[Gusto Lang Kita]
"Wag mo na akung paasahin pa Alex."tugon ko Kay Alex pero tinawanan niya lang ako,"I'm not lying and I don't have time to lie."Mukang hindi nga siya nagsinungaling paanu kung totoo nga ang mga sinasabi ni Alex ngayon,aasa nanaman ba ako?
"I think Tope likes you too."seryoso nitong tugon,"Nakita ko ang takot at pag aalala sa muka nito noong nahimatay ka."napatingin naman ito sakin Kung kayat sinalobong ko ang mga tingin niya,"Habang binubuhat ka niya papalabas ng bahay niyo he was screaming for help na para bang ikaw ang pinakaimportanteng tao sa buhay niya."Teka!si pin pin ang nagbuhat sakin noong nahimatay ako? ibig sabihin siya din ang taong nakita ko papalapit sakin bago ako mawalan ng Malay noon.
Bakit pin pin?bakit pinapahirapan mo ako?
"Kung totoo man ang sinasabi mo,Alam kung nagkakamali kalang sa pagkaintindi dahil Mahal na Mahal niya si Medosha."nag iwas naman ako ng tingin sa kanya at napayuko ayokong Makita niya ang kakaibang lungkot sa mga mata ko,"Since mga Bata palang sila they both love each other,Sabi nga ng iba Ang lahat ay nagbabago siguro ganun din ang puso."
Naguguluhan ako sa mga sinasabi ngayon ni Alex gusto Kung takpan ang mga tenga ko Kasi ayoko marinig ang mga sasabihin niya kaso may naguudyok sakin na pakinggan siya."Kung mahal niya nga si Med na siyang unang nagpatibok sa puso niya,bakit nahulog siya sayo?"
Unti unti namang bumuhos Ang luha sa mga mata ko hindi dahil sa posibleng gusto din ako ni pin pin kundi dahil sa isang katotohanang Mali ang lahat lahat ngayon."Alam Kung niloloko niya lang Ang sarili niya, Everytime na nakatingin siya kay Med I can't sense his love for her."mas lalo namang bumubuhos ang luha sa mga mata ko,"pero pag nakatingin siya sayo Sobrang halata na gusto ka niya."
Nakatulala naman ako ngayon sa kwarto ko at inaalala ang mga sinabi kanina ni Alex,Alam Kung Hindi siya nagsisinungaling kanina Kasi lahat ng mga sinabi niya tumatagos sa puso ko.Bigla nanamang bumuhos ang luha sa mga mata ko,gusto ko si pin pin at Kung sakali man na gusto niya din ako ay Hindi padin maari na maging kami.
Ayokong may masasaktan dahil sa akin,Kasi ang nararamdam ko ay Mali.
Pero bakit kahit ilang besis kung turuan ang sarili ko na iwasan si pin pin ay Hindi ko magawa at patuloy padin kaming pinagtatagpo ng tadhana? Narinig ko Naman na may kumatok sa pinto ko nakabukas naman Ito kaya pinapasok ko nalang ang taong kumakatok.
Pumasok naman si Junior at malungkot niya akung nilapitan,"Ate Hain it masoul?"(Ate saan masakit?) hinawakan ko naman ang kamay niya at inilagay yun sa may puso ko."Dito" malumanay na tugon ko at napasubsub sa balikat niya saka humagolgol,"Ate aadi laak para haim."(Ate andito lang ako para sayo.)
KINABUKASAN,nagdidilig ako ng mga halaman ng maramdaman ko ang pagpatak ng ulan kaya pumasok ako sa loob ng bahay namin at umakyat sa kwarto saka dumungaw sa bintana.Lagi na akung sanay na pag gigising walang tao,Kasi si Papa isang besis lang bawat linggo Kung umuwi dahil sa trabaho niyang driver ng truck,si Ate naman minsan lang umuwi kasi sa Tacloban siya nagtratrabaho at may boarding house siya Doon.
Si Mama naman ay palaging Wala tuwing umaga lagi niyang kasama si Tita Teodora pag nagtatanung ako Kung saan sila pupunta ang laging sagot niya ay importanteng lakad Lang daw .Sa kalayuan ay natatanaw ko ang dalawang Tao na laging nagpapasakit ng damdamin ko.
Kahit malayo sila ay Alam Kung umiiyak si Medosha habang naliligo sa ulan,lumapit naman sa kanya si pin pin at yinakap ito patalikod.Humarap naman si Medosha Kay pin pin at yinakap niya din Ito,pareho silang basa ngayon dahil sa ulan Maya maya pa ay hinalikan ni pin pin ang noo ni Medosha.
Hindi ko naman namalayan na sumasabay na pala sa buhos ng ulan ang mga luha ko habang nakatanaw sa kanila,Dahil sa sobrang sakit Wala na akung maramdaman.
Siniriradohan ko nalang ang bintana ko at napasandal nalang sa headboard Ng kama ko,Mahal na Mahal ni pin pin si Medosha at saksi ako doon.
Boung araw akung nagkulong sa kwarto ko ayokong Makita ang pagmumuka nino man gusto ko Lang matulog ng matulog Kasi sa paraang iyon Hindi ko iniinda ang sakit pagnatutulog ako Kung pwede ngalang matulog ng matagal at pagising mo ay okay na lahat malamang at yun nga ang gagawin ko.
Sumapit na ang Gabi at napagpasyahan ko nang bumaba nasa taas palang ako at dinig na dinig ko na ang sigaw ni papa mula sa baba,anung meron?
Nang tuluyan na akung makababa ay nakita ko si Papa na galit na galit habang nakatingin Kay Junior,"WARAY NA NIM RESPETO NGA BATA KA,SOUL LA HA ULO TIM HINAHATAG HAAK."(Wala ka nang respetong Bata ka,lagi nalang sakit sa ulo ang Binibigay mo sakin.)
Nakayuko naman ngayon si Junior at nakikita ko ang patak ng luha niya sa sahig akmang lalapit na Sana ako kay Junior pero nagulat ako ng sigawan ako ni papa."Waray ma dook ngan mapansin ha iya,nadako nait iya ulo Kay inuugupan ma."(Walang lalapit at papansin sa kanya,lumalaki tuloy ang ulo niyan kasi kinakampihan.)
Kaya nanatili nalang akung nakatayo sa kinalalagyan ko umalis naman si Papa at malumanay na sumunod sa kanya si Mama,akmang lalapit na Sana ako Kay Junior kaso sumigaw nanaman si Papa,"Trisha gin babalaan ta ika."(Trisha binabalaan Kita.)
Binigyan Naman ako ni Junior ng 'Okay Lang ako ate' look kaya dumiretso nalang ako sa kusina para kumain, pagkatapos kung kumain ay naghugas ako ng mga pinggan saka umakyat ulit sa kwarto ko.Narinig ko naman sa kabilang kwarto ang mga hikbi ni Junior gustuhin ko man siyang puntahan ay diko magawa.
Lumipas ang Isang linggo na ganun ang naging routine ko,bababa lang ako tuwing Gabi para kumain at pagkatapos nun magkukulong nanaman ako sa kwarto ko.Sa loob Ng isang linggo Hindi ko nakita ang muka ni Ky,Alex, Medosha,at pin pin.Hula ko nga ay baka umuwi na sila sa Manila, kumirot naman ang puso ko dahil sa ideyang yun.
Pero mas mabuti nayon na ganun na nga ang mangyari,okay Lang na ako nalang Ang masaktan.Maganda ang sikat ngayon ng araw kaya nagpasya na akung bumaba at lumabas na para makalanghap namanlang ng sariwang hangin.Muntikan naman akung tumakbo ng Makita si pin pin,andito padin sila?
Kaso huli na Kasi nakita niya na ako at Hindi niya ngayon kasama si Medosha.Lumapit Ito sakin kaya kinabahan ako,Anu nanaman ba toh?
"Sha namiss kita."nabigla Naman ako ng yakapin niya ako agad agad,sinubukan ko namang humiwalay sa yakap niya kaso mas hinigpitan niya ang pagkakayakap niya sakin.Nabigla naman ako nang may pumatak na luha sa likod ko,umiiyak siya?bakit?
"Sha nahihirapan na ako."Tugon nito na nagpalito sakin,"anung sinasabi mo?"mas lalo Lang Ito humikbi."Hindi ko na alam ang gagawin ko."Anu bang pinagsasasabi niya?
"Alam Kung gusto mo din ako."Nanlaki naman ang mga mata ko dahil sa sinabi niya,Alam niya?kelan pa?Sino Ang nagsabi sa kanya?
Humiwalay naman siya sa pagkakayakap sakin at maigi akung tinignan,"Gusto Kita pero Hindi ikaw ang laman nito."tinuro naman niya Kung saan Banda ang puso niya,"At hinding hindi ko pwedeng ipagpalit si Medosha sayo."Alam ko pin pin,Alam ko!
"Siya ang minahal ko ng mahabang panahon."at Alam Kung Wala akung laban Doon."Pero importante kadin sa buhay ko,nahihirapan ako."patuloy padin itong umiiyak at masakit para sa akin na Makita siyang umiiyak,kung hindi Lang Sana ako nakita at nakilala ni pin pin ay malamang masaya na sila ngayon ni Medosha pakiramdam ko tuloy...
Ako Ang Kontrabida na humahadlang sa pag iibigan nila.
"Hindi muna kelangan mamili pa pin pin,siya ang Mahal mo at gusto mo lang ako Kung kaya mas matimbang siya...k-esa sak-. . .sakin."bakit pa kasi ako napiyok?sa pagkakataong Ito ay pareho na kaming umiiyak ni pin pin.
"Nagagalit ako sa sarili ko Kasi ako ang dahilan ng mga luha mo."pinunasan naman niya ang mga luha ko gamit ang hinlalaki niya."It's breaking my heart seeing you crying because of me."napakimkim pa siya sa kanyang kamao.
Bakit parang nanaginip lang ako ngayon?Ang mga pangyayari ay parang Hindi totoo.
Bakit list #045
Paanu Kung nameet muna si The one,pero you're not the one for him?
_ _
A/N;Trisha mesheket be?HAHAHAHHA.
Nalalapit na ho tayong magwakas.
Votes and Comments are highly appreciated!!! God bless!
Your aspiring Author,
🥀Queen_Azlie
BINABASA MO ANG
Ako ang kontrabida sa istorya niyong dalawa
Romansa[Completed but unedited] Ang kwento niyo ay nakasulat na,ikaw at siya ay para sa isa't Isa.Nakatakda na ang iyong tadhana,pero bakit pa tayo nagkita? Isang Binata at Dalaga na nangako sa isa't Isa mula pagkabata ay sila na Ang nakatakda.May isang Da...