[Trasha]
Pinapasok naman ako ni pin pin sa loob ng kotse niya at pinasok niya din sa loob ang payong na sira sira na ngayon dahil sa lakas ng ulan,Kay manong Guard pa naman toh lagot! Hindi ko padin tinatanggal ang Jacket ni pin pin na nilagay niya sakin kanina,nahihiya ako sakanya kasi sobrang bakat talaga ng bra ko."Bakit mo pa kasi ako sinundan?" Tanung ni pin pin tyaka hinubad ang damit niya tumambad tuloy ang abs niya sa harapan ko,shems tukso layuan mo ako.
Napalunok naman ako nung bumaling ang paningin ko sa abs niya,shems!nagkakasala ata ako ngayon.Agad Naman akung nag iwas ng tingin at napatingin nalang sa labas at saka pinagmasdan ang malakas na buhos ng ulan,"Tinatanung Kita Sha."Mas lumapit pa siya sakin kaya mas umusog pa ako papalayo sakanya,naramdaman ko nalang ang malamig na windshield sa likoran ko ibig sabihin Wala na akung maatrasan.Lunok!
Sobrang basa ng buhok niya na nagpapadagdag ng kagwapohan at hotness niya ngayon,teka Anu bang pinagsasasabi ko?shems! Mas lumapit pa siya sakin at halos one inch nalang ang pagitan ng mga muka namin,halos maduling naman ako Kasi nakatitig kami sa isa't Isa.Shems Yung puso ko lalabas na dahil sa sobrang bilis ng pag pintig nito, napalunok nanaman ako nang mapatingin siya sa labi ko.
Nararamdam ko naman na parang may inaayos siya sa likod ko,shems isinosout niya lang pala sakin yung seat belt gosh Sha kelan pa naging madumi ang isip mo?Hindi naman ganung klaseng lalaki si pin pin."Okay kalang Sha?namumula ang muka mo teka nilalagnat kaba?" Hinawakan naman niya Ang noo ko,Anu kaba pin pin Hindi ako nilalagnat kagagawan moto Kung bakit ako namumula."Okay lang ako pin pin."nahihiyang tugon ko sa kanya, gosh nakakahiya talaga ako."Mabuti pa at puntahan na natin sila Makoy para makapagpalit tayo ng damit." Tango nalang Ang naibigay ko kay pin pin saka niya pinaandar ang sasakyan niya.
Nasa loob ako ngayon ng banyo at kasalukuyan akung naliligo,Hindi ko padin maialis sa isipan ko ang tagpong nangyari sa amin ni pin pin kanina Simula nung sinuotan niya ako ng Jacket bakit lagi nalang jacket ang nakakakilig na scene naming dalawa?una Doon sa Van nung aksidente akung napasandal sa kanya habang natutulog ako.Pangalawa nung may nambastos sakin, sinuotan niya din ako ng Jacket para kahit papanu maging kampante na ang pakiramdam ko at pangatlo ang kanina.Pinatay ko naman Ang shower saka kinuha Ang towel at pinunasan ko Ang boung katawan ko pagkatapos nun ay nagbihis na ako.
Lumabas naman ako sa banyo at naabutan ko si Ky at Junior na magkatabing nakahiga sa king size na Kama at sa Kanan naman nakita ko si Alex na busy kakakalikot sa selpon niya habang nakaupo sa kabilang Kama,si Pin pin naman ay mukang natutulog sa tabi ni Alex.Nag check in muna kami sa isang hotel Kasi may low pressure pala kaya napagpasyahan nalang namin na bukas nalang umuwi kaya pala ang lakas ng hagin kanina,medyo magdidilim na kasi nung nakarating kami dito sa hotel.Humiga naman ako sa pinakadulo ng king size bed at katabi ko si Ky.
At nakaharap ako ngayon sa kabilang Kama kung saan nakikita ko si Pin pin na nakaharap din sakin pero nakapikit siya ngayon mukang natutulog na Kasi siya,Hindi ko naman mapigilang pagmasdan ang muka niya and gwapo niya talaga napangiti naman ako Kasi malaya kung mapagmamasdan ang muka niya ngayon, bakit ganito Kung tumibok Ang puso ko para Kay pin pin?habang nakatingin ako sa kanya ay Hindi niya namamalayang unti unti na akung nahuhulog sa kanya.
~Kapag tuluyan ng mahulog ang aking damdamin,nariyan kaba para akoy saluhin?mukang malabo,mukang sa panaginip ko lamang possible Ito.
Bakit parang sobrang pamilyar ng muka ni pin pin sakin?na para bang kilala ko na siya noon pa,Sino ba siya?bakit noong mga simula palang ng aming pagkikilala ay may nagsasabi na sa aking layuan ko siya kasi masasaktan Lang daw ako pagdating ng panahon.
~Bakit ganito?sa lahat ng Tao ikaw pa ang napiling isigaw ng puso,Sino ba naman ako para piliin mo?
BINABASA MO ANG
Ako ang kontrabida sa istorya niyong dalawa
Romance[Completed but unedited] Ang kwento niyo ay nakasulat na,ikaw at siya ay para sa isa't Isa.Nakatakda na ang iyong tadhana,pero bakit pa tayo nagkita? Isang Binata at Dalaga na nangako sa isa't Isa mula pagkabata ay sila na Ang nakatakda.May isang Da...