KABANATA 12

23 2 0
                                    

Warning: Slight matured content ahead. RAYOR!

Kabanata 12

Beatrice's P.O.V

Napatulala ako sa nasilayan sa aking harapan.
As in namangha nalang ako sa nakita.

"Wooooooooooow!! Ikaw gumawa nito?"
Tanong ko kay Arexon habang nakatanaw pa rin sa maliit na bungalow type house.
May balkonahe ito na nakaharap sa dalampasigan. Sa likod ay may puno ng mangga Indian. Makintab ang kahoy na dingding nito na siguro ay pinahiran pa ng barnish at ang bubong ay yari sa nipa.

"Umm yeah?"
Sagot niya at sumunod lang sa akin.

Nilibot ko ang buong bahay dahil napapaligiran ito ng samut-saring bulaklak. Iba't iba pa yung kulay at may mga non-flowering plants din gaya ng San Francisco at snake plant na ginawang parang bakod ng bahay. Maging ang balkonahe ay may nakasabit na hanging plants na nakalagay sa paso.

Kung titingnan ay nagmumukhang flower garden ito. Ang sarap sa paningin at nakaka relax.

"Well?"
Imik niya pagkatapos kong malibot ang buong bahay.

"Ang ganda dito. Kailan mo pa to ginawa?"
Namamanghang tanong ko at pumanhik sa tatlong baitang na hagdan paakyat sa balkonahe.

"I don't know? Siguro a week after I was sent here. Napasyal kasi ako dito accidentally tas yun na."
Tumango-tango lang ako dahil binubusog ko pa yung mata ko sa magandang tanawin sa harap ko.

Hindi pa gaano kataas ang araw kaya hindi masakit sa mata kung tingnan. Nagrereflect ito sa asul na dagat. Akalain mo ba namang ang aga niya ako binulabog dahil dito. Parang excited pa nga siya eh.

"Kaya ka siguro bigla-biglang nawawala dahil dito ka nagpunta?"
Tanong ko pero ngayon ay nakatingin na ako sa kanya. Sumandal naman siya sa dingding ng balkonahe at magka krus ang kamay na tumingin sa akin.

"Hmmm.. Yeah, kind of."

"Aside sa lugar na to, may napuntahan ka pa bang ibang parte dito ng isla?"
Napahinto naman siya at biglang nalukot ang mukha. Tapos maya maya ay namumutla.

"Hoy! Ayos ka lang ba? Bakit ka namumutla dyan? Gutom ka na? Tara uwi na tayo."
Hindi siya umimik. Bigla nalang siyang lumapit sa akin at niyakap ako. I can fell him trembling.

"H-help me.. He-help me.."
Natatarantang inakay ko siya papasok sa bahay. Nakakita ako ng isa pang pinto sa loob at ng mabuksan ko iyon ay may katre na nakalagay. Pinaupo ko diya doon pero hindi niya pa rin ako binitawan. Nakayakap parin siya sa bewang ko.

Nagiging malikot ang kanyang mata at pabaling-baling sa kaliwa at kanan ang kanyang ulo na parang may hinahanap. "He'll gonna rape every woman around.. Gagawin niya yun. Pagkatapos, papatayin niya. Just like my mom and my sister.. Bea.. ikaw.. Hindi pwede. Wag mo akong iwan."
Nangiginig siya habang sinasabi yun at mas humigpit pa ang yakap sa akin.

Nahabag ako sa sitwasyon niya. How could his father sent him afar kung ganitong may dinaranas siyang trauma. I could tell, na trauma siya sa nangyari sa kapatid at mama niya. I really need to talk to his father.

"Sssssh! Ayos lang Arexon. I'm here. Hindi kita iiwan. Just calm yourself okay?"
Tumango siya habang nakatingala sa akin. Nakita ko sa mata niya yung pagkabalisa, takot, galit, it's all mixed up. 

Inakay ko siya para mahiga at ginawa kong unan niya yung braso ko. Hindi niya parin ako binitawan. Instead, sumiksik pa siya sa leeg ko. Hindi ko namalayang unti-unti na pala akong ginupo ng antok habang hinahagod ang buhok niya.

Nagising ako dahil may dumampi sa pisngi ko. Pagdilat ko ng mata ay bumugad sa harap ko si Arexon.

"Rex?"
Ani ko at napansing nakapatong na siya sa akin habang hinahalik-halikan ako sa mukha.

Sold to a Poor GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon