Ikadalawampu't siyam na Pahina

17 0 0
                                    

[The Wedding]




"Mabuhay Ang bagong kasal!"

Napuno naman ng ingay ang boung paligid at itinaas ang kanya kanyang nilang mga baso pero Hindi ko Yun ginawa bagkus ay ininom ko nalang ang wine na nasa loob nito."Anak kaya mo pa ba?"tinignan ko naman si Mama at binigyan ng isang ngiti na magtatago sa sakit na nararamdaman ko ngayon."I'm definitely fine,Ma."tinapik naman nito ang balikat ko.

Naramdaman ko naman Ang selpon ko na nagvibrate sa shoulder bag ko kaya nagmadali akung kunin yun,nakita ko naman ang pangalan ni ate Vane sa screen nagmadali naman akung lumabas at pumunta sa walang masyadong tao saka sinagot ang tawag."Hello Ate?"

Halos mabingi naman ako dahil sa sigaw ni Ate,"BAKIT ANG TAGAL MO BAGO MASAGOT ANG TAWAG KO?"inilayo ko naman sa tenga ko ang selpon ko."I'm sorry Ate Just Relax yung high blood mo."Napahagikgik pa ako pagkatapos kung sabihin yun Wala parin siyang pinagbago mainitin parin ang ulo."Anu nakapagdesisyon kana ba?"Medyo iritado Ang Boses nito halatang pinapakalma ang sarili dahil sa inis niya sakin kanina.

Bumuntong hininga naman ako bago sagutin yun,"I'm coming with you."Malumanay kung tugon.

"Mabuti naman at susunod kana dito mas maganda dito magtratrabaho at tyaka andaming gwapong foreigners."Tumawa pa Ito ,gusto ko nga din sanang matawa kaso Hindi ko kaya."Sigurado na ako dun ate."Nasa Britain Kasi siya ngayon Doon na siya nagtratrabaho bilang isang call center agent Magaling Kasi si Ate kaya napunta siya Doon at malayo narin Ang narating niya.

May nag alok naman sakin doon na Doon na ako magtrababo na isang mayamang foreigner siya ang nagmamayari ng pinakasikat na Airport Doon at kinuha niya ako bilang manager at at the same time bilang isang personal flight attendant niya sa VIP plane nila,dati nagdadalwang isip pa ako nun pero ngayon sigurado na ako.kelangan ko nang magpakalayo layo at magsimula ulit na ako lang,"Kelan flight mo?"natauhan naman ako dahil sa Boses ni Ate.

"Sa linggo Sana."tugon ko

"Tamang tama sa lunes Birthday ko , salamat Naman at Hindi ako mag iisa sa araw ko."napangiti nalang ako kahit pa Hindi Naman makikita ni Ate na nakangiti ako dahil sa sinabi niya."Ohsiya sige hihintayin nalang kita ah?"tumango naman ako Sabay natawa Kasi Hindi Naman pala kami magkaharap ni Ate at Hindi niya makikita na tumango ako,nawawala na ako sa sarili ko.

Binaba ko naman ang tawag at laking gulat ko nang makita si Medosha sa harapan ko,"Nakakagulat ka naman Sha."napahawak pa ako sa dibdib ko dahil sa gulat,at mas nagulat pa ako ng bigla bigla niya akung yakapin.

"Sha thank you!"tugon nito kaya Wala na akung nagawa kundi yakapin siya pabalik."Bakit ka nagpapasalamat sakin?"tanung ko pero hindi niya ito sinagot.

"Wife there you are."Ang sakit pala na iba ang tinatawag na wife ng taong minahal mo noon hanggang ngayon,ako dapat yun e!

Tama na Sha erase erase!

Napabitaw naman si Medosha sa pagkakayakap sakin at napatingin Kay pin pin,"Hubby namiss muna ako agad?"tanung nito nagyakapan naman sila sa harap ko,Ang sakit lang!

"Med pwede bang iwan mo muna kami ni Sha?"napatango naman si Medosha Kay pin pin at humalik sa pisnge nito bago umalis."Sha kumusta kana?"Napatingin naman ako sa kanya at ngumiti."I'm doing fine pin, by the way congrats."nakipagkamay naman siya sakin.

"Salamat!"tugon nito maigi ko namang pinagmasdan ang muka nito, sobrang nagmatured na ang kanyang muka at mas lalo siyang gwumapo."bakit ganyan ka makatingin?"natatawa nitong tanung kaya napaiwas ako ng tingin sa kanya."Mamimiss kita,pin."bigla naman akung napayakap sakanya at Naramdaman ko naman na yinakap niya ako pabalik."Bakit saan ka pupunta?"tanung nito at napahiwalay naman ako sa kanya.

"Doon sa malayong malayo."tugon ko naramdaman ko naman ang pagdampi ng hinlalaki niya sa pisnge ko,"Don't cry Sha it's hurting me."hinawakan ko naman ang pisnge ko at diko namalayan na kanina pa pala ako umiiyak."Sorry masaya lang ako."tumalikod naman ako sa kanya at pinunasan ang mga luha ko,"Take this."may inabot naman siyang panyo sakin Sabay naman kaming natawa dahil dun."Do you still remember the time nung binigyan Kita ng panyo noon?"natawa naman ako dun kasi naaalala ko nga."Oo naman!may sipon pa nga yun e."

Ginulo naman nito ang buhok ko kaya sinamaan ko siya ng tingin,"At hanggang ngayon iyakin kapa din,pfft."pinalo ko naman ang matigas na braso nito at Sabay kaming napahagikgik."Babe andito kalang pala."Bigla namang sumulpot si Alex sa Kung saan,"Wait did I heard it right?you call her Babe?"inakbayan naman ni pin pin si Alex."Yeah you heard it right couz kami na nga ni Sha,diba Sha?"inirapan ko nalang si Alex dahil Hindi niya padin ako tinitigilan kakatawag ng babe.

"Asa ka!"iniwan ko Naman silang dalawa doon,tinawag pa nga nila ang pangalan ko pero hindi na ako lumingon pa.Maya Maya pa ay nagsimula na ang program ng kasal nila pin pin,panay salita lang ang MC sa harapan namin.Wala naman akung maintindihan doon Kasi sobrang ingay ng boung paligid kaya tumayo nalang ako at nagtungo sa Cr, tinignan ko muna ang sarili ko sa malaking salamin bago pumasok sa isang cubicle.

May narinig naman ako na naguusap sa kabilang cubicle,"Fiona masarap ba sa feeling ang maikasal sa taong Mahal mo?"nanatili lang ako sa kinaroroonan ko at hindi ko Alam Kung bakit nakikinig ako sa usapan nilang dalawa."Super sarap sa pakiramdam Alisha!"kilig na kilig na tugon nang Fiona daw.

"Kaya ikaw mag asawa kana girl baka tumandang dalaga kapa niyan."dugtong pa nito ,"Wala nang saysay pa kung mag aasawa ako kinasal na Kasi sa iba ang taong Mahal ko."Napangiti naman ako ng mapait dahil sa tugon nung Alisha na yun,pareho pala kami."Ay Oo nga pala nag asawa na pala si papa Brent mo,anu ba ang feeling na nakadalo ka sa kasal ng taong Mahal mo?"Wala naman akung narinig na sagot sa kabilang cubicle at nanatili na itong tahimik,anyare?

Lumabas naman ako cubicle at laking gulat ko nang makita ang Dalawang babae na nakatingin sa harap ng salamin,Ang Isa sa kanila ay umiiyak.Denedma ko nalang sila at naglagay nalang ng lipstick sa labi ko,"Ang sakit sakit parin pala Fiona parang sariwa parin ang sugat sa puso ko."Napatingin naman ako sa kanilang dalawa at napatingin din sila sakin.

"Kanina ka pa ba diyan?"Tanung nung Fiona sakin kaya tumango ako."Narinig mo lahat ng pinaguusapan namin?"Tanung nung Alisha habang umiiyak kaya tumango ulit ako.Tinignan naman ako nung Alisha nang mabuti na para bang sinusuri niya ang bawat detalye ng muka ko.

"You look familiar to me pa rang nakita na kita,San kaya yun hmmm..."Inilagay naman nito ang kamay niya sa ilalim ng baba niya na para bang nagiisip,ang isang kamay naman niya ay nagpupunas ng  mga luha  niya."Oh Right!I knew it!Ikaw yung girl na Nakita ko noon nung nagpunta kami sa probinsiya Yung sumasayaw sa labas ng mall."Napaisip naman ako ng malalim sa sinabi niya.

"Sorry Hindi Kita maintindihan"Awkward na tugon ko."Oh C'mon,Naalala ko pa nga na may ka partner ka noon habang sumasayaw kayo at lahat ng attention ng mga Tao napunta sa inyo."Nagsink in naman sa utak ko ang mga sinabi niya Ang tinutukoy niya ay nung sumayaw kami ni pin pin sa labas ng mall Nung una ko siyang yinakap Kasi sobrang namiss ko siya at doon siya nagpakita sakin.

"Naalala ko na."Tugon ko saka siya nginitian pero binigyan niya ako ng isang malungkot na tingin."Hindi ba ang lalaking ikinasal ngayon ay yung lalaking kapartner mong sumayaw?"Napatigil naman ako kakalagay ng lipstick sa labi ko at muntikan kopa itong mabitawan.

"I'm sorry!"tugon nito saka napayuko."No it's okay,totoo ang sinabi mo siya nga yun."ngumiti naman ako sa kanya.

"Pareho pala tayo ikinasal na sa iba ang taong Mahal natin."nagsimula nanamang bumuhos ang mga luha nito."It's okay sis We are all being hurt with a reason."Tugon ko at tinapik ang balikat niya saka lumabas ng Cr.

Umupo ulit ako sa table Kung nasaan sila mama at naghihiyawan na ngayon ang mga tao dahil nagsisimula na ang mga palaro sa program,"May I call Ms.Trisha Vellasvo the Bride of Honor and Mr.Alexander Bright The Groomsman."Tugon nung MC tumayo naman si Alex at inilahad ang kamay nito sa harapan ko,"May I?"Nakangiti nitong tugon.

Inabot ko Naman ang kamay niya at Sabay kaming nagpunta sa gitna nagpalakpakan naman ang nga tao,"Last but not the least The bride and the Groom,Mr and Mrs.Callive."Grabe parang sinaksak ang puso ko nang marinig ang apelyido ni Thorffin na ngayon ay apelyido narin ni Medosha.

Nagpalakpakan ulit ang mga tao sa paligid at nakita ko si Tita Isababelle sa gilid na nakangiti habang umiiyak at nakatingin siya sakin,bakit?

Magkatabi sila ni Tita Fe na nakangiti din habang nakatingin samin.


_ _

Ako ang kontrabida sa istorya niyong dalawaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon