Movie Clip 45

261 20 0
                                    

Shin Pov
1 week ang nakalipas nagbuhat nung unang sinamaan ako ni mark sa pagsundo ng kaluluwa at hanggang ngayon ay sinasamaan nya parin ako at pag natapos ko ang aking trabaho ay niyaya nya akong kumain at sinasabi sa akin na date na namin iyon.

Tuloy na tuloy na ganon ang aming set-up, pag-nahatid na nya si sarah sa school ay agad-agad syang uuwi para samahan o sumama sa aking pagsusundo.

Nalilito na ako sa aming sitwasyon na para bang laro lang lahat sa kanyang ang kanyang ginagawa na para sa akin ay nagiging dahilan ng pagkahulog lalo ng aking kalooban para sa kanya.

At heto na nga, katatapos lang naming kumain sa isang restaurant at pauwi na kami.

.............
Ng nasa harapan na kami ng mansyon at magkasabay kaming naglalakad ng naisipan ko syang tanungin.

"Ano ba talaga tayo?"
Mahinang tanong ko at napabaling ang kanyang tingin sa akin

"Tayo na"
Diretyo nyang sabi kaya napatingin na ako sa kanya

"Totoo ba yan!?, O baka ginagago mo lang ako!, Alam mo kung laro lang ito para sayo... *Tsup"
Naputol ang aking sinasabi ng bigla nya akong hinalikan, smack lang naman, at ngumiti sya

"Gusto kita, kaya ko ito ginagawa, gusto kita kaya sinasamaan kita, at gusto kita kasi gusto kita"
Maikling sabi nya pero tagos sa aking puso.

Wala akong imik at nakita kong hahalikan na naman nya ako kaya pumikit ako at saktong dumampi na ang kanyang labi sa aking labi, maya-maya lang habang naghahalikan kaming dalawa ay minulat ko ang aking mata at nakita ko si sarah na nakatingin sa amin ni mark na naghahalikan kaya naitulak ko bigla si mark at napatingin din si mark kay sarah at nakitang nagulat din ito kay sarah.

Goblin Boyfriend (BXB) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon