[The pain]
Pinagmamasdan ko nanaman ang ulan sa may bintana ko,siguro malungkot nanaman ang langit ngayon.Nakakatuwa pala na may nakikisabay sa lungkot na nararamdaman ko ngayon,malapit na pala ang pasukan tunay nga na Hindi mo mapapansin Ang paglipas ng panahon.
Sa wakas babalik na muli sa normal ang buhay ko,Wala nang pin pin Wala nang Medosha,Wala nang sakit!
Nakita ko Naman si papa na lumulusong sa ulan ngayon kakababa palang Kasi niya sa truck na siyang emenamaneho niya,agad agad naman akung bumaba at kumuha ng payong para sunduin si papa.Lumusong din ako sa ulan dala dala ang payong.
Pinuntahan ko naman si Papa at Sabay kaming sumilong sa payong na dala ko saka naglakad ng mabilis patungo sa bahay dahil sobrang nababasa na kami sa lakas ng buhos ng ulan,"Anak an ak yawe nahulog."(Anak yung susi ko nahulog.) Lumingon naman si Papa sa likoran namin."Pa unina Nala it he ako Nala it makuha gihuhulusi kanam."(Pa mamaya nayan ako nalang ang kukuha nun basang basa kana.)
Agad naman kaming sinalubong ni mama sa may pintuan at binigyan siya ni mama ng towel,lumusong ulit ako sa ulan para balikan ang Susi ni papa na nahulog sa kalsada.Agad ko Naman yun nakita kaya naglakad na ako papunta doon, napatigil naman ako sa paglalakad ng biglang umihip ang malakas na hangin dahilan para ilipad palayo ang payong ko.
Kaya ang resulta basang basa na ako pero Wala na akung paki ang importante ay makuha Kona ang Susi ni papa para makauwi na ako,lumuhod naman ako sa kalsada para maabot ko ang susi nakuha ko naman ito kaya tumayo na akung muli.Bigla ko naman napansin na parang Wala nang patak ng ulan na dumadampi sa balat ko,unti unti kung inangat ang tingin ko mula sa pagkakayuko at nakita ko si pin pin na nakahawak ng payong.
At seryosong nakatingin sakin,"Bakit nagpapaulan ka?"Seryoso nitong tugon,tinulak ko naman siya ng mahina at aalis na Sana pero hinawakan niya ang braso ko."Ihahatid na Kita."Seryoso nitong tugon,kasing lamig ng muka niya ngayon ang lamig na hatid ng panahon sa mga oras na ito."Hindi na, salamat nalang."akala ko ay bibitawan niya na ako pero Hindi pa pala.
"Marunong akung mag isip at mag alala sa Kung anung mararamdam ng iba hindi tulad ng iba diyan,kaya sumilong kana at baka magkasakit kapa."Kahit hindi niya sabihin kung Sino ang tinutukoy niya ay halata namang ako yun,"Marunong din ako mag alala at mag isip."Inis na tugon ko habang tinitignan Ito Ng matalim.
"Oh talaga?Hindi halata."seryoso naman itong natawa,"Alam mo pin pin?Wala akung oras para makipagsagutan sayo kaya Pwede ba bitawan muna ako?"nakita ko naman ang pag angat ng pang ibabaw niyang labi."Hindi ko alam."Pilosopo nitong tugon,naiinis na ako!
"Anu bang problema mo?ha?"Sa pagkakataong ito hindi Kona napigilan pa ang sarili ko na pagtaasan siya ng boses."Ikaw Ang problema ko."Pabalik na sigaw nito sakin,"Hindi ba sinabi ko sayo na itigil mo na Ito?layuan Mona ako."tinanggal naman nito Ang kamay niyang nakahawak sa braso ko kanina,"Ayoko."Napasabunot nalang ako sa ulo ko dahil sa inis.
"Anu ba?! umalis kana nga."Pinagtataboy ko naman siya paalis at pinipigilan kolang ang mga luha ko tuwing makikita ko ang mga mata niya na nasasaktan dahil sa ginagawa ko, nasasaktan din naman ako e,sobra."Alin ba dun ang Hindi mo maintindihan?"nanatili Lang itong tahimik habang nakayuko.
"Marami akung Hindi maintindihan,Sha."Inangat nito ang tingin sakin saka niya itinapon ang payong na dala niya sa Kung saan."Anu bang ginagawa mo bakit mo tinapon Yun?kunin mo ulit nababasa kana din oh."Napangiti naman ito ng mapait,"Hindi ko maintindihan Kung bakit pilit mong itinatanggi sa sarili mo na Hindi mo ako mahal kahit kitang Kita naman Kung paanu ka mag alala sakin."kahit malakas ang buhos ng ulan pansin na pansin ko parin ang luhang dumadaloy sa pisnge ni pin pin.
"Oo Mahal kita!"
"Mahal na Mahal Kita!"
"Anu masaya kana?!"
BINABASA MO ANG
Ako ang kontrabida sa istorya niyong dalawa
Romance[Completed but unedited] Ang kwento niyo ay nakasulat na,ikaw at siya ay para sa isa't Isa.Nakatakda na ang iyong tadhana,pero bakit pa tayo nagkita? Isang Binata at Dalaga na nangako sa isa't Isa mula pagkabata ay sila na Ang nakatakda.May isang Da...