[Panaginip]
"Pakiusap,umalis kana."isang lalaki ang humarang sa harapan ko,puno ng lungkot Ang mga mata niya."Bakit ako aalis?"Hindi ko Alam pero may mga likidong damadaloy sa mga mata ko,hinawakan ng lalaking nasa harap ko Ang magkabilang pisnge ko."Sha..alam Kung mahal mo siya pero Sana piliin mo Ang tama."parang nawasak ang puso ko dahil sa sinabi niya,Ang tanging Alam kolang ay ayaw Kung umalis."ayoko!"nagsimula na akung himikbi at napaupo sa lupa sa sobrang panghihina ng mga tuhod ko."Alam mong nung una palang dapat umiwas kana,sinabihan na Kita Hindi ba?"napaupo narin Ang lalaking nasa harapan ko at pilit na iniaalis Ang mga luha sa mga mata ko.Dahil sa kanyang pag upo tumambad sa akin Ang dalawang taong nagyayakapan at puno ng saya,Kaya pala pilit akung pinapaalis ng lalaking nasa harapan ko,ngayon Alam Kona."Aalis na ako."kusang tumayo Ang mga paa ko at nagsimulang lisanin ang lugar na yun, kusa ding huminto Ang mga luha ko. Hindi paman din ako nakakahakbang ng sampo ay may tumawag sa pangalan ko.
"TRISHA!"pakiusap hayaan Mona akung umalis,Hindi ko man gusto pero kusa ding huminto Ang mga paa ko at lumingon sakanya."Wag Kang umalis"tumakbo siya papalapit sakin at yinakap ako ng sobrang higpit,tanging hikbi ko nalang Ang mariring sa paligid.Napamulat ako ng mata ko dahil may yumugyog sa kin,kainis panaginip Lang pala yun pero bakit parang totoo ugh!nababaliw na talaga ako.Hindi na ako nasanay lagi namang ganun Ang mga panaginip ko lahat sila weird."Ate inaanu ka pag inuraw?okay kala?"(ate bakit humihikbi ka diyan?okay kalang?)napabangon Naman ako mula sa higaan ko at napatulala saglit."ate?halow?nabati ka?"(ate?halow?naririnig mo ako?)napatingin Naman ako sa kapatid Kung beklesh,bihis na bihis nanaman siya ngayon at abalang naglalagay ng liptint sa labi niya."Tikain ka?"(Saan ka nanaman pupunta?)napairap Naman siya at tinaasan ako ng kilay,aba! "Talaga ba ate?nahingalimtan na nim?manmamarigo Kita yana,diba sinuga nama at hira mama kagab e?"(talaga ba ate?nakalimutan mo na?maliligo Tayo sa dagat ngayon, diba sinabi na yun ni mama kagabi?)
Ngayon lang nagflash sa isip ko ang sinabi ni mama kagabi,nakaugalian na kasi namin na bago magpiesta at pagkatapos ng piesta ay dapat magbakasyon sa dagat o falls,grabe!nakalimutan ko agad tumatanda na talaga ako."Hain na hira mama?"(asaan na sila mama?)kumuha Naman siya ng towel sa cabinet ko."Nag una na hira"(andun nauna na)Kita ko naman ang lungkot sa mga mata niya at Alam ko Kung bakit ganun Ang reaksiyon niya,Kaya siya hindi sumama kina mama kasi alam niyang Wala siyang makakausap sa kanila at parang mafefeel niya na parang Hindi siya belong."dire naak mapakeana kun Kay Anu wara ka dungan ha ira."(Hindi na ako magtatanung pa Kung bakit Hindi ka sumabay sa kanila)lumapit naman siya sakin at yinakap ako,Ang drama talaga ng junior na to."Ate kun wara ka diak maaram kun makain ak."(Ate kung Wala ka diko alam Kung saan ako pupunta.)
Yinakap ko naman siya pabalik at Sabay kaming nagtawanan dahil sa kadramahan naming dalawa."dungan Nala kuno Kita kanda ate Kylie."(Sumabay nalang daw Tayo kina ate Kylie.)tumango nalang ako,nagpaalam Naman siya sakin na doon niya ako hihintayin kina Kylie.Nag ayos na ako ng sarili ko bago bumaba at magtungo kina Kylie ,naabutan ko namang nagtatalo si Ky at si Jun Jun panay awat naman si Tita teodo ra Ang nanay nila,At Ang kapatid ko namang beklesh ayun nakisali sa pagtatalo nila.Ilang oras Ang byinahe namin bago namin marating ang 'Tanyag falls' ito kasi Ang sikat na paliguan sa lugar namin at tulad nga ng inaasahan ko madaming tao dun,marami ding nagkalat na mga life Guard sa tabi tabi para masiguro Ang safety.Kumaway naman si Tita Teodora kina Mama at kumaway din si mama pabalik,nauna nang maglakad samin si Tita at si Jun Jun habang kami nila Kylie ay nasa likod pa."Trish kayano wara ka upod han usa kagab e han imo bugto?"(Trish bakit hindi ka sumama nung isang gabi sa kapatid mo?)
