Ikalabing Siyam na Pahina

17 1 0
                                    

[Nakakaawa]



"Bestie!are you alright? kumusta na ang sugat mo?" Nag aalalang tanung sakin ni Medosha,"Okay na ako Sha hindi naman ako pinabayaan ni Alex." Ngumiti naman ito sakin."I'm glad to hear that,halikana itutuloy Kona ang kwento ko." Hindi pa man din ako nakakapayag ay hinatak niya na ako papalabas ng bahay at isinakay sa kotse ni---teka! ni pin pin?nasa likod nila ako habang sa harapan naman nakaupo si Medosha at katabi niya naman si pin pin na siyang nagmamaneho ngayon,kainis!Kung kelan iniiwasan ko siya saka pa kami pinaglalapit ng tadhana.

Huminto naman kami sa isang coffee shop at Kung Hindi ako nagkakamali ay ito ang pinakamahal na coffee shop dito sa lugar namin ang 'Brewers best' Pumasok na silang dalawa at naiwan ako sa labas,hindi ako nababagay sa lugar na ito Isa akung hampas lupa at kahit kailan hindi ako babagay sa mga mamahaling lugar tulad nito.

At ngayon parang magmumuka tuloy akung third wheel sakanila,bakit pa kasi ako sinama ni Medosha Kung magdadate lang naman sila ni pin pin ayoko na Kasi sa totoo lang sobrang wasak na wasak na ang puso ko gosh!Huminga muna ako ng malalim bago bukasan ang pintuan ng coffee shop at sumunod sa kanila nakaupo sila ngayon sa pinaka dulo kaya Doon ako nagtungo.

"Sha,what took you so long?" Tanung ni Medosha sakin kaya nginitian ko nalang siya.Magkatapat sila ngayon ng upuan ni Medosha at ako naman sa gilid,naalala ko tuloy nang niyaya ako ni pin pin kumain sa isang restaurant sa pinakadulo din kami umupo noon tapos sa mga oras nayon kami ang magkatapat ng upuan,erase! nevermind! May lumapit naman samin na waitress at ginamit ko iyon na pagkakataon para magtungo sa banyo ng Hindi sila nagtatanung.

Sinirado ko naman ang pinto ng banyo at napatingin sa malaking salamin,napayakap naman ako sa sarili ko nang maalala noong may nambastos sakin bumalik lahat ng takot at kaba ko na nagpalambot ng nga tuhod ko kaya napaupo ako sa sahig at Hindi inalintana ang dumi nito.Napayakap naman ako sa nga tuhod ko at doon umiyak ayoko nang mangyari ulit yun natrauma na ako kaya sana lang paglabas ko Wala nang haharang sa harap para bastusin ako,siguro mga ilang oras akung nakaupo doon dahil sa takot na lumabas baka biglang may mambastos nanaman sakin.

Mas napayakap ako sa mga tuhod ko nang naramdaman na may bumukas ng pinto,sila na ba yan?babastosin nanaman nila ako?Hindiiii ayoko!!!

Nanigas Naman ako ng may tumapik sa kamay ko,pinagtataboyan ko naman ang taong tumatapik sa kamay ko ngayon."Hey Sha it's me Medosha are you alright?" Napatingin naman ako sa paligid at kami lang ni Medosha Ang tao sa loob ng banyo napayakap naman ako kay Medosha dahil sa takot at Naramdaman ko Naman na yinakap niya din ako pabalik.

Inalalayan niya naman ako para makatayo,hinawakan naman niya ang kamay ko para hindi ako matumba kasi nanghihina  talaga ang mga tuhod ko.Sinalubong naman kami ni pin pin at nag aalala ang muka niya,at ang pag aalalang yun ay hindi para sakin kundi para Kay Medosha,she deserves this! deserve niya ang pagmamahal ni pin pin.

"I'm okay fin but I think hindi okay si Sha." Inalalayan din ako ni pin pin na makaupo sa upuan ko kanina,"What happened Kasi Sha?"nag aalalang tanung sakin ni Medosha."May nambastos nanaman ba sayo?"Nag aalang tanung din ni pin pin sakin,"Ohmygosh binastos ka Sha?who are they?they deserve to be in jail!" Madiing tugon ni Medosha.

"H-indi ako binastos,nahilo lang ako."pagsisinungaling ko sa kanila pero hindi padin mawala Wala ang alalang muka ni Medosha para sa akin,walang duda kung bakit nagustuhan at minahal siya ni pin pin she is full package na hindi ko matatapatan."Next time Kung Magbabanyo ka sabihan mo lang ako and I'm willing to go with you hindi tulad nito Basta Basta ka nalang mawawala." Tugon ni Medosha kaya napangiti ako sa kanya, she's a good friend with a pure heart.

Ilang sandali pa ay dumating na ang order nila Medosha, sila na din ang nag order para sa akin hindi ko alam ang mga tawag sa pagkain na nasa harapan namin ngayon pero siguro akung mamahalin lahat ng yun.Nagsimula naman na silang kumain habang ako nakatitig lang sa pagkain ko,"Sha hindi mo ba gagalawin ang pagkain mo?" Napatingin naman ako Kay Medosha."Wait lang ah Magbabanyo lang ako."

Naiwan naman kami ni pin pin na nagpakaba ng boung sistema ko Maya Maya pa ay naghari ang katahimikan sa pagitan naming dalawa,hindi ako sanay sa ganito."Wag ka nang matakot Sha hindi na ulit mangyayari yun,tulad nga ng sinabi ko sayo andito na ako at may proprotekta na sayo."inangat ko naman ang tingin ko sa kanya,pin pin Tama na wag mo nang sabihin yan ayoko nang umasa ayoko nang masaktan.Haggat Maaari ay Sana iwasan mo nalang ako pareho lang natin papahirapan ang isat Isa,iyan ang gusto Kung sabihin pero.

"H-uh?" Lang ang lumabas na salita mula sa bibig ko,wala akung lakas ng loob para sabihin lahat ng yun sa harapan niya,nanigas naman ako sa kinauupuan ko ng hawakan niya ang dalawang kamay ko na nakapatong sa mesa."proprotektahan Kita tulad ng Sabi ko Kay Tita."pilit kung kinukuha ang mga kamay ko sa kanya pero mas hinihigpitan niya lang ang pagkahawak dito,"Tumingin ka sa mga mata ko,Sha."kusa naman akung napatingin sa mga mata niya na siyang kahinaan ko,parang maiiyak nanaman ako dahil sa tingin na binigay niya sa akin.Ayoko pin pin!ayokong isipin na ang mga mata mo ay sa iba nakatingin!

"Magtiwala ka sa akin,Sha proprotektahan kita."Puno ng tapang ang mga mata ngayon ni pin pin habang diretsong nakatingin sa mga mata ko,sa sobrang tapang nun ay Nagpapahiwatig na handa niyang labanan ang lahat ng Laban kahit na.....mali na Ito.

"Nagtitiwala ka ba sa akin?"nag iwas na ako ng tingin Kasi pakiramdam ko mas lalo lang ako nahuhulog sa kanya."M-agtitiwala ako." Shems!bakit ba ako nauutal?dapat hindi niya mahalata na kinakabahan ako.Napabitaw naman ako sa kamay ni pin pin ng napansin kung papalapit na sa amin si Medosha, napatingin siya samin at binigyan niya kami ng isang ngiti.

Totoo ngang Hindi nagsisinungaling ang mga mata Kasi kahit gaano pa ka laki ang ngiti sa labi mo hindi parin kayang magsinungaling ng mga mata mo,at hindi ako tanga para hindi mapansin ang malungkot na mga mata ni Medosha kahit pa nakangiti siya samin ngayon.Iisa lang ang ibig sabihin nun nakita niya Kung paano hinawakan ni pin pin ang kamay ko.

Ang sama sama ko ba?Kasi lahat mabubuti ang pinapakita sakin ni Medosha tapos ako?Sinasaktan ko siya, nasasaktan ko siya dahil kay pin pin muka na ba akung kontrabida sa kanila?Hindi!ayoko ng ganito!Iiwasan ko na talaga siya!

Umupo naman ulit siya sa tapat ni pin pin at ininom ang kape na nasa tasa na siyang pagmamay ari niya,"I'm so excited na sabihin sayo ang love story namin ni fin."puno padin ng energy si Medosha at batid kung sa likod ng mga ngiti sa labi niya ay nasasaktan ang puso niya.....dahil sakin.

"You know what?super iyakin talaga ni Fin noong mga Bata palang kami."kumunot naman ang noo ni pin pin dahil sa sinabi ni Medosha,"Ikaw kaya ang iyakin sa atin."hinampas naman ni Medosha ang braso ni pin pin,"So Ito na nga,hindi na importante kung Sino ang iyakin sa atin the important is we both love each other right fin?"parang sinaksak nanaman ako ng super talim na kutsilyo ng tumango si pin pin.

"Bata palang kami In love nakami sa isa't isa at nangako sakin si fin na kapag nasa tamang edad na kaming pareho ay papakasalan niya na ako."parang sinampal naman ako dun sa sinabi ni Medosha.

Ngayon Alam kona,I get it!

Sila na talaga ang nakatakda at tinadhana para sa isa't Isa Ang kanilang Istorya ay nakasulat na at ang masakit dun at ang Hindi ko tanggap ay Kung bakit naipasok pa ako sa Istorya nilang dalawa?Anu para maging kontrabida? pwede namang maging masaya nalang silang dalawa na Wala silang nasasaktan na iba.

Bakit list #030

Ang kwento niyo ay nakasulat na,ikaw at siya ay para sa isa't Isa.Nakatakda na ang iyong tadhana,pero bakit pa tayo nagkita?

Napatingin naman si Medosha sa sing sing na sout ko ngayon,"I love your ring Sha,saan mo nabili yan?"Alam kung alam niya na kung saan galing ang sing sing ko pagkat batid ko na nakita niya Ang tagpo namin ni pin pin noong binigay niya sakin ang sing sing na Ito.

"Regalo sakin."Napangiti naman siya dahil sa sinabi ko,naaawa ako sa kanya dahil puro pekeng mga ngiti ang binibigay niya samin kahit ang totoo nasasaktan na siya.Ngunit kanino ba dapat ako maawa?Kay Medosha ba o sa sarili ko?

"It suits you."Alam kung sa pagkakataong ito ay alam na talaga ni Medosha kung kanino galing ang sing sing na Ito at batid ko na kahit nasasaktan na siya ngayon ay nagawa niya parin ako e appreciate,ibang klase siya!

Nakita lahat ni Medosha Kung paano isinout sa akin ni pin pin ang sing sing na Ito,at batid ko din kanina na nakita niya din kung paano hawakan ni pin pin ang mga kamay ko.Alam niya lahat ng Yun at nasasaktan siya pero bakit parang nagbubulagbulagan siya?

_ _

Ako ang kontrabida sa istorya niyong dalawaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon