Movie Clip 7

596 44 0
                                    

Narrators Pov
.
.
.

Dumating ang araw na pinakahihintay ni Sarah at ito ay ang  kanyang kaarawan (August 15)

Hindi naman alam ni Sarah na may handa pala ang kanyang ina

Sa bawat kaarawan kasi ni sarah ay puro mga gulay lang ang handa neto at tanggap naman ni sarah kasi alam nyang wala silang kaya sa buhay, pero pinapangarap kasi ni sarah na sana may cake naman sa kanyang kaarawan, kaya kumayod ang kanyang ina para lang makabili ng cake na gusto ng kanyang anak

Pero sa gabing kanyang pag-uwi ay nangyari na ang kinakatakot ni Rosa, patawid na sana sya sa kalsada pero may nakita syang matanda na patawid sa kabilang kalsada at iba naman ang dereksyon na lalakarin ni Rosa kaya nilagay nya muna ang cake sa gilid at tinulungan ang matanda pero sa hindi inaasahan ay merong malaking truck na papalapit sa kanila at parang wala itong balak na tumigil kaya tinulak ni Rosa ang matanda dahilan para sya lang ang mabangga ng truck at nagpagulong-gulong ang kanyang katawan na ngayon ay wala ng malay.

____________

Sa kabilang banda ay kauuwi lang ni Sarah galing sa paglalaro

"ma!! Nandito na ako!"
Siga ng bata

"o anak!, halika dito may surpresa ako"
Sabi ng ina at dali-daling pumasok si sarah at nakita ang kanyang ina na nakaupo sa sahig at kaharap ang cake na pinapangarap ni sarah sa kanyang kaarawan

"wow!"
Sabi ni sarah

"maupo ka dito at sindihan mo na itong maliit na kandila"
Nakangiting sambit ng kanyang ina

Goblin Boyfriend (BXB) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon