Movie Clip 12

436 35 0
                                    

Sarah Pov

Naglalakad ako suot ang aking pulang scarf patungong University, ng biglang may nagpakita na multo sa aking harapan, nakatingin sya sa akin kaya nilayo ko ang aking tingin para hindi kami magka-eye contact, kaya ang ginawa ko na lang ay kinuha ang headset sa aking bulsa tyaka sinalpak sa aking teynga para kunyari nakikinig lang ako ng music

"alam kong nakikita mo ako!!!"
Sabi nya pero hindi ko parin pinapansin

Biglang syang lumapit at napatigil ako sa aking paglalakad

"tama ako!!! Nakikita mo ako!!!"
Sabi nya pero naglakad lang ako ng deretsyo at tumagos sya sa katawan ko

Pero sumunod sya sa aking paglalakad

"ikaw ang goblins bride, diba?"
Tanong nya, sa lahat ng multo na nakikita ko ay tinatanong nila o kaya sinasabi nila na ako ang goblins bride kaya nawalan na ako ng pasensya

"ano ba yang giblins-goblins bride na yan!!?"
Pasigaw kong tanong na nagpagulat sa multo at alam ko narin na nakatingin ang mga taong naglalakad sa akin kasi nagsasalita akong mag-isa buti nalang naka headset ako para iwas hinala ng kunti

"kailangan Pasigaw?"
Gulat na tanong ng multo

"ang goblins bride ay ang mapapangasawa ng goblin"
Simpleng sabi nya

"malamang, bride nga diba!, pero bakit ako!?"
Inis kong tanong

"aba malay ko!!, basta yun lang ang na-chismiss ko sa mga ibang multo, sana all bride!!"
Sabi nya kaya napa-roll eyes na lang ako ng di-oras at tyaka sya iniwan

Goblin Boyfriend (BXB) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon