[Maskara]
"Yung selpon ko babe binitawan mo tignan mo tuloy nabasag."pinulot naman ni Alex ang selpon niya na ngayon ay basag basag na dahil binitawan Ito ni Trisha."Samahan mo ako."seryosong tugon ni Trisha at Hindi pamandin sumasangayon si Alex ay hinatak niya na Ito papunta sa gitna ng kalsada para parahin ang na taxi paparating.
Umupo naman sila pareho sa loob ng taxi,"Kuya sa Doña Vecsnta place po."tugon ni Trisha sa driver,"pakibilisan na din po."tumango lang ang driver saka pinaharorot ang sasakyan."Babe pupunta na tayo sa venue?bakit?"nakangusong tanung ni Alex,"Basta!"madiing sabi ni Trisha habang Hindi mapakali sa kinauupuan niya ngayon sa labis na nerbyos.
"Yung selpon ko pala babe."napatingin Naman si trisha Kay Alex,"I can replace it with something better."seryoso nitong tugon kaya napangiti nalamang si Alex,"Manong pakibilisan naman oh."mas binilisan naman nung driver ang taxi na menamaneho nito.Maya Maya pa ay natanaw na nila Ang Doña Vecsnta kaya agad na pumara si Trisha at bumayad ng pamasahe sa driver saka nagmadaling pumasok sa loob.
Sumakay naman siya ng Elevator at sumunod sakanya si Alex napapikit nalamang si Trisha para ikalma ang kanyang sarili,"Ang seryoso mo naman ngayon babe."Napadilat naman si Trisha at hinagisan niya ng masamang tingin si Alex,"Can you please stop calling me that babe thingy?it's kadire."Napairap nalang si Alex Kay Trisha at napabuntong hininga nalamang Ito.
Huminto naman ang Elevator kaya nagmadali na lumabas si trisha at nagpunta sa Kung saan Ang venue ng kasal nakasunod parin sa kanya si Alex, sinalubong naman siya ni Junior at Kylie."Ate you're already here."tugon ni Junior.
"What's with that face?"Hindi siya pinansin ni Trisha at naglakad lang ito ng diretso hanggang sa maabotan niya Kung nasaan ang kinalalagyan ng kanyang Ina."Ma Alam kona ang lahat."Walang emosyong tugon nito naramdaman Naman niya Ang presensiya nila Junior, Kylie,at Alex sa likod niya."Masaya ako Kung ganun."akmang yayakapin na Sana siya ng kanyang Ina ngunit napaatras si Trisha palayo sa mama niya.
"Ma..."nanginginig ang boses nito at halos matumba nanaman siya dahil sa labis na panghihina."S-i Ate Trasha at E-ricka ay iisa."gulat namang napatingin Kay Trisha Ang lahat."Sinong Trasha?"Naguguluhan na tanung ni Alex."Paanu mo naman nasabi yun anak?"gulat din na tanung ng mama niya.
"Kamukang kamuka ko si Ericka Ma,at may nunal sa ilong si Ericka tulad ni ate Trasha.Ma Sigurado akung siya si Ate."Napayakap naman si Trisha sa mama niya habang humagolgol sa iyak,"Hindi!"hindi makapaniwalang tugon ng mama niya."Hindi ko maintindihan,sino?anung? arghh!---"napasabonot nalamang sa kanyang ulo si Alex dahil labis siyang Naguguluhan at hindi makapaniwala sa natuklasan.
"Alex si Ericka siya yung nawawala Kung kakambal."
"ANU?!"
Napaupo nalamang si Alex sa sahig at Hindi parin makapaniwala."Ma si Ate niligtas niya ang buhay ko."hinagod naman ng mama ni trisha ang kanyang likod,"Anung ibig mong sabihin anak?"tanung naman ng papa niya."Pa,Ma ako dapat ang masasagasaan nun pero tinulak ako ni Ate Trasha kaya siya ang nabangga."napasuntok nalamang sa ere Ang kanyang papa dahil sa labis na inis,lungkot,at pangungulila.
"Nasagasaan siya?pero bakit Sabi ng mga kumupkup Kay Ericka sakin noon na natagpuan daw siya sa dagat na palutang lutang?"Napatayo naman si Alex dahil gusto niya ding masagot ang katanungan sa isip niya."Anu? diko maintindihan."Napahilamos nalang sa muka niya ang Papa ni Trisha habang bumubuhos ang mga luha nito.
"Si Ericka po na siyang sinasabi ni Trisha na nawawala niyang kapatid na si Trasha ay naging kasintahan ko po dati,Ang Sabi niya saakin ampon Lang siya at nakita siya ng mga taong kumupkup sakanya na palutang lutang sa dagat."mahabang tugon ni Alex.
BINABASA MO ANG
Ako ang kontrabida sa istorya niyong dalawa
Romansa[Completed but unedited] Ang kwento niyo ay nakasulat na,ikaw at siya ay para sa isa't Isa.Nakatakda na ang iyong tadhana,pero bakit pa tayo nagkita? Isang Binata at Dalaga na nangako sa isa't Isa mula pagkabata ay sila na Ang nakatakda.May isang Da...