Unang Pahina

286 8 1
                                    

[Ang Simula]

~"I thought it was a dream, but over time, it seemed to be more of a reality". ~


~"Paanu Kung Siya na nga ang para sayo,ngunit Hindi ikaw Ang para sakanya."~

~Panaginip

Bakit kilala ko Ang iyong tinig?
Sa tuwing itoy naririnig?

Ang iyong amoy,
Nasinghot Kona ito noong ako'y nagpalaboy.

Ang haplos mo,
Kilala ko ito.

Ang iyong muka,
Ay akin nading nakita.

Sino kabang talaga?
Nakilala na ba kita?

Ngunit saan tayo nagtagpo?
Maaari bang sabihin mo sakin Ginoo?

Ako'y natigilan,
Nung ako'y iyong titigan.

Ang mga mata mo,
Kilala ko ito.

Yumakap ka sa akin,
Anu ba Ang meron sa atin?

Bumulong ka ng palihim,
Ako'y napangiti nang taimtim.

"Ako ito Ang Ginoong nasa panaginip mo Binibini ko!

Naalala kona!
Sa panaginip tayo unang nagkita.

Ngayon ba ay totoo na?
Nahahawakan na nga kitang talaga?

Ako'y labis na masaya,
Na makapiling ka aking sinta.

Sa wakas,
Andito ka na.

Nagkita tayong muli,
At sa totoong buhay na.

Wala nang halong Biro,
Kundi labis na totoo.

* * *

•|Trisha|

Totoo nga ba ang Lucid Dreaming?kasi Kung totoo nga yun sa palagay ko yun Ang nangyayari sakin gabi gabi,Paulit ulit lagi Kung nakikita ang imahe ng isang Binata at tuwing napapanaginipan ko siya Ang scene namin sa Panaginip ko ay lagi kaming nagtititigan.Sobrang pamilyar niya sa akin,Hindi naman malabo ang muka niya sa Panaginip ko pero tuwing gigising ako nakakalimutan ko Ang muka niya,arghhh!napasabonot nalang ulit ako sa buhok ko habang inaalala ulit ang lalaking yun na nakita ko kagabi sa panaginip ko,Sino ba siya?bakit lagi niya nalang akung dinadalaw gabi gabi?

"Uy?halarom nanaman tim ginhuhunahuna."(translation:Uy?Ang lalim nanaman ng iniisip mo) inabutan Naman ako ni Kylie ng isang basong tubig,nasa bahay kami ngayon ni Kylie ang tahimik dito Ang Ganda ng mga tanawin,kapit bahay Lang namin sila at matalik kaming magkaibigan.Iba talaga Basta nasa probinsiya ka,sariwang hangin at sariwang tanawin.Iwinagayway naman niya Ang kamay niya sa tapat ng muka ko kasi kanina pa pala ako nakatulala,kinuha ko naman Ang inabot niyang baso."Salamat Ky."

"Anu nanaman tim gin hihinunahuna?"(translation:Anu nanaman ang iniisip mo?)ininom ko naman Ang tubig kasi kanina pa ako nauuhaw."As always."ngumite naman siya sakin."Aram nim trish?it nga lalaki hit imo inop feel ko asya nait Tim destiny ayiee!"(Translation:Alam mo Trish?Yung lalaki sa panaginip mo feel ko siya na yung destiny mo ayiee!)nagtalon talon pa siya at kilig na kilig,matagal niya na ding alam na palagi Kung napapanaginipan yung lalaking yun.Dati akala ko normal Lang yun,pero habang patagal ng patagal ang panahon alam Kung Hindi na normal yun.

Kasi Gabi Gabi nalang siya yung napapanaginipan ko."Buang!"(translation:baliw!) Kung Anu Anu nanaman kasi Ang iniisip nitong kaibigan Kung to e lakas ng tama."para diri kana dida maghinuna huna,kada upod Kita Kanda Jun Jun manngunguha hira hin mangga."(translation:para Hindi muna siya isipin pa,tara sama tayo kina Jun Jun kukuha sila ng mangga.) Agad agad akung tumayo mula sa kinauupuan ko at binitawan Ang basong hawak ko."naeexcite ka nanaman."

Tumawa pa si Ky bago sumunod sakin papalabas ng bahay nila."Hain na hira Jun Jun?"(translation:Asan na sila Jun Jun?)tanung ko naman sa kanya kasi Wala akung makitang Jun Jun pagkalabas ko,si Jun Jun ay nakababatang kapatid ni Kylie sampung taong gulang na siya at sobrang Kalog nang batang Yun."yadto man!"(translation:andun oh!)tinuro pa ni Ky gamit ang nguso niya Kung saan nagtatawanan Sina Jun Jun at mga kaibigan niya.

"Saloha dagmit trish!"(Salohin mo Dali trish!)sigaw ni Ky nasa taas kasi siya ng puno ng mangga sila nang kapatid niya Ang umakyat kasi magaling sila dun,Wala kasi akung talent sa pag akyat.Kami Naman ng mga kaibigan ni Jun Jun ay taga salo.Nasalo ko naman Ang isang mangga at agad ko Yun nilagay sa balde,ito Ang gusto ko e tuwing dadating Ang summer lagi kaming ganito nila Ky.Maya Maya pa ay napuno na namin Yung balde Kaya dumiretso na kami sa bahay nila Ky para kainin yun.Mag thithird year college na kami ni Ky sa susunod na pasukan, parehong tourism Ang korso namin.

Ang pangalan pala ng probinsiya Namin ay Borongan City Eastern Samar,Matatagpuan ito sa Region VIII bakasyon ngayon kaya chill chill Lang kami ni Ky.Tatlo kaming magkakapatid ako ang gitna at Ang Bunso Naman namin ay beklesh in short Bading.Si Kylie Naman ay may isang kapatid Yun ay si Jun Jun madalas silang magtalo."Uy Trish?Dre pa nim gin lalabtan Tim mangga diba kanina excited ka."(translation:uy Trish?Hindi mopa ginagalaw Yung mangga mo samantalang kanina sobrang excited mo diyan.)Nakatulala nanaman pala ako ng matagal,siguro mannerism kona talaga Ang laging pagkatulala.

Palubog na Ang araw at madami nang Bata sa kalsada habang naglalaro,Kasama ko ngayon Ang kapatid Kung beklesh Ililibre niya daw kasi ako ng barbeque,ilang sandali pa ay nakarating nakami sa maliit na puwesto ni aleng Ruby Ang taga tinda ng barbeque malapit sa amin."Anu tim karuyag ate?"(translation:anung gusto mo ate?)pinapapili niya kasi ako ngayon ng barbeque,napatingin Naman ako dun sa mga barbequeng nakadisplay."Aram Kona it,usa nga isaw tapos siki."(translation:Alam ko na yan,isang isaw at paa ng manok.)napatingin naman ako Kay aleng Ruby at nginitian siya,Alam na alam niya talaga Ang gusto ko sabagay Suki niya na Kaya ako.

Habang naghihintay kami ng kapatid ko namaluto Yung barbeque namin,panay selpon tong kapatid ko at nagmuka na akung hangin sa kanya.Kaya lumapit nalang ako dun sa mga batang naglalaro ng tumbang preso,Nakisali nalang ako sa kanila Wala namang masabi Ang nakakakita sakin ngayon kasi sanay na sila sakin na may pagka isip Bata.Ako ngayon Ang Taya kasi ako Ang huling sumali ganun kasi Ang rule,Kaya ito nakatayo ako ngayon habang hinihintay na matamaan nila yung lata.Wala namang nakakatama sa kanila kasi sobrang layo nila,naiinip na ako kakahintay Kaya naisipan ko nalang na tumbahin yung lata.Tutumbahin ko na Sana kaso nakita ako ni Ella yung batang kalaro ko.

"Ate Trish kalilimbong nim!"(translation:ate Trish Ang daya daya mo!)nanlaki Naman Ang mata ko dahil sa sigaw ni Ella ngayon tuloy masasama na Ang tingin sakin ng mga batang kalaro ko."Sorry hihi!"ngumiti nalang ako sakanila Yung ngiting natatae lang.Hindi na nga dapat nila ako pasasalihin kaso pinagtanggol ako ni Betong yung batang lalaki na sa palagay ko may crush sakin,mygosh!gagawin pa akung sugar mommy ng batang toh!Back to the game na kami kaya ito nakatayo nanaman ako at naghihintay.Ilang saglit pa may tumama nang tsinelas sa lata dahilan para matumba yun at kasabay nun ay ang pagbagal ng takbo ng paligid nung magtama ang mata namin ng isang lalaking naka sakay ng biseklita.Ilang minuto kaming nagkatitigan,Ang puso ko ay biglang tumibok na para bang matagal ko nang kilala Ang lalaking Yun kahit na ngayon ko palang siya nakita.

_ _

A/N;

guys reminder lang HAHA Alam Kung naweweirduhan kayo sa lenggwahe nila Trish,Ang lenggwahing nila ay galing sa probinsiya ng Eastern Samar,Yung Waray-Waray may translation Naman Kaya maintindihan niyo yun,salamat!

Votes and Comments are highly appreciated!!!God bless!

Your aspiring Author,
🥀Queen_Azlie

Ako ang kontrabida sa istorya niyong dalawaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon