwing may pasa. At wag mo akong bigyan ng sakit ng ulo. You don't know what I can do the next time na mapuno ako sayo."
Seryoso ngunit puno ng pag-aalala na sabi niya sakin."Bakit? Anong gagawin mo?"
Binitawan niya ako at tumayo na. Hindi man lang nag-abalang sagutin ang tanong ko."Pack your things if you need them. We'll be going back to the mansion after."
Walang buhay na nilisan ko ang glass house at tinungo ang kubo.Pagtapak ko palang sa kubo ay nanumbalik sa akin ang mga alaala simula ng mapunta ako dito. That was 3 months ago? I lost count. Basta nang una akong tumapak dito ay para akong mabaliw sa pag-iisa. Ni wala man lang makausap. Buti nalang at natuon ko ang atensyon sa paghahalaman kaya hindi ako tuluyang nabaliw.
And boredom was nowhere to be found when Beatrice came. I used to be aloof especially to women but I don't know what happened when Beatrice came. Didn't even think for a second of taking her innocence away from her.
Bago pa kung saan mapunta ang isip ko ay kinuha ko na ang mga gamit na kailangan ko tsaka nilisan ang kubo.
Bago tuluyang umalis ay pinagmasdan ko muli ang tinitirhan. Nakakatawang isipin na natiis kong manirahan sa lugar na ito na masyadong malayo sa kabihasnan. Ni walang kuryente o gripo man lang. Pero kahit ganun ay marami akong natutunan sa lugar na ito.
Nagpakawala ako ng malalim na hininga tsaka nagpasyang lisanin na ang kubo. Hindi pa man ako nakakalayo ay may kung anong malakas na tumama sa ulo ko.
"Fuck!"
Daing ko habang iniinda ang sakit. Nanlalabo ang paningin ko at namimingi. Napasadlak na rin ako sa lupa dahil sa pagkahilo."Yan ang bagay sa mga pakealamero na kagaya mo."
Sa nanlalabong paningin ay inaaninag ko ang pinagmulan ng boses. Pero bago ko pa magawa ay isang malakas na hampas na naman ang tumama sa likod ng ulo ko dahilan para mawalan ako ng malay.Nagising ako sa isang madilim na silid. Hindi ko maigalaw ang mga kamay at paa ko. Nang subukan kong iangat ay tsaka ko nalamang nakatali ang parehong kamay at paa ko habang nakahiga ako sa malamig na sahig.
I cough hard when I felt pain on my head. Pakiramdam ko nagdudugo na iyon.
Sinubukan kong i-adjust ang paningin sa gitna ng madilim na silid na iyon. Pero kahit anong dilat ng mata ko ay wala akong maaaninag.
BINABASA MO ANG
Sold to a Poor Gangster
RomanceA prodigal, spoiled, gangster son. That's how Arexon Vergara's father describe him. And afraid that his son will die being a spoiled brat, he took everything from him. He want his son to learn how to live on his own so he throw him in a place where...