Ikalabing apat na pahina

19 2 0
                                    

[Tacloban City]





KINABUKASAN, bihis na bihis na ako nagyon at magpapaalam nalang kay Mama na sasama ako kina Alex papuntang National bookstore bigla ko namang naalala na Wala pala kaming National bookstore Kasi nga probinsiya lang kami,Hindi kaya nagsinungaling lang si Alex sakin?pero bakit niya naman gagawin yun?Maya Maya pa ay naabutan ko si Mama na nakikipagusap Kay Ate Vane,at nung makita nila ako ay kaagad nagpaalam si Ate Vane na aalis na siya. Siguro Ayaw nilang marinig ko ang pinag uusapan nila?

"Ma,makadto naak tak trabaho."(Ma punta na po ako sa trabaho ko.) Kumaway pa siya Kay Mama bago umalis,"Pag hinay anak."(Mag iingat ka anak.) Sigaw ni Mama Kay ate Vane, ibinalik naman ni Mama ang tingin niya sakin."Oh Sha nakabado ka hin tuhay,tikain ka nanaman?"(Oh Sha bihis na bihis ka,saan ka nanaman pupunta?) Hayss Sana talaga payagan ako ni Mama huminga muna ako ng malalim bago Sana magsalita kaso naunahan na ako ni Ky,nasa may pintuan na pala namin siya at bihis na bihis din."Maupay nga aga Tita,Malakat po kami ni Trish."(Magandang Umaga po Tita,may lakad po kami ni Trish.) Nakangiting tugon ni Ky,"Maupay daman nga aga iha,makain kamu?"(Magandang umaga din Iha,saan naman Kayo pupunta?)

Seryosong tugon ni Mama HUHU mukang hindi niya ako papayagan wag naman Sana."Makadto po kami ha tacloban hit ira national bookstore."(Pupunta po kami sa Tacloban sa National bookstore po nila.) Gulat naman akung napalingon Kay Ky,akala ko Kasi nagsinungaling lang si Alex kahapon Kasi Wala naman kaming bookstore yun pala ay sa Tacloban City kami pupunta."Dire pwede!"(Hindi pwede.) Halos malaglag naman ang panga ko dahil sa tugon ni Mama HUHU,Alam niyo yung feeling na bihis na bihis kana tapos di ka pala papayagan.

"Ma bisan upod ak?"(Ma kahit kasama ako?) Nasa likoran na pala namin si Junior at halatang kakagising niya palang,"Dire!"(Hindi!) Madiin na tugon ni Mama."Tita bisan upod kami ni Junior?"(Tita kahit kasama kami ni Junior?) Halatang Naguguluhan si Ky sa inaasta ni Mama sa Hindi nito pagpayag sa akin,e dati naman lagi akung pinapayagan ni Mama Lalo na Kung kasama ko sina Ky at Junior.Hindi kopa Kasi nakwento sa kanya na nabastos ako kahapon Lang kaya mahigpit na si Mama sakin ngayon.

"Kahit kasama po nila ako?"nakita ko naman si Alex na papapasok sa pintuan namin,"Dire!"(Hindi!) Mukang Wala na talaga kaming magagawa Kasi halatang Hindi talaga ako papayagan ni Mama,nauubusan na ako ng pag asa pero bago pa Ito tuluyang maubos ay may narinig akung Boses na nagpabuhay ng boung sistema ko."Tita kasama po ako ni Sha,I can handle her." Napangiti naman ako ng malawak nang sumulpot si pin pin sa may pintuan namin."Ohsige Iho papayagan ko si Sha kasama ka Naman pala." Tugon ni Mama,takang taka naman Ang muka ni Alex at Ky Kung bakit ganun Ang inasta ni Mama.



Apat na oras Ang byinahe namin bago namin marating ang Tacloban City,kotse ni pin pin Ang ginamit namin ngayon.Panay libot Naman ako ng paningin at halos lumuwa na ang eyeballs ko dahil sa ganda ng boung paligid at mas lalo pa akung namangha at nagtatalon sa saya nang mahagip ng mga mata ko ang nakasulat na 'National Bookstore' Wahhhhh!!!!hinatak ko naman ang kamay ni Ky papunta sa national bookstore at Naramdaman ko namang nakasunod sa amin Sina Alex na sobrang busy dahil sa kwentuhan nila ni Junior,mukang dumadamoves nanaman Ang kapatid ko.Si pin pin naman ngayon Ang walang kasama Kasi hinatak ko si Ky na siyang kausap niya kanina Kasi sobrang naexcite ako nung Makita ko Ang 'National bookstore'.

Nagulat naman ako dahil sobrang dami ng tao sa loob ng bookstore abot Ito hanggang labas ng bookstore,napatingin naman ako Kay Ky Kung may idea ba siya kung bakit madami ang tao ngayon sa loob Ng bookstore kaso isang napakalaking ngiti lang ang ibinigay niya sakin.Nagpalingon lingon Naman ako sa paligid para Sana makakalap ng impormasyon kung bakit andaming tao at aksidente namang nahagilap ng mga mata ko ang Tarpulin na nakapaskil sa gilid ng bookstore.'Book signing with Binibining Mia the Author of the best selling book entitled I love you since 1892' kinusot ko pa Ang mga mata ko baka Kasi namamalik mata lang ako kaso totoo talaga Wahhhhh! Sobrang saya ko ngayon Hindi ko akalaing makakarating ako sa book signing sa Isa sa pinakapaborito Kung tagasulat.

Ako ang kontrabida sa istorya niyong dalawaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon