Movie Clip 22

266 23 0
                                    

Sarah Pov
“ikaw ba ang goblin?, bakit dika makapagsalita?, ikaw ba talaga ang goblin?”
Kanina ko pa sya kinukulit at hindi parin nya ako sinasagot

Paano ko nasabi na sya ang goblin?

Sino ang hindi magtataka diba,lahat ng mga multo na nakakakita sa kanya ay tinatakbohan sya at napatunayan ko yan kanina kasi habang sinusundan ko sya ay nagsisilaho ang mga multo na sana ay lalapit sa akin, kaya hinawakan ko ang kanyang kamay at pinilit syang pinaharap sa akin tyaka ako nagsalita

“sabihin mo na kasi kung ikaw ang goblin?”
Huling sabi ko at hinaglit nya ang kanyang kamay tyaka ako tinignan ng matiim sa aking mata

“ako nga ang goblin at ano naman iyon sayo?”
Tanong nya sa akin

Napangiti naman ako tyaka sya tinignan, mata sa mata

“ako ang goblins bride”
Sabi ko at naramdaman ko na parang natigilan sya at tinitigan ako ng maiigi

“pano mo nasabi?,alam mo ba na yang sinasabi mo ay pwede ng magkagulo-gulo ang buhay mo,kaya itigil mo na itong kahibangan na ito”
Mahaba nyang sabi sa akin at balak na naman sana nyang mag walk out kaya hinawakan ko na naman ang kanyang kamay

“hindi ka ba titigil?”
Inis nyang tanong sa akin

“ako nga ang goblins bride! Tignan mo ito”
Sabi ko tyaka ko binitawan ang aking pagkakahawak sa kanyang kamay tyaka ako tumalikod at hinawakan ang aking buhok at tinaas ito dahilan para  makita nya ang markang nakatatak sa likuran ng aking leeg na syang palatandaan na ako talaga ang goblins bride.

Goblin Boyfriend (BXB) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon