[Iiwas o Masasaktan?]
Nasa kusina kami nila Ky ngayon at naghahanda kami ng mga pagkain na e mumukbang namin, Pagkatapos naming ihanda ay dinala namin yun sa cottage at naabutan namin dun si Junior at Thorffin na nagtatawanan.Alam Kung napipilitan lang siya na si Thorffin ang kausapin niya kasi gusto niya talagang si Alexander Ang kausap niya ngayon.Kaso mukang pinagsakluban ng langit at lupa si Alexander,kasi hanggang ngayon nakatulala padin siya.Pinagsabihan ko naman si Junior na tulungan kami sa pagdala ng mga pagkain na inihanda namin ni Ky papunta dito sa cottage,sumama naman si Thorffin sa kanya at mukang napakaimportante ng pinag uusapan nila kasi pati sa paglalakad nila ay panay kwentohan padin silang dalawa.
Maya Maya pa ay natapos na kami sa paghahanda at nagsiupoan na kaming lahat,nilagay naman ni Junior Ang selpon niya sa harapan namin.Ang selpon na yun ay pagmamay ari ko talaga pero gusto Ko din yun eshare Kay Junior,naaawa kasi ako sakanya kasi sa aming magkakapatid siya Lang Ang Hindi binilhan ni Ate ng selpon.Ang Sabi ni Ate kaya daw Wala si Junior dahil Ang selpon na binili niya ay buy 1 take 1 Lang daw,kahit Ang totoo ay ayaw niya Lang talagang bilhan si Junior kasi Hindi niya gusto Ang bunso namin.Sabi pa nga 'kung gusto maraming paraan,Kung ayaw maraming dahilan'.Kanina pa pala nagsimula Ang mukbang challenge namin,nag uunahan Naman si Ky at Junior na ubusin ang sampong spicy fried chicken.Habang si Thorffin ay kalma lang na kumakain ng spaghetti,si Alexander naman ay tulala padin hanggang ngayon.
Nagsimula na din akung makisali sa mukbang challenge namin at lumpiang Shanghai Ang kinain ko,panay kulitan at asaran Naman Ang ginagawa nila Ky at Junior sa harap ng camera.Kami Naman ni Thorffin ay kalma Lang habang kumakain,nahuhuli ko din siya minsan na tumitingin sakin nakikita ko yun sa peripheral vision ko.Ilang sandali pa ay naramdaman Kung umusog papalapit sakin si Alexander,at nagbigay sakin yun ng kaba."Natanggap mo na ba Ang ipinabibigay ko sayo?" Tanung niya sakin umusog naman ako papalapit Kay Thorffin kasi sobrang lapit na ni Alexander sakin at parang may kuryenteng dumaloy sa buong pagkatao ko nang magdikit ang mga braso namin ni Thorffin.Napatingin pa sakin si Thorffin nabigla ata siya kasi umusog ako papalapit sa kanya."Sorry,Kung naiilang ka dahil sa paglapit ko." Tugon pa ni Alexander sakin saka siya umusog papalayo sakin,naninibago ako sa kanya kasi Hindi niya na ako ngayon inaasar at kinakalaban.
Umusog na din ako papalayo Kay Thorffin."Oo Natanggap kona,dapat Hindi mo na ginawa yun pinapatawad Naman na Kita e." Ngumiti naman siya ng mapait."Sakin Hindi okay yun." Sabi niya sakin at maiging tinignan ang mga mata ko,bakit pamilyar din siya sakin?itong magpinsan na to binibigyan ako ng kakaibang pakiramdam,Sino ba sila?"kalimutan mo na yun Alexan---" pinutol naman ni Alexander ang sasabihin ko sana."Alex, yun ang itawag mo sakin binibigyan Kita ng pahintulot na itawag mo sakin yun." Kahit Hindi magsalita o sabihin ni Alex ang nararamdam niya,Alam kung malungkot siya ngayon."Sige Salamat." Yun nalang ang tanging nasabi ko."Wala Kang dapat ipagpasalamat sakin Trisha,ako dapat ang magpasalamat sayo." Takang tinignan ko Naman siya,Ang pagpapatawad koba sakanya ang tinutukoy niya na pinapasalamatan niya?Ilang sandali pa ay nakisali na si Alex sa mukbang challenge namin at suman naman ang kinain niya,tanging sina Ky at Junior Lang Ang nagbibigay ingay sa paligid sobrang close talaga nilang dalawa.
Maya Maya pa ay nagsalita si Thorffin at mukang ako Ang kinakausap niya."Mukang magkasundo kayo ni makoy ah." Wala akung makitang emosyon sa muka ni Thorffin,"Hindi Naman, humingi lang siya ng tawad sakin."umaliwalas Naman ang muka ni Thorffin,bakit ganun? "kahit hindi mo sabihin kitang Kita na pabirito mo yang lumpiang Shanghai na kinakain mo,parehas tayo."nakangiting tugon niya kaya naiilang ko naman siyang nginitian pabalik.Bigla nanamang may nagflash sa isip ko,sa gitna ng naglalakihang mga puno may dalawang nilalang ang kumakain ng kanin at lumpiang Shanghai Naman ang ulam nila."Sha,Hindi kasi ako kumakain ng Lumpiang Shanghai." Tugon ng lalaki."tikman mo muna kasi pin pin." Labag man sa kalooban ni pin ay tinikman niya padin ito,at napangiti siya kasi masarap at kakaiba Ang lasa nun."Masarap nga Sha,Simula ngayon paborito Kona Ito."masaya Naman silang kumaing dalawa.Naibalik Naman ako sa katinuan dahil sa sigaw ni Junior,"Ayan!So guys thank you for watching this video and if you like this video don't forget to like, subscribe,and share." Tugon ni Junior habang nakaharap sa camera,ubos na kasi ang pagkain nila at yung pagkain ko nalang ang Hindi pa nauubos.
BINABASA MO ANG
Ako ang kontrabida sa istorya niyong dalawa
Romance[Completed but unedited] Ang kwento niyo ay nakasulat na,ikaw at siya ay para sa isa't Isa.Nakatakda na ang iyong tadhana,pero bakit pa tayo nagkita? Isang Binata at Dalaga na nangako sa isa't Isa mula pagkabata ay sila na Ang nakatakda.May isang Da...