[pasimulang yakap]
~What if I never knew,what if I never found you?I never have this feeling in my heart.How does this come to be,I don't know how you found me but from the moment I saw you deep inside my heart I knew.~
"Baby you're my destinyyyy!!!!"napatakip naman sa tenga niya si Junior dahil dun sa sigaw ko,sinasabayan ko Kasi ngayon ang churo ng kanta sa earphones na nakasalpak sa tenga ko."Kauupay hit adlaw,papauranon nim."(Ang ganda ng sikat ng araw,papaulanin mo.) Tinarayan ko naman siya,ang ganda kaya nang Boses ko.Bigla ko namang naalala na pupunta pala sina pin pin dito sa bahay kaya agad akung napahiga sa Kama at pinilit ang sarili Kung matulog,kinakabahan Kasi ako tuwing iniisip ko palang na makikita ko nanaman siya arghhh!Anu bang nangyayari sa akin? Nagpagulong gulong ako sa Kama ko dahil hindi ako makatulog kaya nahulog ako sa Kama at tumama ang ilong ko sa sahig,bwesit! Tawang tawa naman si Junior habang tinutulungan akung tumayo."Keanu ka kasi nagpinakaliding?"(Bakit ka Kasi nagpagulong gulong?) Tinarayan ko lang ulit siya,naiinis ako sa kanya kasi patuloy niya parin akung inaasar Kay pin pin."Patay dida han irong naigo mapapango kana dire kana maruruyagan ni kuya Thorffin."(Lagot yung tumama sa sahig ay ilong mo,hindi na tuloy tatangos yan Hindi kana magugustuhan ni Kuya Thorffin.) Wala ba siyang balak na tigilan ako?
"Pastilan uy,ukoy da."(Hays,Tumigil kana nga.)Binato ko naman siya ng unan kaso nailagan lang niya,"Anu tim kaniring Ate dire ko nasasabot it pasimple nim nga pagkulaw kan kuya Thorffin."(Anung akala mo ate na Hindi ko nahahalata yung pasimple mong pag titig kay kuya Thorffin.) Tekaa Anu?!napapansin niya Yun?kaya pala panay asar siya sakin tuwing nasa paligid namin si pin pin."Anu dama it imo kaniring dire ko napapansin nga karuyag nim he Alex?"(Anu din ang akala mo na Hindi ko din napapansin na crush mo si Alex?) Binato niya naman ako ng unan,dahil nga Hindi ako kasing galing niya umilag kaya ayun natamaan ako.Kaya Ang resulta nag taekwondo nananaman kami ng kapatid ko, Ilang sandali pa ay biglang may kumatok sa pintuan Ng kwarto ko.
Kaya agad kaming napahinto ni Junior pareho din kaming kinabahan na baka si Mama nanaman Yung kumatok at mahuli nanaman kami na nag aaway kaya nagunahan kaming humiga sa Kama at nagpanggap na natutulog na,Ilang minuto na ang dumaan at may narinig kaming sumigaw mula sa labas ng pinto."Anu dire niyo kami aabrihan?!"(Anu Hindi niyo kami pagbubuksan?!) Mas domoble naman Ang kaba ko Kasi andito na sila Ky at Sigurado akung kasama nila ngayon si pin pin gosh! Agad namang tumayo si Junior at pinagbuksan sila ng pinto,tumayo nadin ako at sumunod Kay Junior.Naeexcite ako na kinakabahan Kasi makikita ko nanaman si pin pin, gosh Trisha anung pinagsasasabi mo?
Kaso nadisappoint ako kasi Hindi pala nila kasama si pin pin,nawalan tuloy ako ng gana.Este nawalan tuloy ako ng ganang matulog Kasi nga andito na sila Ky at Sigurado akung mag iingay nanaman sila,yun talaga ang ibig kung sabihin.Nakangiti naman ngayon si Junior na abot tenga Kasi nandito na ang crushy niyang si Alex,buti pa siya nakita Ang taong nagpapasaya sa kanya.Este mabuti pa siya kasi masaya,ako kasi Hindi masaya Kasi diba syempre kakalabas ko palang sa hospital kaya masama pa Ang pakiramdam ko."Hindi siya sumama kasi may lakad sila ni Mama." Tugon ni Alex,kanina pa pala sila nagkwekwentohan siguro natulala nanaman ako ng matagal kaya hindi ko napansin at narinig na nagkwekwentohan na pala sila."Sayang naman Hindi siya nakasama,may nalulungkot tuloy ngayon kasi Hindi niya nakita si Thorffin." Napalingon Naman sakin si Junior pagkatapos niyang sabihin yun, bwesit Kang bakla ka!
"Sino naman ang nalulungkot?"tanung ni Alex at napalingon din sakin,kinabahan naman ako dahil dun kasi baka isipin ni Alex na may gusto ako Kay pin pin tong Junior kasi nilalaglag ako tinignan ko Naman si Junior ng masama."nalulungkot ako kasi Wala si Thorffin dito hindi Tayo kumpleto." Tugon ni Junior at binigyan ako ng 'Thank me later' look, tss talaga Lang hah!"Ganun ba?mukang importante Kasi Ang pupuntahan nila ni Mama kaya Wala siya ngayon,nga pala Sha kumusta na Ang pakiramdam mo?" Napatingin Naman si Alex sakin."Okay na ako Alex salamat sa concern."ngumiti naman ako sa kanya,"Salamat din." Halos pabulong niyang sabi pero narinig ko yun dahil magkatabi Lang kami ngayon bakit lagi siyang nagpapasalamat sakin?
BINABASA MO ANG
Ako ang kontrabida sa istorya niyong dalawa
Roman d'amour[Completed but unedited] Ang kwento niyo ay nakasulat na,ikaw at siya ay para sa isa't Isa.Nakatakda na ang iyong tadhana,pero bakit pa tayo nagkita? Isang Binata at Dalaga na nangako sa isa't Isa mula pagkabata ay sila na Ang nakatakda.May isang Da...