Ikadalawampu't Pitong Pahina

16 1 0
                                    

A/N;

Guys basahin niyo po ito ng mabuti dahil andito po sa chapter na Ito Ang lahat ng kasagutan sa mga tanung ni Trisha noon.luv lots!

_ _

[Katotohanan]



"Masaya ako para kay tope."Tugon ni Alex kay Trisha habang nasa gilid sila at magkatabing nakaupo nakatingin naman sila ngayon sa bride at groom na nasa harap na ngayon ng altar,"Masaya din ako."Tugon ni Trisha ngunit tinawanan lang siya ni Alex,"Masaya kapa sa lagay na yan?"tawang tawa na tanung nito Kay trisha,umiiyak Kasi ngayon si Trisha Kung kayat hindi mo talaga makikita na masaya siya ngayon.

Napairap nalamang si Trisha at sinubukang pigilan ang mga luha niya subalit kahit anung pilit niya hindi niya parin Ito kayang pigilan."Okay kalang Sha?"inalalayan naman siya ni Alex ng muntikan na itong matumba."Okay lang ako Alex,mag c-cr lang ako."kahit nahihilo na talaga si Trisha ay ngumiti parin Ito para Hindi na mag alala pa si Alex sa kanya."Samahan na Kita sa ayaw at gusto mo."Kaya Wala nang nagawa si Trisha kundi pasamahin si Alex sa labas ng banyo.

Pumasok naman si trisha sa loob ng banyo at napakapit nalamang sa may lababo,pinakalma nito ang kanyang sarili dahil kung Hindi tiyak na mawawalan nanaman siya ng malay,ayaw niya kasing masira ang kasal ni Thorffin at Medosha ngayon kaya kinakalma niya ang sarili niya.

Alam na din niya Kung bakit madalas siyang mahilo at mawalan ng Malay ay dahil may amnesia siya nalaman niya Ito noong nabangga siya ng kotse noon,isang himala nga na nabuhay pa siya at nung nasa hospital pa siya aksidente niyang narinig ang usapan ng mama at nung Doctor na dahil sa malakas na pagkakabangga sa kanya ng kotse ay Maaari daw na bumalik Ang mga alala nito.Subalit hanggang ngayon Hindi padin bumabalik Ang mga alalang iyon,Kung meron man siyang nakikitang mga bagay na nakakapagpaalala sa kanya dati ay yun Ang nagiging dahilan Kung bakit siya nahihilo at nawawalan ng Malay.

Napatingin siya sa salamin at milyon milyong mga alala ala ang pumasok sa isipan niya,Mga Bata palang magkaibigan at magkakilala na si trisha at pin pin,nangako si pin pin kay Sha na paglaki nila papakasalan niya ito pero may trahedyang nangyari kay Trisha at Trasha,habang tumatatawid si Trisha ay Hindi niya Alam na may papatawid na sasakyan ngunit imbes na siya Ang mabangga ay iniligtas siya ni Trasha itinulak niya si trisha papalayo para Hindi Ito mabangga kaso sa kasamaang palad ay sa bato tumama si Trisha,kasabay nang pagkakabangga ni Trasha ay siya ding pagbagsak ni Trisha sa bato at nauntog Ang ulo nito kaya pareho silang nawalan ng Malay at nagka amnesia.

Simula noon ay Hindi na muling nakita at naalala ni Trisha na may kambal siya,Hindi na din tinanung pa ng mga magulang nila Ito Kay Trisha Kung nasaan ang kambal nito Kasi Hindi Ito makakabuti sa kanya Kung pilit pa nila itong ipapaalala at itatanung.Subalit lingid sa kaalaman ni Trisha ay patagong hinahanap Ng mga magulang nila si Trasha,Hindi din nila Alam na parehong naaksidente Ang kambal pagkat si Trisha Lang Ang naabutan nila sa Hospital.Magmula din nung araw na yun ay Hindi na muling maalala ni Trisha si pin pin,pilit mang ipaalala sa kanya ni pin pin kung sino siya sa buhay ni Trisha ay hindi padin siya nito maalala,at Hindi din makakabuti Kay Trisha Kung pilit na ipaalala sa kanya ang lahat.

Kung kayat labag man sa kalooban ni pin pin ay lumisan nalang siya kasama Ang mga magulang niya papuntang Manila Kung saan siya nakatira,doon habang palaki siya Ng palaki ay nawawala na sa isip niya si Trisha.Nakilala niya naman si Medosha doon,isang batang sobrang bibo at hilig makilaro kaugali niya si Trisha kaya madali silang naging malapit sa isa't Isa at tuluyan na ngang nakalimutan si Trisha,Ang pangakong binitawan niya kay Trisha noon ay ibinigay niya Ito Kay Medosha na paglaki nila magpapakasal sila sa isa't isa Sabay silang lumaki at labis na napamahal sa isa't Isa kaya napagkasunduan na nilang pareho na magpapakasal  pagkatapos nilang gromaduate.

Ako ang kontrabida sa istorya niyong dalawaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon