[Nasasaktan,Sha!]
KINABUKASAN,hindi ko alam Kung bakit maaga akung nagising napatingin naman ako sa orasan ko at 3:00 am palang ng madaling araw,naalala ko naman bigla ang journal na bigay sa akin ni Alex na may sulat pala dun kaya kinuha ko Ito saka binuksan, tumambad naman sa harapan ko ang isang sulat ang ganda ng penmanship ni Alex nakakainggit tuloy.
Dear Trisha,
Happy birthday sayo!
Dati hindi ko hilig ang sumulat tulad nito pero dahil kay Ericka naempluwensiyahan niya ako.Nagpapasalamat ako na nakilala kita at naging kaibigan hinayaan mo akung makita muli ang muka ni Ericka kahit pa kamuka molang siya.Maligayang kaarawan sayo!
Nagmamahal,
AlexNapangiti naman ako dahil sa sulat ni Alex naalala ko tuloy noong una kaming nagkita na sinungitan niya ako tapos sinungitan ko din siya hindi ko tuloy maiwasang isipin kung bakit nagkasundo kaming dalawa ngayon,bigla naman sumagi sa isip ko ang isang ideya na nagpakirot sa puso ko.Marahil nagkasundo kami ngayon ni Alex dahil kamuka ko si Ericka, napangiti nalang ako ng mapait.Okay lang yun kung nakikita niya sa akin si Ericka handa akung panindigan yun para sa ikakasaya niya,kahit papanu naman ay naging parte na si Alex sa buhay ko at lahat ng nagiging parte ng buhay ko ay mahalaga sakin.
Napatingin naman ako dun sa black box na bigay ni Ate Vane kagabi binuksan ko naman yun at napangiti ako ng makita ang isang selpon sa loob at Kitty ang phone case nito, siguro ay naaawa si Ate Vane samin ni Junior dahil magkashare lang kami ni Junior ng selpon.May sticky notes naman na nakalagay sa loob ng box.
"Huy chaka,asya in tak regalo haim ihatag Nala kan Junior it nga imo selpon."(Huy weirdo,Ito na yung regalo ko sayo ibigay mo nalang kan Junior yung dating selpon mo.)
Kahit pala gaanu kasungit si Ate ay may mabuting kalooban parin siya Lalo na sa mga kapatid niya,Itinago ko naman lahat ng kinuha ko sa cabinet ko at napagpasyahan na lumabas na muna para maglakadlakad mabuti na toh para makapag exercise namanlang ako kahit once in a year.Sinalubong naman ako ng malamig na hangin kaya umakyat nalang ulit ako sa kwarto para kumuha ng jacket,bumaba naman ako saka sinalobong ang hangin.
Nagtungo ako sa likod ng bahay namin at nagtungo sa ilalim ng isang puno may ginawa Kasi doon si Papa na maliit na bench na gawa sa kahoy, nakatambad naman sa harapan ko ang naglalakihang mga bundok at hinihintay ko ngayon ang pagsikat ng araw.Uhiihip naman ang sariwa at malamig na hangin na siyang nagiging dahilan ng pagkahulog ng tuyong dahon sa lupa,pinagmamasdan ko Ito hanggang sa mahulog Ito at saluhin ng lupa.Mabuti pa ang tuyong dahon kahit paulit ulit mahulog patuloy padin siyang sasalohin ng lupa,Dapat ay mga kuliglig at tilaok lang ng manok ang maririnig mo sa paligid pero may naririnig akung nagtatawanan,teka Hindi kaya multo ang mga yun?!
Parang may naguudyok sakin na puntahan ko kung saan nanggagaling ang mga halakhak, dinala naman ako ng mga paa ko sa isang gilid kung saan may nakatayong maliit na bench sa tabi ng kalsada.May dalawang Tao Doon at hindi ko pa man din nakikita ang nga itsura nila ay kilalang kilala ko na kung Sino sila, kumirot naman ang puso ko dahil sa tagpong naabutan ko.Tumago nalang ako sa isang puno na malapit sakanila na sapat lang para marinig ko ang usapan nila.
"Babe namiss kita mabuti nalang at nagkasakit ako kaya lumuwas ka papuntang Manila para bisitahin ako." Nakasandal si Medosha ngayon Kay pin pin,"Wag mong sabihin yan,you know that I love you that much kaya kahit malayo ka pupuntahan parin Kita." Parang nadurog Naman dun ang puso ko dahil sa sinabi ni pin pin."You're so sweet talaga kaya nga I love you too e." Kahit nakatalikod silang dalawa hindi nila maitatago sakin ang mga ngiti sa mga muka nila.
"I feel so sad nga e para kay Xander,sayang at binawian agad ng buhay si Ericka---And you know what fin?Kahapon I was shocked nung Makita ko si Trisha she look like Ericka akala ko nga si Ericka siya." Sino ba talaga si Ericka?Anu ba Ang koneksiyon ko sakanya? "We have the same thought Sha." Dati ako lang Ang tinatawag ni pin pin na Sha tapos ngayon ugh! nevermind! "Bakit ka pala pumunta dito Babe?" Dugtong pa ni pin pin sa sinabi niya kanina."Tinatanung pa ba yan fin?it's obvious na I missed you." Kinurot naman ni pin pin ang pisnge ni Medosha,"I missed you too."
Hindi ko na kaya pa ang mga nakikita at naririnig ko kaya kelangan ko nang makaalis dito,bago pa man ako makahakbang ng dalawang besis ay natapakan ko ang tuyong mga dahon dahilan para lumikha Ito ng ingay napakagat nalang ako sa labi ko."May Tao ba diyan?" Rinig Kung tanung ni pin pin akmang tatakbo na Sana ako ng bigla akung matapilok dahilan para masugatan ang tuhod ko bago paman ako Makita nila Pin pin ay may Tao nang humarang sa harapan ko para Hindi nila agad ako Makita.
Sinubukan kung tumayo pero Hindi ko talaga kaya,"Don't move!"seryosong tugon nito at binuhat ako,"Xander ikaw pala,what are you doing here ba?"lumingon naman si Alex sakanila kaya nakita nila ako na buhat buhat ni Alex."Trisha? you're here also what happened to you?" Nag aalang tugon ni Medosha nang makita niya ang dumudugong sugat sa tuhod ko at lumapit sakin sumunod naman sa kanya si pin pin,argh!Hindi ito maganda.
"Ako na ang bahala sa kanya." Walang emosyong tugon ni Alex,"Cure her wound okay?" Tugon naman ni Medosha at tumango lang si Alex sa kanya."Hindi Kasi nag iingat tss" dinig Kung tugon ni pin pin at sa tingin ko ay ako Lang Ang nakarinig nun,"Mauna na kami" tugon ni Alex at binuhat ako papunta sa bahay.Hanggang ngayon ay tulog parin ang lahat,inihiga naman ako ni Alex sa sofa."Anu kasing ginagawa mo doon?" Tanung nito sakin habang tinitignan ang sugat sa tuhod ko."Nagpapahangin lang ako dun." Pilit kung itinatago kay Alex ang lungkot sa mga mata ko Sana Lang talaga Hindi yun napapansin ni Alex.
"May alcohol ba kayo tyaka bulak?"Itinuro ko naman sa kanya Kung nasaan ang tinatanung niya sakin,kinuha niya naman yun at nilapitan ako.Sinimula na niyang linisin ang sugat ko kaya napadaing ako sa sobrang hapdi,"Tiisin mo ang sakit ginusto mong tumakbo Kung kayat Alam kung nakatatak na sa isip mo na Maaari kang madapa at masugatan,Ganyan naman talaga yan saka mo nalang marerealize ang lahat pag nasaktan kana.Dapat sa Simula palang ay inisip muna ang kaakibat na mangyayari bago mo gawin ang isang bagay." Makahulugang Sabi ni Alex napaisip naman ako dun sa sinabi ni Alex,tama siya! dapat noong una palang bago ko hinayaan ang sarili kung mahulog Kay pin pin ay inisip ko muna ang maaaring mangyari na makakapagpasakit ng damdamin ko.
Tuluyan na ngang lumabas ang araw at nagliwanag na ang boung paligid dahil sa sikat ng araw,ibinalita ko naman Kay Junior na sakanya na ang selpon ko Kasi may bago na akung selpon na bigay ni Ate nagtatalon naman ito sa saya."Kun makalukso ka dida wagas suga hin wara nim Sala haak."(Kung makatalon ka diyan wagas parang Wala Kang kasalanang ginawa sakin.) Lumapit naman siya sakin at yinakap ako mukang magdradrama nanaman ang kapatid Kung beklesh na toh.
"Ate dire na nim kelangan ig tago haak tim nararamdam para kan kuya Thorffin,Aram ko nga karuyag nim hiya ngan Yana nasusul an ka Dara kan ate Medosha."(Ate Hindi mo na kelangan pang itago sakin Ang nararamdam mo para Kay kuya Thorffin,alam Kung gusto mo siya at ngayon nasasaktan ka dahil Kay ate Medosha.) Napayakap din ako kay Junior ng maalala ang tagpo nila kanina ni Medosha hinayaan ko nalang ang luha ko na dumaloy sa muka ko."Uwata Nala ngatanan ate ayaw la he ako."(Lokohin muna ang lahat ate wag Lang ako.) Hindi ko na magawa pang itago Kay Junior na may gusto nga ako Kay pin pin dahil Simula palang bistadong bistado niya na ako.
"Yaadi laak ate uupdan taika."(Andito lang ako ate sasamahan Kita.) Hinaplos haplos naman ni Junior ang likod ko na nagpapagaan ng pakiramdam ko kahit papano.Ilang minuto pa ang lumipas at napahiwalay na ako sa yakap ni Junior pinunasan ko na din ang mga luha ko at umupo sa sala,Hindi Kona alam kung anu pa ang sunod na ginawa ni Junior dahil binalot nanaman ako ng pagkatulala ng sobrang tagal.
Nararamdam ko naman na may tumapik sa likoran ko kaya Naibalik ako sa realidad pagtingin ko si Ky lang pala,"Sha tinuturoy ka ni Medosha."(Sha hinahanap ka ni Medosha.) Gosh wag muna ngayon hindi kopa sila kayang harapin lalong Lalo na si pin pin,pero bago paman ako makatanggi ay nakapasok na pala siya sa loob ng bahay namin at nakakapagtakang hindi niya kasama si pin pin.
_ _
BINABASA MO ANG
Ako ang kontrabida sa istorya niyong dalawa
Romansa[Completed but unedited] Ang kwento niyo ay nakasulat na,ikaw at siya ay para sa isa't Isa.Nakatakda na ang iyong tadhana,pero bakit pa tayo nagkita? Isang Binata at Dalaga na nangako sa isa't Isa mula pagkabata ay sila na Ang nakatakda.May isang Da...