Movie Clip 9

466 39 0
                                    

Narrators Pov
.
.
.
Pagkatapos na pinulupot ni sarah ang scarf  sa kanyang leeg ay tumingin ito sa kaluluwa ng kanyang ina

"masaya ako na kahit kaluluwa na ako ay nakita at nakausap mo ako sa huling pagkakataon, mag-iingat ka ngayon anak dahil wala na si mama na laging kasakasama mo, maging matatag ka aking anghel, at wag makikipag-away magagalit si mama nyan"
Nakangiting sabi ng kangyang kaluluwa kay sarah at hindi napigilan ni sarah na mapahagulgol dahil sa lungkot

"opo mama, mahal na mahal kita"
Sabi ni sarah sa kanyang ina

"mahal na mahal din kita aking anak"
Sabi ni rosa at lumabas na si sarah sa maliit nilang bahay pero nagulat ito kasi may nakita syang lalake na nakatayo malapit sa kanya at naka suot ito ng all black

"sino ka?"
Tanong ng batang sarah

"ikaw ang dahilan kung bakit nagkagulo-gulo ang listahan ko, at ito na ang oras mo para madala ko na ang kaluluwa mo at ng iyong ina"
Malamig na sabi ni Shin sa batang sarah na ngayon ay natatakot sa kanyang nakikita, ngayon nya lang napagtanto na isang grim reaper ang kanyang kaharap

"layuan mo ang bata"
Sabi ng isang matandang babae at nilingon ni sarah kung saan iyon nanggaling

Goblin Boyfriend (BXB) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon