Movie Clip 1

2.4K 71 0
                                    

Mark Pov

Noon, ang alam ko lang gawin ay ang sumunod sa utos ng hari

Makipagpatayan doon, atyaka dito
Ginagawa ang lahat para lang umangat ang kahiraan

Ginawa ko lahat ng sasabihin nya dahil naki-usap ang kanyang ama sa akin bago sya mamatay na lahat-lahat ng sasabihin nya ay susundin ko

Kaya ginawa ko ang makakaya ko para lang maibsan ang kagustuhan ng hari

Kahit madami na ang nadamay at nagbuwis ng buhay sa lahat ng digmaan na kinahahantungan ng kaharian

________

Pero nalaman ko na nagkagusto ang hari sa aking kapatid na babae noong nakita nya ito sa pagtitipun na kung saan, yun ang kaarawan ng hari

Handa na sana ang hari na bitawan ang kanyang pwesto para lang magsama lang sila ng aking kapatid, pero merong isang tao ang ayaw ng plano ng hari, kaya pinagplanuhan nya na lasunin nag isipan ng hari, na parang kinukuha ko na raw ang simpatya ng mga tao

Ang babaw ng rason pero ganyan ang mga tao noon

At balang araw ay mawawalan na sila ng interisado sa hari, at dahil sa naudyok din ang hari ay naisipan nyang ipapatay ako, kaya ang ginawa nila ay ginawa nila akong kalaban at sa araw na akoy patatamaan ng maraming pana sa labas ng palasyo ay biglang tumakbo ang aking kapatid sa aking harapan dahilan para sya ang matamaan neto...

Nagulat ang hari kaya tumakbo ito palapit sa aking kapatid at ng nasa harapan ko na sya ay iniyakan nya ito

Pero habang umiiyak ang hari ay inutusan ng sakim na iyon ang mga kawal at patamaan narin ang hari na syang nasa aking harapan

Dahilan para sya ay malagutan ng hininga sa harpan ng bangkay ng aking kapatid

Maya-maya lang ay kinuha ng isang kawal ang espada na syang aking ginagamit sa digmaan na kung saan pumatay ng milyong-milyong tao

At pumunta sa aking harapan dahil na rin sa wala na akong lakas ay pinikit ko na lang ang aking mata at tinanggap ang aking kahihinatnan

Goblin Boyfriend (BXB) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon