Beatrice's POV.Unti-unti kong dinilat ang mga mata ko at sinalubong naman ang paningin ko ng kadiliman.
Ilang sandali na akong nakadilat pero madilim pa rin ang nakikita ko. Wala akong maaninag na kahit anong liwanag.
Teka... Nasaan ba ako? Ang huling naaalala ko ay nasa bar ako at sumasayaw..
Tumulo yung luha ko ng maalala ang sinapit. Napayakap nalang ako sa sarili.
Hayop na Henry yun! Binenta pa yata niya ako at ginawang dancer sa club. Baka kung magtagal pa ako ay magiging pokpok na ako.
Waaaah! Kailangan ko nang makaalis dito.
Dahan-dahan akong tumayo para lang mapaupo ulit dahil sumakit ang paa ko.
Tae!! Di pa pala gumaling ang sprain ko.
Napaangat ako ng tingin ng bumukas ang pinto ng kinaroroonan ko at lumiwanag sa loob.
"Buti naman at gising ka na. Lumabas ka na riyan at ng makaalis na tayo rito. Hindi ako makakapayag na maabutan nila tayo. Masasayang lahat ng pinaghirapan ko."
Tumalim ang tingin ko sa kanya."Walanghiya ka Henry! Hayop ka! May balak ka pang gawin akong babaeng bayaran. Ang sama sama mo!"
Sigaw ko sa kanya tapos lumapit naman siya sa akin at hinaklit ang balikat ko."Anong sabi mo?"
Binaklas ko yung kamay niya at lumayo sa kanya."Wag mo kong hawakan. At kung iniisip mo na mapipilit mo akong sumayaw muli sa club na iyon, nagkakamali ka. Dahil magpapakamatay muna ako bago mo magawa yun."
Natahimik siya sa sinabi ko.Tapos maya-maya ay humalakhak na siyang ikinainis ko.
"Kung baliw ako, mas baliw ka naman. Ano bang club ang sinasabi mo?" Natigilan siya at animo'y may ideyang pumasok sa utak. "Ahh.. Bakit ngayon ko lang yan naisip?"
Ngumisi siya at tumingin sa akin."Salamat sa ideya. Mas mapapakinabangan kita."
Tumalikod siya habang tumawa at iniwan ako doon.Kinapa ko ang sarili ko.
Umm, ganun pa rin yung suot ko. Masakit pa rin ang paa ko. At yung kinalalagyan ko.. Kinapa ko at napagaalaman na ganun pa rin.Ibig sabihin, panaginip lang yun?
Napaiyak ako at niyakap ang sarili.
Peste!! I mean, salamat sa Dios at panaginip lang yun. Pero parang mangyayari na talaga sa akin yun kung hindi pa ako makakaalis dito.
Asan ba kasi ako? Bakit wala akong makita na kahit anong liwanag? Ano ba talaga tong pinagdalhan sa akin ni Henry?
O talaga bang si Henry yun? Ngayon ko lang din napansin na iba ang boses niya. Pati yung buhok niya, masyadong mahaba.
Nasapok ko ang sarili dahil huli na ng ma-realize ko yun. Posibleng impostor siya. Pero bakit naman niya kailangang magpanggap na si Henry?
Natigil ako sa pag-iisip ng biglang bumukas ang pinto dahilan para makasagap na naman ako ng liwanag.
"Lumabas ka na dyan. Kailangan na nating makaalis dito bago pa tayo mahanap ng tauhan ni Nixxon."
Hindi ko siya pinakinggan. Sumikik lang ako sa sulok kaya binulyawan niya ako.
"TATAYO KA DYAN O KAKALADKARIN KITA?"
Nakakabingi yung sigaw niya. Nakakatakot.Ayaw kong sumama sa kanya. Siguradong mapapahamak lang ako. Pero mapapahamak din ako kung magmamatigas ako.
Sa huli ay sumama nalang ako bago pa niya ako kuyugin.
Nasa harap na kami ngayon ng maliit na bangka na nakadaong sa dalampasigan ng isla.Lumingon-lingon ako sa pag-asang makakakita ng pwedeng tumulong sa akin pero tanging kakahuyan lang ang nakita ko at karagatan.
BINABASA MO ANG
Sold to a Poor Gangster
RomansaA prodigal, spoiled, gangster son. That's how Arexon Vergara's father describe him. And afraid that his son will die being a spoiled brat, he took everything from him. He want his son to learn how to live on his own so he throw him in a place where...