[I hope you understand]
Nakangiti ako ngayon habang pinagmamasdan mula sa malayo sina Medosha at pin pin,isang ngiti na marami ang hinanakit na kinukubli.Kasalanan ko Ito kaya dapat panagutan ko yun,ako ang nagtulak sa kanya na iwanan niya na ako at si Medosha Ang piliin niya kaya dapat maging masaya ako para sakanya.
Siguro madali lang akung mahuhusgahan ng iba patungkol sa pagmamahal ko Kay pin pin,Mahal ko siya sobra sobra!gusto ko siyang ipaglaban pero wala akung sapat na lakas para labanan ang mali at iisa ang patunay ko na Mahal ko nga siya,I set him free because I want him to be happy.
Naalala ko tuloy noong nasa hospital ako last week Kung paano ko siya pinagtulakan kay Medosha,akala ko ay pagkatapos nun ay aalis na si pin pin pero Mali ako lumuhod ito sa harapan ko kaya nabigla ako,"Pakiusap Sha..."Umiiyak na tugon niya nahihirapan ako nasasaktan ako na Makita siyang nahihirapan Kung hindi Lang Sana kami nagkita ay malamang hindi niya ito nararamdam ngayon.
"Mahal mo ba talaga si Medosha?"Walang emosyong tugon ko kahit ang totoo ay nasasaktan ako tuwing makikita ko na umiiyak si pin pin."Sobra pa sa Mahal."tugon nito,"E bakit hindi siya ang piliin mo?"nanatili lang itong tahimik habang nakaluhod."Kasi may kulang e...Alam kung may kulang at ikaw lang ang bumubuo nun."bumuntong hininga ako sa sinabi niya at senenyasan siyang tumayo mula sa pagkakaluhod sumunod naman Ito.
"Hindi porket pakiramdam mo ay may kulang sa kanya ay dahilan na iyon para hindi siya ang piliin mo,lahat naman tayo e lahat Tayo may kulang Kasi walang perpekto sa atin..."
"Lahat tayo ay maypagkukulang,malaki kana pin pin alam Kung may Tama ka nang pag iisip kaya Sana gamitin mo din ang isip mo kasabay ng puso mo."
"Naipasok lang ako sa Istorya niyong Dalawa kasi nga ako yung kontrabida,ako Ang sisira sa relasyon niyo kaya pakawalan Mona ako bago pa mangyari yun."Nanatili lang itong nakayuko habang nakikinig sakin,"Umalis kana, pakiusap."Mahinahong tugon ko pero Hindi Ito kumibo,"UMALIS KANA!"sigaw ko sa kanya at napatayo naman ito.
"Umalis kana pin pin parang awa muna."humihikbing tugon ko at ang sumunod na sinabi niya ay labis na nagpadurog sa puso ko,"Kung iyan ang gusto mo,sige."Umalis Ito at iniwan akung luhaan.
May naramdaman akung kumapit sa braso ko,"Would you mind?"Nakangiting tugon ni Alex habang inilalahad sakin ang Vanilla flavored icecream nakangiti ko naman itong tinanggap,"Thanks!"Tugon ko at tumango lang Ito."Okay kalang?"Tanung nito kaya tumango ako sa kanya habang kinakain ang Icecream na binigay niya.
"Sila Junior?"Kanina kopa Kasi sila Hindi nakikita,"Nagdadate sila ni Kikay."Natatawang tugon nito siguro napapansin niya din ang kakaibang sparks sa pagitan ng kapatid at Bestfriend ko,"Bagay sila."Pareho naman kaming natawa ni Alex dahil dun,"teka lang ah?kukunin ko lang ang kape na inorder ko para sa atin."Tumango naman ako saka siya umalis.
Naibaling ko nanaman ang paningin ko kina Pin pin tawa parin sila ng tawa pareho kaya malungkot na napangiti ako habang kinakain ang Icecream ko, naiintindihan kona Ang lahat Habang nakikita ko siyang masaya sa piling ni Medosha,mas lalo ko lang naiintindihan na hindi talaga kami ang para sa isa't Isa.Na nagtagpo lang talaga kami pero hanggang dun lang yun,na ako ang kontrabida sa Istorya nilang dalawa.
Nagbakasyon lang siya dito sa probinsiya para samahan si Alex upang makalimutan ni Alex si Ericka,maayos ang buhay niya sa Manila at nakatakda nang maikasal sa babaeng pinangakoan niya noong mga Bata palang sila na tanging siya lang ang mamahalin ni pin pin,at sa mga oras na Ito binibigyan kolang ng sakit sa ulo si pin pin kakaisip na nagdudulot ng matinding kaguluhan sa puso niya na dati naman ay payapa noong hindi niya pa ako nakilala.Subalit ngayon sinira ko lahat ng yun,dapat masaya na siya sa piling ni Medosha subalit ginulo ko lamang sila.Nakatakda na ang Istorya nila subalit bakit pa kami nagkita?Para guluhin lang sila?
BINABASA MO ANG
Ako ang kontrabida sa istorya niyong dalawa
Romance[Completed but unedited] Ang kwento niyo ay nakasulat na,ikaw at siya ay para sa isa't Isa.Nakatakda na ang iyong tadhana,pero bakit pa tayo nagkita? Isang Binata at Dalaga na nangako sa isa't Isa mula pagkabata ay sila na Ang nakatakda.May isang Da...