"Diin?"(saan?)magsasalita na Sana si Kylie kaso bigla may dumating na dalawang lalaki sa harapan namin."Hi Ky!"napatingin naman ako dun sa lalaking nagsalita,nanlaki Naman Ang mata ko nang mapagtantong siya Yung lalaking aksidente kung nabangga at dahil dun nataponan siya ng juice na hawak niya.Napayuko nalang ako ng maalala yun."Hi Ky!asan sila Tita?"napatingin Naman ako dun sa lalaking nagsalita katabi niya yung lalaking unang nagsalita.Nagsimula nanamang bumilis Ang tibok ng puso ko at bigla itong sumakit,Anu bang meron sa lalaking to?Hindi ko naman siya kaanu Anu pero bakit ganito Ang epekto niya sakin?agad namang sumilay Ang ngiti sa labi ng aking beklesh na kapatid,mukang lalandi nanaman siya."Ate Ky hin o it hira?" (Ky Sino sila?) Ngumiti naman si Ky at ipinakilala yung mga lalaki sa harap namin,gusto ko sanang takpan Ang tenga ko kasi feeling ko pag marinig ko Ang pangalan niya ay masasaktan ako ng sobra.Pero pag Ginawa ko naman yun baka Anu pang isipin nila."Ito si Alexander"itinuro Naman niya yung lalaking nabangga ko, ngumiti naman si Alexander samin at laking gulat ko nang bumaling sakin Ang tingin niya napangise naman siya sakin at umiwas na ng tingin."Ito Naman si Thorffin" Napahawak ako sa puso ko kasi sumakit Ito bigla at nagbabadyang tumulo ang mga luha ko,bakit ganito?
"Ikinagagalak Kung makilala kayo."Ang inosente niyang tignan Ang Hindi ko Lang maintindihan ay Kung bakit ganito Ang nararamdam ko tuwing nakikita ko siya? "Sino Naman sila?" Napatingin si Alexander sakin at sumilay ang ngise sa muka niya na para bang gustong gusto niyang malaman Ang pangalan ko, napatingin Naman si Ky samin."Ito si Junior."tinuro niya pa si Junior sa kanila."Hi!I'm single and ready to mingle."landi landi talaga nang kapatid ko,nagtawanan naman sila dahil sa inasta ni Junior."Ito Naman Ang best friend ko si Trisha." Masayang tugon ni Ky,napatunganga Naman ako kasi hindi ko Alam ang gagawin ko."Trisha..what a nice name"Sabi pa ni Alexander,napatingin naman sakin si Thorffin na nagpatayo ng mga balahibo ko kasabay ng pagsikip ng dib dib ko."Hi Trisha masaya akung makilala ka."napatulala ako sakanya,may isang parte sa akin na nasasabik ako sa kanya at gusto ko siyang yakapin."Ate matutunaw yan bahala ka." Naibalik Naman ako sa katinuan dahil sa kapatid ko,nakatulala pala ako ng ganun katagal sa kanya nakakahiya ako! Napa 'Tss' naman si Alexander,anung problema niya? "Bago ko makalimutan sabihin sa inyo Trish,mga pinsan ko pala sila." Nawindang naman ako dahil sa sinabi niya,ANU? Pinsan sila ni Ky? May nararamdam akung kakaiba at sa tingin ko pag Hindi ko siya iniwasan Alam Kung sa huli iiyak ako.
Ngayon ko palang nalaman na Kaya pala nauna nang pumunta Sina Mama dito sa falls ay dahil nandito pala Ang mga kamag anak nila Tita Teodora at sina Mama Ang nagentertain sakanila kasi abala sa pagluluto kanina Sina Tita Teodora.At ngayon muka akung Ewan kasi sobrang naiilang ako ngayon,panu ba naman?sa isang cottage kami nagsasalo salo ngayon,Ang pamilya namin,pamilya nila Ky mga kamag anak nila,at isabay mopa ang kakaibang pakiramdam na ibinibigay sakin ni Thorffin."Anak okay kala?may nim sakit?"(anak okay kalang?may sakit kaba?)hinawakan naman ni Mama ang ulo ko Kung mainit ba Ito,natatawa ako sa kinikilos ni Mama bakit Naman niya naisipan na may sakit ako? "Ma okay laak, keanu nim nahunahunaan nga mayda ko sakit?"(Ma okay Lang ako,bkit mo naisipan na may sakit ako?) nawindang naman ako dahil nasa Amin na pala ni Mama Ang attention ng lahat."E kasi anak Ang tahimik mo."naintindihan ko Naman Kung bakit nagtagalog si Mama kasi Kung titignan mo Ang itsura ngayon nila Alexander muka silang natatae na ewan kasi Hindi nila maintindihan ang pinag uusapan namin ni Mama.
_ _
A/N; so wazzup everyone,tignan mo umabot ka hanggang dito HAHA so salamatttttt talagaaa sa pagbabasa,at sa mga silent reader diyan hello sa inyo feel free to comment.God Bless everyone!
BINABASA MO ANG
Ako ang kontrabida sa istorya niyong dalawa
Romance[Completed but unedited] Ang kwento niyo ay nakasulat na,ikaw at siya ay para sa isa't Isa.Nakatakda na ang iyong tadhana,pero bakit pa tayo nagkita? Isang Binata at Dalaga na nangako sa isa't Isa mula pagkabata ay sila na Ang nakatakda.May isang Da...