Movie Clip 3

1.1K 49 0
                                    

Mark Pov

Kaya kong controlin ang klima sa pamamagitan ng aking nararamdaman, kaya kong pumunta sa ibang lugar sa pamamgitan ng paglabas masok ko sa kahit anong pintuan, may kakaiba akong lakas at bilis, pero ang hindi ko kayang gawin ay ang hugutin ang espada na ngayon ay nakatarak sa aking dibdib na syang pumipigil sa kamatayan na syang aking hinahangad.

Araw, buwan at maraming taon na ang nakalipas at hindi pa din dumadating ang aking bride na syang huhugot sa espada na nakatarak sa aking dibdib

Ang ginagawa ko na lang ay ang mamasyal sa bawat parte ng lugar dito sa mundo habang hinihintay ang aking bride.

Pero nakakasawa nadin pala ang ganitong set-up ng buhay

Araw-araw kong hinihiling na sana mamatay na ako kasi pagod na akong mabuhay

Nakakapagod na ang ganitong takbo ng buhay

Lahat ng mga taong mahal ko ay nagsasakripisyo para mapaglingkuran nila ako, lahat ng mga ninuno ng mga ninuno ay dumadaan silang lahat sa akin at pag napamahal na sila sa akin ay sya naman ang pagdating ng kanilang kamatayan

Pagod na ako, pero anong magagawa ko?

Ito ang bunga ng mga maraming tao na syang aking pinaslang sa bawat digmaan na aking pinamunuan

Ang magagawa ko na lang ay ang maghintay sa kanyang pagdating

Goblin Boyfriend (BXB) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon